Elia’s POV Mag-isa na lang tuloy akong kumain ngayong gabi. Madaling-madali pa naman siya kanina, tapos hindi naman pala siya kakain dito. Buwisit talaga siya kahit kailan. Mas masarap ang piniritong manok kapag mainit at bagong luto. At dahil wala naman siya, hindi ko na tinuloy ang pagkain ko ng manok na nasunog ko kanina. ‘Yung okay ang kinain ko. Sinawsaw ko sa gravy ang manok. Napangiti ako nang malasahang kong tamang-tama lang ang timpla ko. Iba talaga ang nagagawa ng social media. Dahil doon, natututo akong magluto ng mga lutong hindi ko naman kayang gawin. First time kong magluto nito at kahit first time pa lang, masarap agad. Habang nasa kalagitnan ako nang pagkain ay biglang may kumanta sa labas. “Happy birthday to you…” “Happy birthday, Elia!” Napatayo ako dahil hindi ako