Chapter 19-Paligsahan 7

2268 Words
Kinabukasan... maaga kaming nagising ni Rico. Ginawa niya muna ang trabaho niya sa palasyo bago ako samahan papunta sa arena para sa susunod na laban. Nai-kwento ko sa kanya ang nangyari kagabi, sa pagitan namin ng Princesa at talagang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi niya alam na may ganoong pagtatapo ang Princesa at si Hermes noon. Mukhang inilihim iyon ni Hermes sa kanya. Sinabi na lamang niya sa akin na pag natapos na ang laban, aminin ko na sa Princesa kung sino talaga ako. Ganoon na rin ang plano ko. Nang makarating kami sa Arena, mas dumagsa ang mga manonood sa laban. Kaya nahirapan si Rico kung saan uupo. Nang makakita na siya nang mauupuan niya ay nagpaalam na ako sa kanya, na baba upang pumunta na sa bulwagan. Kung saan naroon na rin ang ilang kalahok na natira kasama ako. Napatingin sa akin si Troy at tumango. Gumanti na rin ako sa kanya at bahagyang ngumiti. "Nakita ko ang laban mo kahapon at napabilib mo ako," komento niya sa akin. "Salamat, humahanga rin ako saiyo sa nakita kong laban mo," sabi ko rin sa kanya. Tumango siya sa akin. "Sana makalaban kita ulit ngayon. Gusto kong makita kung anong tinatago mong kakayahan," nakangiti niyang sabi. Bahagya akong natawa. "Ganoon rin ako," sabi ko naman. "Tsss, huwag kang masyadong magyabang," narinig kong sabi ni Topper na naglakad palapit sa akin. Masama ang tingin niya sa akin at nararamdaman ko ang inis sa mga mata niya. Napabuntong-hininga na lang ako sa inaasta niya sa akin. Mukhang hindi niya pa rin nakakalimutan ang huling laban na nangyari sa pagitan namin. Mukhang gaganti talaga siya sa akin. "Hindi ko naman kailangang magyabang. Gagawin ko lang ang makakaya ko para sa laban na ito," sabi ko sa kanya. Napasinghal lang siya sa sinabi ko. Hindi ko na lamang siya pinansin at hinintay na lumapit ang taga-pagsalita upang ipaliwanag ang susunod na gagawing laban. Mayamaya ay lumapit na rin ito. "Good day everyone! Now let's witness who can win this round! Oh should I say... Who can survive! Ngayon ipapaliwanag ko ang susunod na gagawin ng mga kalahok. Iba ngayon ang tema, hindi tulad kahapon na duel. Ang gagawin nila ngayon ay 'survival'! Bakit? Dahil kung sino ang makaka-survive sa round na ito ay siyang mapupunta sa huling laban ng paligsahan!" masiglang sabi nito. Mayamaya ay nakita ko sa malaking screen ang isang tila lugar o sa madaling salita, ibang demension. Seryoso lang akong nakatingin dito, habang hinihintay kung ano pa ang sasabihin niya. "Nakikita niyo ba ang nasan screen? Pupunta sa ibang demension ang ating mga kalahok. Kung sino ang makakalabas diyan matapos ang kalahating oras ay makakapasok na sa finals. Kapag hindi sila umabot ay tanggal na sila. Sa ibang demension na iyan, ay maraming makakaharap na mga nilalang ang ating mga kalahok. Kailangan nilang labanan kung sino man ang magiging kaharap nila. Hindi sila magsasama-sama sa isang lugar sa demension na iyan. Hiwa-hiwalay sila at kailangan nilang maka-survive. Kapag nakita na nila ang portal palabas ng demension na iyan, ibig sabihin no'n ay nakaalis na sila doon. Ngunit kailangan din nilang alalahanin na kalahating oras lamang sila sa loob," paliwanag niya. Kaya naman naiintindihan ko na ang sinasabi niya. Kailangan naming maka-survive at makalabas sa demension na iyan bago matapos ang oras na ibinigay. Ano-ano naman kaya ang mga nilalang na maari naming makalaban sa loob niyan. "Kaya naman simulan na natin ang survival game! Isa-isa kayong papasok sa portal na iyan. Wala kayong susuotin na wristband, kaya walang limit ang buhay ninyo sa loob. Now let's start!" sigaw niya. Kasabay no'n ang pagtunog ng gong. Hudyat na magsisimula na. Unang pumasok sa portal si Topper, sunod-sunod kaming pumasok. Nang makapasok na ako ay hindi ko na makita ang mga kasama ko, tulad nang pagkakasabi kanina ay hiwa-hiwalay nga kami dito sa lugar na ito. Pinakiramdaman ko ang paligid. Napakatahimik ng lugar at may kadiliman. Nagsimula akong maglakad at lumilingon sa paligid, baka biglang may aatake sa akin nang hindi ko napapansin. "Kakaiba pala ang lugar na ito," sabi ko habang napapatingin sa paligid. Mayamaya ay bigla akong napatisod, kaya naman nadapa ako. Napalingon ako sa dinaanan ko, may isang malaking ugat pala na nakaharang kaya natisod ako. Ngunit bago pa ako makatayo ay biglang gumalaw ang ugat na siyang dahilan nang pagkatisod ko. Biglang lumindol sa paligid ko, mali! Gumalaw bigla ang mga patay na puno, malapit sa akin. Agad akong tumayo at tumalon nang biglang may umatake sa akin na ugat. Patuloy ako sa pag iwas habang inaatake ako ng mga ito. Ngunit hindi ko akalaing marami pala sila, kaya hindi ako nakaiwas nang may umatake sa likod ko. Tinamaan ako at tumilapon ako sa di-kalayuan. Bago pa ako matayo ay nakita kong may aatake na naman sa akin, kaya mabilis akong gumulong upang umiwas at saka tumayo. Inilabas ko ang espada na nasa likod at sinimulang umatake rin sa mga ito. Mabilis kong hinihiwa ang mga ugat gamit ang espada at nagagawa ko naman iyon. Ngunit dahil marami sila ay nahirapan ako. "s**t!" sambit ko nang tamaan na naman ako at tumilapon. "Kainis naman ang mga ito," sambit ko. Inipon ko ang kapangyarihan ko sa espada at tulad ng dati ay nagbago ang kulay nito. Tumayo ako at seryosong tumingin sa mga ito. Nasisiguro kong may paraan pa para matalo ko ang mga ito. Kusa silang gumagalaw at umaatake. Kaya siguradong may kumukontrol sa kanila. Mariin kong pinagmamasdan ang mga ito. Hanggang sa may napansin akong umilaw sa isang puno na nasa gitna. That's it! Siguradong iyon ang kumukontrol sa mga ito at magagawa ko itong matalo kapag iyon ang aatakihin ko. Tumakbo ako nang mabilis at nang aatake na mga ito sa akin ay tumalon ako sa mga ugat nito at patuloy na umiiwas habang papalapit sa target ko. Mukhang naramdaman nito ang plano ko kaya mabilis silang umaatake sa akin. Ngunit nagagawa ko ang makaiwas sa mga ito. Nang makalapit na ako sa target ko ay mabilis ko iyong hiniwa at bigla itong sumabog. Kaya naman bumagsak ang ilang ugat na kinokontrol nito. Napabuga ako ng hangin at muling nagpatuloy sa paglalakad. Napatingin pa ako sa itaas at nakita ko ang oras. May 20 minutes pa bago matapos ito. Kaya naman binilisan ko ang paglalakad at bahagyang tumakbo. Ngunit napahinto ako bigla nang maramdaman kong may tatama sa akin. Kaya agad ko iyong nasangga gamit ang hawak ko espada. Isang palaso. Naramdaman ko ulit na may papalapit, hindi isa kundi marami. Kaya napahawak ako nang mahigpit sa espada ko at inihanda ang sarili ko. Galing sa harap ang atake nito, kung sino man ito ay siguradong magaling ito sa paggamit ng pana. Nararamdaman ko ang aura niya, malapit na ako sa kanya. Mayamaya ay napaiwas ako sa mga palaso na papalapit sa akin. Tumalon ako nang mataas at winasiwas ang espada ko upang sanggain ang mga palaso. Hanggang sa makita ko na ang may gawa noon. Isang taong- kabayo. Nakatutok sa akin ang pana niya at binitawan niya ang palaso patungo sa akin. Nagawa ko pa rin itong iwasan at mabilis ako nakalapit sa kanya. Inatake ko siya at mabilis siyang nakaiwas. "You're a good shooter," komento ko sa kanya.  Hindi siya nagsalita at seryosong nakatingin sa akin. Pumorma ulit siya na aatakin ako kaya inihanda ko ang sarili ko. Nang bitawan niya ang palaso, akala ko ay isa lang iyon pero bigla itong dumami kaya hindi ko agad naiwasan ang ilan at nadaplisan ako sa braso at paa ko. Napadaing ako sa hapdi at napatingin sa kanya na muli na namang aatake. Kaya bago pa siya muling makabitaw ng palaso ay inunahan ko na s'yang atakihin. Mabilis akong lumapit sa kanya at inihampas ko sa kanya ang espada ko. Nasangga niya iyon gamit ang pana niya. Ngunit hindi iyon naging dahilan upang tigilan ko siya. Iginalaw ko ang paa ko at sinipa siya sa leeg kaya napaatras siya. Sunod-sunod ang naging atake ko at sinasabayan niya naman. Bahagya pa akong napatingin sa oras at hindi iyon magandang tingnan. Kaya mabilis kong tinapos ang laban naming dalawa at sinugatan ko ang paa niya kaya na nahirapan siyang tumayo. Sunod kong sinugatan ang braso at kamay niya, kaya nabitawan niya ang pana. Tumingin ako sa kanya at muli siyang sinipa kaya tumilapon siya. Kaya naman nakagawa ako nang paraan upang iwan na siya at nagpatuloy. Muli akong napatingin sa oras. 10 minutes na lang ang natitira kaya naging mabilis na ang pagtango ko. Ngunit hindi ko pa rin nakikita ang sinasabing portal. Mayamaya ay naramdaman ko na namang may aatake sa akin. Galing sa itaas, kaya napatingin ako doon. Nakita ko ang ilang malalaking ibon na kulay itim. Lumilipad sila patungo sa akin, kaya naman muli kong inipon sa kanya espada ang kapangyarihan ko. Habang tumatakbo at hinihintay ang atake nila. Nang makalapit na sila at tumalon ako kasabay nang paghampas ko sa kanila. Natatamaan ko ang mga ito at patuloy pa rin ako sa pag takbo. Hanggang sa may natanaw na akong umiilaw sa di-kalayuan kaya nasisiguro kong iyon na ang portal. Kaya mabilis akong tumatakbo patungo doon, habang nakikipaglaban sa mga malalaking ibon. Ngunit bigla akong napahinto nang mapansing kong unti-unti gumuguho ang lupa. Natigilan ako at napatingin sa portal. Gumuguho na rin ang lupa na patungo doon, kaya napamura ako at muling nagpatuloy sa pagtakbo. Tumalon-talon ako sa mga nabibiyak na lupa, habang may nakasunod sa aking mga ibon na umaatake. Kahit nahihirapan ako sa mga ito ay mas ginusto kong makaabot sa portal para makalabas. Kaya naman tumalon ulit ako nang mataas at tinapakan ko ang mga ibon na lumilipad na papalapit sa akin. Hinahampas ko ang espada sa mga ito at sa huling ibon na tinapakan ko ay nagawa kong makaabot at makapasok sa portal. Tila hinihigop ako papasok sa portal at nang makalabas ako ay nagpagulong-gulong ako. Narinig ko ang tunog ng gong, kaya nang huminto ang paggulong ko ay napatingin ako sa paligid. Isang malakas na hiyawan ang narinig ko at bahagya akong napangiti dahil nagawa kong makalabas sa demension. I survive! "Wow! Tulad nang inaasahan nating lahat ay unang makakalabas si Hermes sa demension! Ang galing nang ginawa niya sa loob nang demension at mukhang nakikita ko na ang panalo niya hahaha! Sa ngayon may limang minuto na lang at hihintayin nating makalabas ang iba bago matapos ang oras! Kaya naman Hermes, magpahinga ka muna saglit," sabi nito at tumingin sa akin. Tumango ako at bahagyang umupo sa gilid ng arena. "Hermes!"  Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Rico na tumatakbong papalapit sa akin. May dala siyang kit, mukhang gagamutin niya ako. "Grabe, ang galing mo!" papuri niya sa akin. Napangiti lang ako sa kanya. "Salamat," tanging tugon ko at bahagyang napapikit dahil sa hapdi ng natamo kung sugat. "Halika, gagamutin natin ang sugat mo bago ang susunod na laban," sabi ni Rico. Kinuha niya ang isang braso ko at ginamot ang sugat ko doon. "Grabe, hindi ko aakalaing ikaw ang una na makakalabas doon. Ngunit nakakahanga ang ginawa mo," muling sabi niya. "Medyo nahirapan nga lang ako, lalo no'ng biglang gumuho ang lupa patungo sa portal. Mabuti na lang at nakaisip agad ako nang paraan," sabi ko sa kanya. Napasulyap ako sa malaking screen at nakita kong nakikipaglaban pa rin ang iba sa mga nakakaharap nila. Tatlong minuto na lang ang nantitira at hindi pa sila tapos. "Mukhang nahihirapan sila," komento ni Rico habang napapatingin sa malaking screen. "Oo, ngunit nasa mga mata nila ang magpursigi upang malabas doon," sabi ko. Bahagya siyang tumango. Nang matapos niya akong gamutin ay sabay kaming nanood, sa kung sino ang susunod na makakalabas doon. Nakita ko si Troy na papalapit na sa portal, ngunit tulad nang nangyari sa akin kanina ay bigla itong gumuho kaya naging mabilis ang pagtakbo niya. Kunti na lang at makakaabot na siya pero bigla siyang nadapa at hindi agad nakatayo. Kaya naman hindi na siya nakaayat pa para makaabot sa portal at tuluyan na siyang sumabay sa pagguho nito. Napabuntong-hininga ako. Inaasahan ko pa naman makalaban siya. Biglang tumunog ang gong at napatingin ako sa kung sino ang sunod na nakalabas. Nakita ko si Topper na pagulong-gulong sa lupa. Nang huminto ito ay napaupo siya at napatingin sa paligid. Napapikit siya at napatingin sa gawi ko. Nangunot ang noo niya at tumingin sa paligid. Mukhang nagulat siya dahil nandito na ako. Muling tumunog ang gong, akala ko ay may nakalabas ulit pero nakita kong tapos na pala ang oras. Hindi naabot ang dalawa pang kasama namin. Kaya tanging kami lang ni Topper ang nakaalis doon. Ibig sabihin nito ay kaming dalawa ang maglalaban sa huling laban? Mayamaya ay biglang lumitaw si Troy at ang dalawa naming kasama. Napailing ang mga ito at nakita ko ang pagkadismaya sa mukha nila, dahil alam nilang hindi na sila makakalaban pa. "Grabe! Ibang klase talaga ang mga kalahok natin ngayong taon! Dalawa lamang ang nakagawang makalabas doon at ang iba ay hindi na umabot sa oras. Kaya naman ang maglalaban sa huling laban ng paligsahan ay sina Hermes at Topper. Sino nga ba ang magwawagi ngayong taon? Sino ang mas malakas at karapat-dapat na manalo? Ipagpapatuloy natin ang laban, pagkalipas ng 2 oras. Kaya naman maaari munang makapagpahinga ang ating mga kalahok sa susunod na laban," sabi nito. Mabuti naman at makakapagpahinga muna kami. Inalalayan ako ni Rico na makatayo. "Tara, magpahinga ka muna," sabi niya sa akin.  Tumango ako at sabay na kaming umalis sa arena. Masaya ako dahil nagawa kong magpatuloy sa susunod na laban. Kaya sana palarin rin ako na manalo dito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD