Elia’s POV Huminto ang sasakyan ni Migo sa tapat ng isang malaking photography studio. Ang akala ko, isa lang maliit na studio ang pupuntahan namin, pero hindi. Ito ‘yung bagong bukas na photography studio dito na ang sabi ay mga mayayaman lang ang pumupunta dahil mahal nga raw kapag dito nagpa-picture. “Huwag kang baba, ako ang mauuna,” sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Pinatay na niya ang engine ng sasakyan at saka na siya naunang bumaba sa kotse. Nagulat ako dahil pagbubuksan pala niya ako ng pinto. Nilahad pa niya ang kamay sa akin. Inabot ko naman ‘yun at ayoko naman na mapahiya siya. Inalalayan niya akong bumaba sa sasakyan niya na para bang isa akong princessa. Nagpaka-gentleman si Manong Migo ngayon. “Thank you,” sabi ko sa kaniya. Ni-lock na niya ang sasakyan niya at saka n