CHAPTER 18: Sean
Bigla namang may sumulpot at nabaling ang tingin ko sa kaniya. One of the handsome kaso seryoso makatingin.
“Ohh, you’re here! This is Natalie My best friend.” Nakatingin lang ‘to sa’kin.
“Natalie, this is Sean Montecino. My cousin.”
Tumayo si Mark, Jason, and Dave para makipag shake hands at ganun rin si Sean at umupo na kami.
Nagbibiruan sila at pinag usapan ang kanilang Prof. pero si Sean tahimik lang na nakikinig. Pasulyap-sulyap ako kay Justine ang guwapo n’ya talaga at ang cute ng kan’yang mata. Sa tuwing tumatawa siya halos hindi na makita ang kaniyang mga magagandang mata.
“Sean bakit ang tahimik mo?” tanong ni Dave.
“Hayaan n’yo na nahihiya ata s’ya sa maganda kong bestie,” pang-aasar ni Sarah kay Sean.
Tumawa naman ang apat at napa smile lang ako alangan makisabay ako sa tawanan nila nakakahiya baka ano pa sabihin ng mga ito.
“What? Anong nahihiya at maganda? Saan banda?” sarcastik na tugon nito kay Sarah.
Ang harsh naman kung maka insulto. ‘Di naman kagwapuhan at ang pangit ng ugali.
“Pasensya ka na Natalie may dalaw ata ‘yan si Sean,” pang aasar nito at pigil tawa.
Ganun din ang iba nitong kasama ay tumawa ng sagad. Kaya tumungin ng masama ang masungit na Sean sa’kin.
“Ok lang! don’t worry.”
“Ikaw ba yung nakasuntok kay Katie?” Natahimik naman ang lahat sa tanong ni Mark.
“Yes, babe s’ya ‘yong sinasabi ko sa ‘yo,” masayang sagot ni Sarah.
“Nakahanap din ng katapat si Katie,” tugon naman ni Dave at tumawa.
“Nice one! Natalie,” sabi ni Jason at tumawa rin.
“Kailangan n’ya ng trabaho, tinanggalan s’ya ng scholarship. Kailangan n’ya ng work para maka bayad sa tuition fees,” pahayag ni Sarah.
Napayuko na lang ako.
“Anong trabaho ba ang hanap n’ya?” seryosong tanong ni Justine.
“Kahit kasambahay willing s’ya.” Tiningnan ko si Sarah at ramdam ko ang lungkot sa itsura niya.
“Naku, kasambahay? Sa gandang niyang 'yan akala ko mala prinsesa ang buhay niya.” Agad naman nabaling ang tingin ko kay Justine sa sinabi niya.
“Sean, nabanggit mo sa’kin na naghahanap si Tito na makakasama sa bahay n’yo. What if si Natalie ang kunin n’yo?” aniya ni Sarah sa pinsan niya.
“Ayoko sa kanya, maghanap ka ng iba,” maikli at seryosong sagot ni Sean.
Gano'n ba siya kasama? Maawa naman sana siya sa akin. Siguro tingin niya sa akin hindi ako marunong maglinis, maglaba at kung ano-ano pa.
“Si Natalie lang ang kakilala ko at mabait siya. Hindi rin siya boring na kasama kaya alam kong matutuwa ka sa kaniya. Anyways si Tito James na lang ang kakausapin ko. I will update you Natalie, don't worry.”
Napayuko na lang ulit ako sa sinabi ni Sarah. Ngumiti siya sa akin at pilit na lang rin akong ngumiti pabalik.