Isa sa mga laging inaakala ng mga tiga-probinsya na ang Maynila ay isang napakagandang lugar kung saan lahat ng taong pumupunta ay umaasenso napakalayo no'n sa inaakala ko.
Hindi lahat sinuswerte.
"Fresh and Virgin. Bet!"
Nanginginig ako sa takot. Maluha-luha na ako habang malaswa akong tinitingnan ng isang mayamang kano.
Malinaw na malinaw na sabi sa akin na magiging waitress kami ng isang bar. Bakit ngayon ay inaalok ako ng baklang nagrecruit sa akin?
"Mamsh..." mahina kong bulong. Nagpupumiglas ako ngunit mahigpit ang kapit niya sa akin.
"Is 200 dollars is not enough?" Mariing sambit ng kano.
Umiling ako. "No. Please no..."
"Tumahimik ka" sita sa akin ni Mamshie Jo. Siya ang nagrecruit sa akin nang dumalo ito sa fiesta sa aming baranggay.
Dahil gusto ko ng magandang kita at trabaho para sa pamilya ko ay sumama ako paluwas sa Maynila. Dapat pala ay hindi ko siya pinagkatiwalaan.
"Not enough. How about 300? I can offer her to someo—"
"Okay. 300 dollars. I like her tanned skin...."
"Good then! Pay before release"
Nagpupumiglas ako ngunit hawak ako ng bakla. Dala-dala niya ako hanggang sa may counter.
"Huwag kang makulit. 50/50 tayo dito. Sayang ang ganda mo kung hindi mo gagamitin hija. Magandang lahi naman 'yan. Masasarapan ka diyan. Malaki!"
Panay ang iyak ko habang nagbabayad ng buo ang kano. Nang maproseso na ang bayad ay para lang akong isang bagay na ibinenta. Mabilis niya akong binitawan at kaagad na pumulupot ang braso ng kano sa aking bewang.
"Babush! Kaya mo 'yan hija!!!"
"No please! No!" Sigaw ko at nagmamakaawa habang palabas ng bar.
"Don't worry. It will be fast darling..."
Iniwas ko ang mga pisngi nang halikan niya ako roon.
Malakas akong umiyak pero tinakpan niya ang bibig ko. Nagpupumiglas ako ngunit sobra ang pulupot ng kano sa akin.
Umiiyak ako ngunit walang sumasaklolo sa akin. Napakaingay ng gabi sa Maynila pero parang wala lang ako!
Natatakot ako at natataranta. Ayaw kong makuha ng kung sino ang aking p********e at mas lalong hindi sa taong hindi ko gusto.
Hindi ito ang trabaho na gusto ko. Gusto ko kumita sa matinong bagay. Hindi ko kayang matapakan ang dignidad ko.
Kaya naman nang makakuha ako ng tiyempo, noong kinukuha ng kano ang susi niya sa kaniyang kotse ay matagumpay ko siyang nasipa sa kaniyang ari.
"Ouch!"
Napakawalan niya ako. Nadapa pa ako sa nginig ngunit sinaniban ako ng lakas para tumayo at tumakbo.
Adrenaline rush ang kusang nagpagalaw sa akin. Ang tanging gusto ko lang ay lumayo kaya naman kahit maraming sasakyan ang dumadaan ay tumawid ako.
Narinig ko ang ilang pag-overtake ng ibang sasakyan pero wala na akong pake doon.
Tanging makatakas at makaalis sa lugar na iyon ang gusto kong gawin hanggang sa namalayan ko na lang na may matigas na tumama sa aking balakang at nawalan ng malay.
Pagkagising ko ay sumalubong sa aking isang babaeng napakagandang anghel. Oo. Anghel sa sobrang buti na nagliliwanag sa aking mga mata.
Inalala ko ang mga nangyari sa akin. Tumatakbo ako mula sa isang motel para takasan ang masamang balak ng isa naming customer sa bar tapos may lumapit uling lalaki kaya naman tumawid ako basta at may tumama sa akin. Pagkatapos no'n ay nawalan ako ng malay.
Nanlaki ang aking mata.
Patay na ako?
Namatay ako?
Paano ang pamilya ko? Paano na ang pangarap ko sa kanila? Hindi pwede it—
"Thank god! You're awake!" Ani nang babaeng anghel dahilan para magulat ako.
Nagsasalita ang anghel sa langit?
"Nasaan ako? Nasa langit na ba ako?" Tanong ko.
Nilibot ko ang tingin sa paligid. Puting silid at kukay berde na kurtina ang nakapalibot sa akin.
"Bakit walang ulap?"
"W-what?" Tila nawindang na sambit ng anghel.
Nang subukan ko igalaw ang aking katawan ay napakaigkik ako sa sakit sa aking tagiliran.
"Oh noh! You can't move pa!" Pigil sa akin ng babaeng anghel.
"Aray!" Daing ko at napahiga ulit.
Bakit masakit pa rin? Dapat sa langit hindi na masakit hindi ba?
So ibig..sabihin hindi pa ako patay?
Tumingin ulit ako sa magandang anghel. "Nasaan po ako?"
"You are in a hospital. Nabangga ka namin kaya dinala ka namin dito but don't worry, the doctor told me that there's no sign of internal injury. Nagamot na naman na ang sugat mo. For now, tagiliran mo ang napuruhan so it's nice that you already awake!"
Para akong tinurukan ng pampakalma nang malaman ko na hindi pa pala ako patay pero hospital?
"Hospital po?" Ulit kong sambit.
"Yes. You are in the hospital?"
Shit!
"Alisin niyo na ako dito ate! Wala po akong pambayad!" Sinubukan ko ulit bumangon pero sumikdo ang sakit sa aking tagiliran kaya napabalik ako sa pagkakahiga.
Masakit huhu.
"Gosh don't move!" Parang na-stress ang anghel sa ginagawa ko. "Don't worry about the expenses. Ako na bahala do'n"
"Totoo po ba 'yan?"
"Yes. Responsibility namin 'yon"
Nakahinga ulit ako ng maluwag. Buti naman. Wala akong dalang kahit ano. Wala akong ibabayad sa pampublikong hospital na ito.
"Salamat po Ma'am"
"Don't worry about that. Kami ang nakabangga. Kailangan ka namin ipagamot. I hope you feel okay?"
Ah ang kotse nila ang nakabangga sa akin. Nakakakonsensiya na dahil sa pagiging taranta ko at hindi pagtawid ng tama ay napagastos pa siya sa akin ngunit pinili ko na lang tumahimik.
Kailangan ko siya sa aking paggaling.
"Opo. Okay naman po" naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Siguro dahil alam kong panatag na ako na nakaalis ako sa impyerno na iyon bago pa masiraan ako ng bait. "Marami pong salamat ma'am. Sinalba niyo ako..."
"Gosh. It's really fine. Please don't cry..."
Ay tila hindi lang magandang anghel ang nakasalba sa akin ngunit totoong anghel rin sa kabaitan.
"Ano pong pangalan niyo?"
"Cheena"
"Ako naman po si Gigi. Salamat po ulit Ma'am Cheena" tatanawin ko ang pagiging mabait niya sa akin.
_______
Mabilis na lumipas ang dalawang araw. Mabilis rin naman na gumagaling ang malaking pasa sa aking tagiliran at ilang sugat na aking natamo mula sa pagbangga.
"Eto ang ilang damit ko tsaka spare phone. Contact your family. Alam kong worried na sila sa'yo" ani ni Ma'am Cheena bago naglapag ng isang bag na puno ng damit at isang box na may phone sa loob kasama ang charger.
"Sobra na po ito..." naiiyak kong ani.
Napatingin ako ng matagal sa magandang dilag. Tunay ang kabaitan nito sa akin. Dinadalaw niya ako kahit ilang oras lang at nakapagkwentuhan na din kami kaya nalaman niya na isa akong probinsiyana na naloko ng recruiter at tumakas lamang sa bar.
"No. It's not. Ito lang ang magagawa ko. Sorry that I can't stay long. I'm sorry for leaving you alone here. Marami kasing work"
"Lalabas na din ako bukas Ma'am Cheena at malaking tulong na po ito sa akin. Salamat talaga!"
Ngumiti siya at pinagtalop ako ng orange.
"So saan ka pupunta after this?"
"Maghahanap ng trabaho"
"Hindi ka uuwi sa inyo? Ako bahala sa pamasahe m—"
"Hindi ako pwede umuwi sa amin. Maghihirap kami ma'am Cheena. Naglakas loob talaga akong pumunta ng Maynila para may pera ako maipadala sa pamilya ko. Matanda na ang aking Inay at itay. May apat pa akong kapatid na pinag-aaral. Hindi na kaya ng magulang ko"
"Edi saan ka naman magtatrabaho?"
"Kahit saan po. Siguro may maapply-an naman po ako"
Plano ko na talagang umalis. Kahit pa napakabait sa akin ni Ma'am Cheena, parang hindi ko na ulit kaya pang humingi pa ng tulong. Masiyado ng sobra ang pang-iistorbo ko sa kaniya.
"I can't...leave you alone like that. Manila...is dangerous" mariin niyang ani.
Napatahimik ako. Habang iniisip ko kung anong nangyari sa akin ay nanginginig pa din ako. First time ko makaramdam ng takot na gano'n.
Tinigil niya ang pagtalop bagkus ay inilagay niya ang mga kamay sa baba at nag-isip.
"Well....since I can't leave someone like you in the street again, why don't you work with me?"
Hindi na ako para umarte pa. Kaagad akong tumango. "Kahit anong trabaho ma'am Cheena basta matino, papayag ako!"
________
Kinabukasan paglabas ko ng hospital, naging Personal Assistant ako ni Ma'am Cheena. PA niya ako.
Para akong nakakuha ng jackpot.
Jackpot kasi hindi lang basta isang babae si Cheena ngunit isa pala itong artista.
Ngayon nakukuha ko na kung bakit ang ganda nito ay hindi ordinaryo. Ang lakas pa ng charisma niya.
"Make sure na alam mo ang mga schedule ni Cheena kasi starting from now, ikaw na cocontact-kin ko at hindi na ako makakasama ni Cheena lagi dahil sa mga inaasikaso ko. Make sure na always mong iche-check ang mga damit at kailangan ni Cheena. You'll be in one house so I know you'll know that already. Lahat ng iuutos ng aking alaga ay susundin mo. Huwag kang palampa lampa. Mabilis din dapat ang kilos. Sa set, hindi sinasayang ang oras. Kailangan dito, maagap at mabilis. Did you look around? Everyone is busy"
Tinuturuan ako ni Sir Janus, ang baklang manager ni Cheena para sa mga gagawin ko.
Panay lang ang tango ko. Lahat ng kaniyang sinabi ay tinandaan ko. Hindi naman siguro ito magiging mahirap sa akin lalo na't kailangan ko ang trabaho na ito. Breadwinner din ako ng pamilya ko kaya sisiw lang ang mga trabahong ganito sa akin.
Ngayon ay nasa isa kaming staycation sa Cebu. Ito ang nirentahan para sa scene na kailangang kuhanan.
Nakakapanibago nga eh. Ang ingay sa loob ng isang shooting. Napakabusy pala talaga at sobrang daming gumagalaw. Kapag tatanga tanga ka, mapapabagal ang trabaho
Unang araw ko pa lang sa trabaho ko kaya naman nangangapa pa talaga ako at namamangha pa sa mga nakikita ko.
"Wala pa ba si Sam?" Narinig kong sambit ng direktor.
Iyon ang hinihintay ng mga tao ngayon. Naka-set up na ang mga camera, lahat. Nagsisimula palang ay parang badtrip na ang direktor.
Palagay ko ay importanteng artista ang hinihintay ng lahat. Sabi pa ay iyon daw ang leading man ng aking amo.
"Malapit na po. Natraffic lang" sagot ng isang staff doon.
"Mapapagalitan ko 'yon. Alam niyang kulang tayo sa tao ngayon, nade-delay ang oras"
"Naiintindihan mo ba ako Gigi?"
Muli akong napabaling kay Sir Janus na may mga sinasabi pa pala.
"Ah opo" inulit ko lahat ng sinabi niya. Nang wala na siyang inimik muli, alam niyang very good ako do'n.
Nag-excuse muna ako kay Sir Janus para tumulong sa iba. Ramdam din kasi ang kulang sa tao. Panay pa lang naman ang pagsunod ko kay Sir Janus kaya naman wala pa ako masiyadong ginagawa.
Kaunti na lang naman ang kirot sa aking tagiliran kaya naman nakakagalaw na ako.
"Hello po ate..." lapit ko sa isa sa mga staff na busy sa loob.
"Hi? Ngayon lang kita nakita" ani ng medyo may katabaang ginang. May hawak itong tray ng merienda sa kamay.
"Ah opo. Bago lang po ako. PA po ni Ma'am Cheena. Gigi po" magiliw kong pagpapakilala.
"Ay hi Gigi. Rowena pala. Pwede bang patulong? Kung wala kang ginagawa. Kulang kasi tao ngayon tapos dumating 'yong mga meryenda. Kailangan ko kasi ng magdidistribute pwede ba?"
"Okay po!" Kaagad kong pagsang-ayon. Iyon naman talaga ang goal ko.
"Pwede pakipasok ng mga box ng inumin sa labas? Huwag kang mag-alala, darating din 'yong isang lalaki na tutulong sa'yo. Palagay na lang sa gilid. Salamat ng marami"
Kaagad akong tumalima. Full na full ang spirit ko ngayon. I'm doing this for the sake of my job.
Ayan! Napapa-english ako hehe.
Nasa likod daw ang mga inumin na dumating kaya doon ako nagtungo. Buti na lang at magaling ako tumanda ng mga direksyon, para hindi ako aanga-anga.
Tinatiya ko muna kung kaya kong buhatin ang isang box ng inumin kahit masakit ang tagiliran ko. Hindi naman masakit at magaan lang naman kaya mabilis lang sa akin ang pagbubuhat.
Mabilis ko lang naman iyon napasok at pagbalik ko ay may nakita akong isa na namang anghel.
Pero lalaki naman ngayon.
Literal na napatigil ako sa paglalakad at napaawang ang bibig.
Ang kaniyang amoy na panlalaki ay nanuot sa aking ilong. Ang kabuuan niya ay sadyang napakalinis. Walang ni bahid ng dumi ang kasuotan. Ganoon din ang gupit. Ang kaniyang mukha ay napakaaliwalas. Walang balbas. Mestizo, may pagkachinito ang mata, natural na matangos ang ilong at may labi itong kumokorteng pangisi kapag ka nag-uusap. Nakakaatract ang lumalabas na dimple nito sa kanang pisngi.
Ito na ba 'yong sinasabi ni Ate Rowena kanina? Parang hindi staff. Sobrang gwapo!
May kausap ito sa telepono at parang galit pa.
"Tss. I'm already her—"
"Excuse me po" peke akong umubo para makuha ang atensyon niya.
Oo. Hindi ako pwedeng tumulala lang sa kagwapuhan niya. Kailangan kong mabilis kumilos.
Tumama ang mata niya sa akin. Tumalbog ang puso ko sa kaba.
Pati pag-tingin, nakakalusaw.
"Ahm...ayaw ko kayong istorbohin pero kasi naandiyan 'yong mga bubuhatin. Pagkatapos niyo tumawag...a-ano....tulungan niyo na ako pag-bubuhat. Salamat. Kailangan pong bilisan ha?" Magalang kong sambit.
"Excuse me? What did you s..say?" Tumaas ang kilay nito. Nakalagay pa din ang cellphone sa kaniyang tainga.
Ngumuso ako. Ang ganda din sa pandinig ng boses niya kaso may pagkabingi.
"Sabi ko po..." Muli akong pekeng umubo. Natatakot ako magkamali sa harapan niya. "Pagkatapos niyo sa tinatawagan niyo, tumulong na po kayo sa akin. Kailangan na kasi maipasok 'yang mga nasa likod niyo"
Umawang ang bibig niya bago binaba ang kaniyang phone. "Hindi mo ako kilala?"
Kumunot ang noo ko. "Hindi ba kayo 'yong sinasabi ni Ate Rowena? 'Yong tutulong sa akin magbuhat? Kulang kasi sa tao ngayon tsaka badtrip na 'yong direktor kanina pa. Ang tagal kasi ng leading man ng amo ko eh. Late..."
Binasa ng lalaki ang kaniyang labi bago sumalubong ang kaniyang mga kilay.
"Ah...late..." may kaunting giliw na sa boses nito.
Tumango ako. "Tumpak kuya. Walang proffesionalism 'yong artista na 'yon. Pinaghihintay niya ang mga tao dito, pati na rin ang amo ko"
Magiliw siyang tumawa. "Sorry naman"
"Ha? Bakit kayo nagso-sorry?"
"Wala naman. I feel sorry sa mga naghihintay. Ikaw ba?"
"Sabagay..." napatango ako. May point siya doon.
"Anyway, kanino kang amo? I don't see you here often. Ngayon lang?"
"Ah oo...bago lang po ako dito. PA po ako ni Cheena Ojales. Kilala niyo naman po 'yon. 'Yong magandang babae na mabait!"
"Hmm...a new..PA.." gumala ang mata niya sa itsura ko. Natakpan ko tuloy 'yong mukha ko ng aking buhok.
"May problema ba?" Nakakailang naman siya tumitig.
"No. Nothing..." may kaunting kislap ang kaniyang mga mata.
Tumango naman ako at iniwas ko ang sarili sa kaniya. Pakiramdam ko kasi ay nag-iinit ang aking mga pisngi.
"Tara na po at Mag-start ano..." ngumiti ako ng malapad kahit ilang na ilang na ako. "Kailangan mabilis ang kilos sabi ni Sir Janus"
"So I'll just...carry these things.." turo niya sa kahon na nasa tabi niya. Pangiti-ngiti na ang labi nito kaya silay din ng silay ang dimple niya.
Tumango ako. "Gano'n na nga po. Tara na po?"
"Kay.."
Dahil hindi ko na kaya 'tong poging staff, nagmamadali akong nagbuhat ng isang box at umalis doon.
"Uy dumating na ba si Gerald?" Tanong sa akin ni Ate Rowena. Nakita ko na maglalagay ulit siya ng inumin sa tray kasabay ang merienda.
"Ah opo. Tinutulungan nga po ako ih"
Iyon pala 'yong name ng pogi.
"Ah okay. Salamat sa tulong ah?"
"Walang anuman" pagkalapag ko ng box ay kaagad ulit akong nagtungo sa likod. Naabutan ko pa 'yong pogi na nakasalubong ko at nagbubuhat.
"Where should I put this?" Tanong niya.
Napalunok ako sa kagwapuhan niya. Pakiramdam ko, hindi talaga siya assistant o staff dito.
Ang yaman din kasi ng paraan ng pagsasalita niya ng english.
"Doon po" itinuro ko ang gilid ng kusina, kung saan ko nilalagay ang mga box.
"Okay. By the way, your name please?"
"Gia po"
"Hm.." muli na naman niya akong tiningnan. "Gia..."
"Gigi na lang kuya. Mas sanay ako doon."
"Gigi...." sambit niya ulit. "It sound cuter"
Nag-init ang aking pisngi. "Po?"
"Wala" ngumisi ito bago ito nagpatuloy sa paglakad.
Napatulala pa ako saglit bago nagpatuloy patungong likuran kung saan ko kinuha ang mga box.
Pagdating ko doon ay may nakita akong lalaki. Isang medyo may edad ng lalaki na nag-aayos ng mga box.
"Oh hija, ikaw ba 'yong inutusan ni Rowena?" Sambit niya nang tumama ang tingin niya sa akin.
Kumunot ang aking noo. "Opo. Kayo?"
"Ah ako 'yong Gerald. Nabanggit naman siguro sa'yo ni Rowena ang pangalan ko. Sorry at napagbuhat ka pa ng mabigat. Ako na bahala dito ineng at baka kailangan ka pa sa taping—"
"Huh? Kayo p-po 'yon?" Halos makulubot lahat ng mukha ko.
"Ano 'yon?"
"Edi sino...." 'yong pogi...
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko na muling binalingan ang lalaki sapagkat ay umalis na ako doon. Lumabas ako para hanapin ang poging lalaking iyon.
"Oh Gigi tapos na ba? Buti at bumalik ka na..."
Narinig ko ang boses ni Sir Janus pero wala sa kaniya ang paningin ko. Nasa isang gwapong lalaki na nilalagyan ng foundation at kinakausap ng direktor.
Kaya pala iba siya. Kaya pala napakagwapo. Kaya pala....
"Sir Janus..." tila wala sa sarili kong sambit bago ako bumaling kay Sir Janus na kalapit ko na pala.
"Oh ano? Saan ka galing? Unang araw—"
"Sino ho siya?" Putol ko sa kaniya. Itinuro ko ang lalaking nakilala ko kanina. Bahagyang nanginginig na ang labi ko habang tinatanong iyon.
"Iyon? Hindi mo kilala?"
Naiiyak akong umiling. "Magtatanong ba ako kung hindi? Sino p-po iyon?"
"Bakit parang takot na takot ka ineng?"
"Sir....sino siya..." gusto ko na umalis dito.
Nahihiwagaan pa rin sa akin si Sir Janus ngunit sinagot niya na rin ang aking tanong.
"Iyang poging lalaking tinuturo mo ngayon ay si Sam Cuevas. Hindi ko alam kung bakit hindi mo siya kilala pero siya lang naman ang isa sa mga gwapo at sikat na aktor ng henerasyon ngayon"
At tuluyan na nga akong umiyak.