“Bitiwan mo ang anak ko kung ayaw mong mamatay sa mga kamay ko, Atty. Francisco!” Napasinghap si Katkat nang tutukan ng Daddy niya ng baril si Gio. Agad siyang tumakbo papalapit dito at humawak sa braso ng ama. “Daddy, b-bitiwan mo po 'yan,” kinakabahang sabi niya at pilit na ibinababa ang kamay ng ama. “Napag-usapan na natin 'to, Gio. Nangako ka na lulubayan mo na ang kapatid ko!” galit na sabi ni Kendric at hinila si Katkat papalapit sa kanya. “K-kuya, pigilan mo si Daddy, baka mabaril niya si Gio,” pakiusap ni Katkat sa kapatid ngunit tila wala rin itong pakialam kung mabaril man si Gio. “Pumasok ka sa bahay, Kathriella!” Naluluhang napailing na lamang siya sa sinabi ng kapatid. Hindi siya makakampanteng iwan si Gio sa Daddy at kapatid niya, alam niya kung paano magalit ang mga i