Migo’s POV Nauna na naman akong nagising sa alarm clock ko. Ganito na lang palagi. Magse-set ako ng oras ng gising ko pero useless lang dahil palagi akong nauuna sa alarm clock ko. Lalo na kapag may lakad. Bakit kaya ganoon? Ang weird lang din. Pagdilat ng mga mata ko, naalala ko ang garden na inayos ni Elia kahapon. Mula rito sa silid ko, tanaw ko rin ‘yun dahil halos magkatabi lang kami ng bedroom. Binuksan ko ang bintana. Pagbukas ko niyon ay napangiti ako sa bumungad sa akin. Totoo ngang napaganda ni Elia ang garden na kahapon lang ay sobrang sukal. Maya maya, habang pinagmamasdan ko ang buong paligid ng garden ay nakarinig ako nang nagwawalis. Dinungaw ko tuloy mabuti ang ulo ko sa labas ng bintana, hanggang sa matanaw ko nang unti-unti ang lumapit sa garden na si Elia na gising na