Elia’s POV Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang mangyari ang pambabastos sa akin ng mga gurang na ‘yun sa sugalan na pinasok ko. Galit nga sa akin si Jaycel ngayon dahil sa nangyari. Nagsumbong kasi ako sa ina niya. Sinabi ko kasi kay Tita Tarsing ang nangyari sa akin. Tapos, sakto naman na kinagabihan ay na-raid ang sugalan na ‘yun. Ang akala ni Jaycel, nag-report ako sa mga pulis, pero wala naman akong ginawang ganoon. Galit na galit siya dahil mawawalan na raw tuloy siya ng malaking kitaan doon. Nawalan daw tuloy siya ng trabaho dahil sa akin. Sana raw ay hindi na nalang niya ako pinasok doon. Sana raw ay hindi na lang siya nagmalasakit. Hindi sana raw ay walang mangyayaring gulo. Nakakaloka lang dahil talagang hindi niya ako pinakinggan. Akala niya talaga ay ako ang nag-repor