Chapter 3

1615 Words
Halos hindi na magalaw galaw ni Xhymich ang kapeng nasa kanyang harapan. Pagkatapos kasi naging engkwentro nila kaninang umaga ng Austin na yun, ay hindi na maalis alis sa isip niya pag mumukha ng binata. "Bwesit..." ani ko at sinabunutan ang aking ulo. "Kundi ka ba naman tanga mich, bakit kasi don ka pa pumasok sa unit ng lalaking yun?" kausap ko sa aking sarili. "Aba malay ko ba na don pala nakatira ang lalaking yon sa unit na yon." pag patuloy ko pa. "Hoy" "Ay p**e mong nahulog." gulat na saad ko ng gulatin ako ni Jean. "Bwesit ka Jean. Ano ba problema mo at ng nagugulat kang bruha ka." inis na baling ko dito. "Ako ba talaga may problema o ikaw? Kanina ka pa wala sa sarili mo. Ano ba nangyari kagabi bigla ka na lang na wala? ganun din si Jayson magkasama ba kayo kagabi ha?" usisa pa niya. "No, hindi kami magkasama dahil umuwi na ako kagabi." saad ko dito, dahil yon naman talaga ang totoo, mali lang ako ng pinasukang condo. "Ganon ba? Akala ko talagang pina diligan mo na yang perlas mo ng tuluyan." aniya na umupo sa aking katabi ng upuan. ."Ano akala mo sa akin kating kati na kahit kanino papatol ganon?" saad ko at nitignan ito ng masama. "Hindi naman, syempre alam ko namang loyal yang kepay mo don sa naka virgin sayo 2 years ago at inararo ka ng patalikod, nasabi mo." natatawa na wika nito. Binato ko ito ng hawak kong tissue. "Bwesit ka, umalis ka nga sa harapan ko." pagpapalayas ko dito, pero tawa lang ito ng tawa "Pero ito seryoso na, may nabanggit ba sayo kahapon yung sugar daddy mo na baba na siya sa kanyang pwesto?" biglang pag iiba nito sa aming usapan. Kunot noong tumingin ako dito "Wala naman sinabi sa akin si Marcus kahapon, binigay niya lang yong bag na surprise niya. Bakit mo pala natanong?" "Kasi bali-balita sa mga empleyado na darating daw ngayon ang anak ni Mr. Berslow at siyang papalit sa pwesto nito." nabigla ako sa sinabi niya. Oo nga't sinabi na sa akin Marcus na uuwi ang anak nito pero wala naman itong sinabi na papalitan ito ng anak niya sa kanyang pwesto. "Paano yan pag hindi na Mr. Breslow ang umupo bilang CEO? Hindi mo na magagawa ang plano mong pang aakit sa kanya at makuha ang kayamanang sinasabi mo." aniya ni Jean sa akin. Umiling ako dito, hindi pwedeng bumaba si Marcus sa pwesto niya na walang nangyayari sa plano ko kailangan maakit ko ang matanda. "No! Hindi ako papayag na bababa siya sa pwesto niya na hindi ko pa nakukuha ang gusto ko sa kanya." mariing saad ko kay Jean. "So anong plano? Paano pag nag kita kayo nag anak niya?" tanong pa niya sa akin. "Alam ko na nagdududa na si, Mrs. Breslow sa kanya. Ang kailangan ko lang ay ipagpatuloy ang pag papangap ko na kabit niya para maka abot ito sa asawa niya at sa anak niya nang sa ganun hiwalayan siya ng asawa niya at makuha ko ang dapat kong makuha pati siya." mahabang saad ko sa kanya. "Andon na tayo girl sa pag papangap mo na mistress niya, pero ang tanong hihiwalayan ba niya ang asawa niya? Ang alam ko mahal na mahal niya si ma'am Joan. Ang pinag tatakhan ko lang ay kahit kalat na kalat na dito na mistress ka niya ay hinahayaan niya lang." mahabang Wika ni Jean. "Kaya nga habang hinahayaan niya na ang mga chismis na yun ay kailangan ko sungaban ang pagkakataon na to para mapaniwala si Mrs. Breslow na kabit niya ako. At makuha ko ang pera na dapat sa amin naman talaga mama ko" Pag kasabi ko nun ay tumayo na ako at pumunta ng banyo. Dating mag kasintahan ang mama at si Marcus pero inakit daw ito ng asawa niya ngayon at nabuntis dahilan para makasalan ito ng lalaki. Nung naging mag asawa ang mama at papa ko ay lagi kong nakikita kung paano saktan ng walang kwenta kong ama ang aking ina. Halos gabi gabi kami noon sinasaktan ni papa. Hangang kwento ni mama na hindi dapat ganito ang buhay namin kung nakatuloyan niya si marcus. Sana naging maganda ang buhay namin mag ina at hindi siya napunta kay papa. Hanggang isang araw dinala ako ng mama ko sa pagmamay-ari ng company ng mga Breslow 10 taon lang ako nun at ina abangan namin si Marcus. Nung una hindi ko pa alam kung anu ginagawa namin hanggang sa narinig ko na lang na tinawag ni mama si Marcus at nagmamakaawa. "Marcus" tawag ni mama sa isang gwapong lalaki, matangkad at matipuno ang katawan nito ang ganda din ng mga mata nito. "Michelle? Anu ang ginagawa mo dito?" tanong ng gwapong lalaki kay mama. "Marcus nagmamakaawa ako pag nawala ako kupkupin mo ang anak kong si Xhymich at alagaan" pakiusap ng mama ko at dahil sa murang isipan ko ay hindi ko pa makuha ang sinasabi noon ni mama. "Ha? Anak mo siya?" tumango lang ang mama ko sa kanya. "Kung mabalitaan mo man na wala na ako sana hanapin mo ang anak ko. Kahit sa kanya na lang Marcus ay ibawi mo ang kasalanan mo sa akin" umiiyak na saad ni mama. "Yon lang ang tanging hiling ko sayo," pag katapos mag salita ni mama ay hinila niya na ako malayo sa gwapong lalaki at sumakay ng taxi. Kakauwi mo lang nun galing school at papasuk ng bahay ng marinig ko ng hagulgol ni papa. "Michelle, bakit mo naman ginawa to? Paano na kami ng anak mo?" dinig kong iyak ni papa kaya tumakbo ako paakyat sa kwarto nila pero natigilan ako ng makita ko si mama "Mama! Mama! Mama ko." iyak ko ng makita ko bumubula ang bunganga nito. "Papa dalhin natin si mama sa hospital dali, mama! W-wag mo ako iwan ha, p-paano ako pag iniwan mo ako?" umiiyak na saad ko habang yakap yakap ko ito. "Michelle! patawad, patawad kung nasasaktan kita pero sana hindi mo kami iniwan ng anak mo. Nagagawa ko lang naman ang saktan ka dahil bukang bibig mo lagi ang lalaking yon, lagi mo na lang ako kinu kompara sa lalaking yun at pinakita sa akin na wala akong kwenta asawa para sayo. Pero alam mo naman kung gaano kita kamahal diba? Lahat ginagawa ko para sayo, pero bakit kulang pa para mahalin mo rin ako" niyakap ni papa si mama Nadala pa namin si mama sa hospital pero nag declare ang doctor na dead on arrival na ito. Uminom si mama ng asido dahil hindi niya na daw kaya ang pananakit sa kanya ni papa. Nakita ko sa ilalim ng unan ko ang iniwan niya ng sulat. "Anak kong nababasa mo man ang sulat na ito malamang ay wala na ako. Gusto kong sabihin sayo na hanapin mo si Marcus Breslow, bawiin mo sa asawa niya at mga anak niya ang dapat ay para sa atin, dahil tayo dapat ang sa pwesto nila at hindi sila. Ipangako mo sa mama anak na kukunin mo ang lahat sa kanila kasama na si Marcus." kuyom ang iniwang sulat ni mama ay ipinangako ko sa sarili ko na babawiin ko ang dapat ay para sa amin kasama na si Marcus. 15 years old na ako umalis ako sa bahay ni papa at pumunta sa company ng mga Breslow "Hello, po pwede mo po ba makausap si Mr. Marcus Breslow?" tanong ko sa guard ng kompanya. "Naku ineng ano ba kailangan mo kay sir? Saka baka hindi ka harapin non." sagot sa akin ng gwardia. "Sige na po kuya pakisabi po anak po ako ni Michelle Perez. Kilala niya po ang mama ko kaya kakausapin ako nun." pakiusap ko sa kanya. "Siya sige tatawagan ko lang ang secretary ni sir." na tuwa ako dahil tumawag nga ito at pinaakyat agad ako nito sa taas. "Salamat po kuya" nakangiting saad ko Nung mag kaharap na kami ni Mr. Breslow ay binigay ko dito ang iniwang sulat ni mama para sa kanya. Mula non ay binilhan niya na ako ng condo. Siya na rin ang nag paaral sa akin at lahat ng mga pangangailangan ko ay siya na rin bumibili, binigyan niya rin ako ng allowance. At lahat ng ito ay hindi alam ng aking papa ni balita ay wala akong paki alam sa kanya. "Ma'am okay, lang po kayo?" tanong ng make-up artist ko "Ha?" Bumalik ako sa kasalukuyan ng tanungin ako nito. "A-ah oo okay ako bakit?" tanong ko dito. "Kasi po ma'am yuping yupi na po ung cup ng kape niyo saka natapon na po ang ibang kape sa damit niyo, umiiyak rin po kayo okay lang po ba talaga kayo?" napalunok ako at pinunasan ko ang luha ko sa aking pisngi hindi ko alam na umiyak na pala ako sa pag babalintanaw ko sa nakaraan. "Okay, lang Lhen thank you sa pag aalala." ngumiti ako dito. Hindi ako papayag na hindi ko makuha ang dapat ay para sa amin ni mama. Kung kailangan na mas akitin ko pa si Marcus ay gagawin ko para mabawi ko lang ang pagmamay ari ni mama. "Walang anu man po ma'am Mich, aayusin ko na rin po kayo para ready na po kayo mamaya sa shoot niyo." nakangiti ring sabi niya. "Ah cge Lhen thank you, pero saglit lang ha mag bihis lang ako dahil may kape na yung damit ko" tumango lang siya sa akin kaya tumayo na ako at nag bihis ng bago kong damit bago bumalik sa kanya upang ma ayusan niya. Laking pasasalamat ko sa kanila ni Jean dahil kahit ganito ang ugali ko ay natitiis pa rin nila akong dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD