Halos mapatalon ako sa tuwa at excitement ng sa wakas ay makarating kami sa isang resort kung saan gaganapin ang team building namin. Nagpahinga muna kami ng kaonti, nagpalit ng damit bago kumain. Kasama kong kumain si Gwen samantalang si Grace ay kausap si Paulo. "Sam, ano ba yan!" saway ni Gwen sakin. "Kawawa naman yung pagkain mo kanina mo pa pinapatay, double dead na yan!" Napatingin ako sa pagkain ko, hindi ko na makilala yung manok, para na syang corn flakes. "Sorry," palihim kong sinulyapan si Grace at malaya syang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Sobrang ganda nya talaga lalo pa ngayon na wala ng nakahambalang na salamin sa mukha nya. Kaya hindi ko masisisi ang mga kalalakihan dito na walang pasubali sa pagtingin at pagpapatansya kay Grace. "Ayusin mo nga yang mukha mo Sam,