CHAPTER 32: Representative
Hindi ako makapag-focus sa aking mga ginagawa.
“Ako na ang kukuha!” mabilis kong sagot at lumabas ng CR.
Saan ko ba iniwan ang gamit na 'yon. Nakalimutan ko tuloy kaya ako na agad ang nag-volunteer na kunin ang susuotin ni Kylla. Malapit na magsimula ang rampa pageant at naisipan naming si Kylla ang representative. Ang ganda ng katawan niya kaya ma-iimphasize niya ang galing sa paglalakad mahilig din naman siya rumampa kaya hindi na problema iyon sa kanya.
Ano ba 'tong mga iniisip ko? Dapat mahanap ko na 'yong susuutin niya ako pa naman ang humawak no'n kanina. Mayayari talaga ako neto.
Bumalik ako sa room para hanapin baka nando'n ang damit na naiwan ko. Habang naglalakad ako nakikita ko na naghahanda na rin talaga ang iba. Mabuti pa sila may mga make up artist talaga. Edi, wow.
Napahinto ako at huminga ng maayos. Nakakapagod tumakbo pero narating ko na rin ang locker room baka naiwan ko rito.
Pero wala two minutes na lang at pagsisimula na ang pageantry.
“Hi, excuse me? Representative ka?” Napailing ako sa tanong ng isang bakla.
Pero mukhang mabait siya baka pwede akong humiram sa kaniya ng masusuot ni Kylla. Malaki ang bag na dala niya kaya tinulungan ko siya.
“Ay, wag na ako na hindi naman mabigat ang dala ko.”
“T-Tulungan ko na po kayo.”