Pagpaparamdam ni Migo

2029 Words

Elia’s POV Tinapik-tapik na ako ni Migo kaya nagising na ako. Sa haba nang biyahe, nakatulog na pala ako sa sasakyan niya. Pagdilat nang mga mata ko, nakakumot pa ako kaya pala hindi ako nilalamig. Kinuha siguro ni Migo ang kumot sa likod at saka ako kinumutan habang natutulog ako. Ang sweet naman. Gawain ata ng isang boyfriend ‘yun ah? Iba rin si Migo. Ramdam ko talaga na inaalagaan at iniingatan niya ako. Sa nagdaang na mga araw na nakasama ko si Migo, napagtanto kong mabuti siyang tao. “Nasa Tagaytay na ba tayo?” tanong ko sa kaniya habang papungay-pungay pa ng mga mata. “Oo,” sagot naman niya. Pagtingin ko sa labas, doon ko lang napagtantong umuulan pala. Nanlaki tuloy ang mga mata ko at saka ako biglang nalungkot. “Hala, bakit umuulan? Anong oras na at parang ang dilim na rin sa l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD