CHAPTER 19

476 Words
CHAPTER 19: So Kind Nang makauwi ako sa amin ay sinabi ko kina Papa at Mama ang nangyari. Mabuti naman at naintindihan nila ako at hindi naman p'wede kung tinanggalan ako ng scholarship ay hindi na ako magpapatuloy sa pag-aaral ko. Sabi rin sa akin ni Mama p'wede naman kung mag-transfer ako sa ibang school pero dahil isa sa mga pangarap ko maka-graduate sa Pilar University ay tumanggi ako. Ngayong araw na ito ako magsisimula sa pagtatrabaho at hinihintay ko si Sarah dahil siya raw ang maghahatid sa akin sa Tito niya. Namangha ako sa laki ng bahay at napahinto ako sa may swimming pool. Ang linis ng tubig ang ganda rin ng garden nila rito. Ang daming magagandang bulaklak. “Hello po Tito. This is Natalie my best friend,” masayang sabi ni Sarah at nag-beso sa kaniyang Tito. “Hello po sir, good afternoon. I’m Natalie Dopol,” pagpapakilala ko. “Hi, iha. Okay pumasok muna kayo at para makapag-usap tayo ng maayos.” “That’s great Tito, by the way saan po si Sean?” tanong ni Sarah. “Nasa kuwarto n’ya iha.” Tuluyan na kami pumasok sa loob at pinakain naman kami habang nag-uusap. Nagpaalam naman si Sarah sa akin. Pupuntahan niya raw muna si Sean sa kwarto nito. Mas gusto ko na lang sana sumama kay Sarah. Nahihiya ako at mabuti nga may kausap pa sa telepono ang Tito niya. Hindi naman tumagal ay naririnig ko ang tawa ni Sarah kasama niya si Sean at papalapit rito sa dining area. Mukang bagong gising pa si Sean dahil humihikab pa ito pababa sa hagdan at magulo rin ang buhok. “There you are son, may bago na tayong kasambahay. Come here..” Nakatingin lang si Sean sa akin at walang expression ang mukha. Anyways wala naman mababago dahil masungit nga pala at mukhang mahihirapan ako pakitunguhan ’to. “Na-meet ko na s’ya sa school Dad,” naiinis na sabi nito. “Yes Tito, naka bonding na ni Sean si Natalie.” Tumawa si Sarah matapos sabihin iyon. “That’s good! By the way Natalie just call me Tito. Besides magkaibigan naman kayong tatlo.” “She’s not my friend Dad!” may inis na sambit ni Sean. “Whatever, from now on she’s going to be your friend. I missed the days when we have a lot of working student here...” “Dad! I know you want to help… but.” Hindi naman natapos ang sasabihin ni Sean nang magsalita agad ang Daddy niya. “Son, can you please bring those bag upstairs. Kung saan mag-stay si Natalie,” utos nito. “Sir, huwag na po. Ako na po ang bubuhat ng mga ‘yan,” nagmamadali kong sabi. Nakakahiya naman kung si Sean pa mismo ang mag bitbit ng mga gamit ko. “No, iha tutulungan ka n’ya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD