Elia’s POV Tapos na akong mag-ayos ng mga pinamili namin. Ngayon naman, narito ako sa bedroom ni mama. Inutos ni Manong Migo na linisin ko raw ‘yun dahil dito na talaga siya matutulog simula ngayong gabi. Habang nanunuod pa rin siya ng TV sa sala ay heto, panay ang linis ko rito. Mabuti na lang at hindi malibag ang kuwarto ni mama. Sugarol man kasi ito ay malinis naman siya sa bahay, lalo na sa kuwarto niya. Pinalitan ko ang sapin, mga punda ng unan at pati na rin ang mga kurtina. Ginawa kong panlalaki ang mga kulay ng lahat dito. Matapos akong maglinis ay napangiti ako dahil sigurado akong magugustuhan ito ni Manong Migo. “Tapos na ako, makakatulog ka na ngayon sa kuwarto mo rito,” sabi ko sa kaniya nang puntahan ko siya sa sala. Tumayo siya at ngumiti. “Halika, tignan ko nga kung app