Primrose Pov TATLONG destinasyon ang pinuntahan namin at talagang nag enjoy ako. Tuwang-tuwa kami ni Erika at hindi ko na muna iniisip ang galit ni uncle Death mamaya. Kung nakakamatay lang talaga ang titig niya ay kanina pa sana ako namatay. Nakakatakot talaga ang titig niya kaya panay ang tago ko kay Erika. Napapadasal na lang talaga ako sa diyos na sana ay iligtas niya ako kay uncle Death. Pakiramdam ko kasi huling gala ko na talaga ‘to. Panay din ang tanong sa ‘kin ni sir Jerome kaya kilig na kilig talaga ako. Lubos-lubusin ko na talaga dahil minsan lang naman ‘to sa buhay ko. Nasa bus na naman kami at pabalik na ng school. Nakiusap ako kay Erika na kung pwede ay palit kami ng upuan. Pumayag naman siya kaya nasa tabi na ako ng bintana. Panay kasi ang tingin ni uncle sa ‘kin at n