Migo’s POV Tatayo na dapat ako at pagsasapakin na sila nang biglang sumigaw si Elia. “Putang-ina, ganito ba rito?!” Nagulat ako nang sumigaw siya. Lahat din sila ay nagulat sa kaniya. “Puta ka, wala ka bang alam dito?” sigaw din sa kaniya ni Mike. Nadismaya siya dahil alam niyang hindi sila papatulan ni Elia. Napangisi tuloy ako. Mukhang hindi na pala niya kailangan ng tulong ko. “Papasok-pasok ka rito, wala ka naman palang alam. Makakarating ito kay Minani,” sabi naman ni Robles. “Wala akong pakelam. Mga malilibog na gurang kayyo. Kadiri, hinding-hindi ako papatol sa mga mababahong gurang na mapapanghing gaya ninyo. Putang-ina ninyong lahat, mga bastos!” sigaw niya at saka na ito tumakbo palabas. Hahabulin dapat siya ni Mike pero hinawakan ko agad ang braso niya. “Hayaan mo na, ma