Prologue:
Hindi ako makapag-focus sa aking ginagawa dahil sa sobrang ingay ni Kylla. Tinuturuan niya si Bianca sa bagong step ng sayaw namin.
Malapit na magsimula ang mga activity para sa mga kabilang sa Alphabet Team. Alam kong handa na rin ang iba.
“We’re done!” sigaw ni Bianca habang papalapit sa akin. Si Kylla naman ay nagliligpit ng mga gamit.
Nandito kami sa aming classroom at napagdesisyunan namin na dito na lang mag-practice. Half day lang kami ngayon dahil may meeting ang mga teacher, siguradong tungkol sa nalalapit na activity ang pag-uusapan nila. Wala rin 'yung mga classmates namin dito, marahil nasa labas silang lahat at pinapanood ang ibang team sa pagpa-practice.
Niligpit ko na rin ang aking mga gamit nang makita kong tapos na sa pagliligpit si Kylla. Sa bahay ko na lang tatapusin ang essay na aking ginagawa.
“Sofia, cafeteria tayo!” sabi ni Kylla sa akin at nauna nang lumabas kasama si Bianca.
Nagmadali na akong ligpitin ang mga gamit ko at sinundan sila. “Hintayin n'yo …”
Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang huminto sila at nagmamadaling bumalik si Bianca sa kinaroroonan ko.
“Sa kabila tayo!” nagmamadaling sambit ni Bianca at hinila ako.
“T-teka, ba…”
“Huwag ka na magtanong 'yung mga pa-famous 'yon!” aniya ni Bianca.
“Hoy! Ano ba…dito nga tayo dumaan!” malakas na sigaw ni Kylla. “Hindi naman 'to daanan nila!” dagdag pa niya.
Ahh! Ba’t ba siya sumisigaw, naririnig ko ang mga tawanan nila kaya malamang narinig din nila ang sigaw ni Kylla. Haist! Bahala na nga siya.
Tumakbo na kami ni Bianca pababa sa hagdan para makatago. Sinilip ko si Kylla at 'yung baliw rumarampa.
“Bilisan mo nga d'yan,” bulong ko at sabay kaway sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagrampa.
“Haha! Such a loser!” sabay na sigaw nila at malakas na tawanan. Mga kaklase namin sila na kabilang din sa Alphabet Team. Sila ang Team N at mas high rank sila sa amin dahil sa pag-audition.
“Ang pangit n'yo tumawa! Mga gag*!” inis na sigaw ni Kylla. Lumabas si Bianca at pinuntahan siya para tumigil.
“Oh! The other loser, ” sabi ng isa sa kanila at mas lalo pang lumakas ang kanilang mga tawanan.
Lumabas na rin ako dahil sa inis.
“Hoy! Mga pa-famous na kahit kailan hindi naman naging famous. Humanda kayo sa amin sa susunod na labanan!” may halong pagbabanta ko.
“F*ck you! Bitches and w***e!” sigaw ni Kylla sa kanila at nag-f*ck you sign. Tumigil na sila sa tawanan at akmang susugurin kami ng bigla kaming tumakbo at nagsitawanan ng malakas.
Madali kaming nakarating sa cafeteria dahil sa pagtakbo. Kami ba naman habulin ng limang aso.
Walang masyadong tao sa cafeteria kaya nakapag-order kami kaagad. Habang kumakain hindi namin maiwasang hindi tumawa.
Tumigil lang kami ng may dumating na tatlong estudyante. Nakasuot sila ng maikling short at naka-sports na t-shirt.
“Sila 'yung Team F,” bulong sa akin ni Bianca.
Ang galing naman nasa pang-anim sila na rank 'nong audition. Mukhang sports ang pina-practice nila hindi naman halata. Possible kaya na sports ang unang activity?
Naagaw din ang atensyon namin sa bagong dating na tatlong grupo, sila ay kapwa mga lalaki. Mukhang nagkakasundo sila sa isa’t isa.
Marami na ring dumating na ibang estudyante kaya nang matapos kami ay agad ding umalis.
Maraming estudyante ang nagpa-practice sa kung saan-saan. May 26 na team kasi ang kabilang sa Alphabet Team, A-Z. Masasali kaya kami sa Top 10?
“Luh! Tingnan n'yo! ” sabi ni Kylla at sabay turo sa may stage. May apat na magagandang babae ang sumasayaw at kumakanta. Maraming na nonood sa kanila, isa rin kasi sa K-pop ang kanilang ginagaya.
“Sila siguro 'yung Team B,” may alinlangan na sabi ni Bianca.
“Sila nga! May nakalagay sa taas na Team B!” sabi ni Kylla. Nawawalan tuloy ako nang pag-asa. Nanood lang kami hanggang matapos ang practice ng Team B. Ang galing nila siguro 'yon ang dahilan kaya sila ay nasa pangalawang rank.
“Ang mga pa-famous oh!” agaw atensyon na sabi ni Bianca. Sinundan namin kung saan siya nakatingin at kasama ng Team B ang mga pa-famous naming classmates papunta sa cafeteria.
“Ang kapal naman nila! Ang plastic!” inis na sambit ni Kylla.
“Nagsusumikap talaga sila para makasali sa Top 10 kaya siguro 'yan ang paraan ang alam nila,” pagpapaliwanag ko.
“Kaya dapat magsumikap rin tayo para hindi tayo ang maging loser,” dagdag ni Bianca.
“Kaya nga! ” Inilahad ni Kylla ang kaniyang kamay sa harap.
“Laban lang!” At nilagay din ni Bianca ang kaniyang kamay.
Inilagay ko rin ang aking kamay sa kanilang mga kamay at sabay naming sabing ,“Kaya natin 'to!”
“We are the Team Q!”
Chapter 1: Sofia Ferrer
Sofia P.O.V
“Bakit ba ang hirap nito?” tanong ko sa sarili.
Sinusubukan ko kasing gumawa ng experiment. Bumili kami kahapon ng mga materials. Si Bianca ang matalino sa amin sa math ngunit hindi siya marunong maglaro ng rubics cube at iba pang mga board games na