CHAPTER 22: Mike
“Free taste lang po yan? Ako rin!”
“Ang sarap naman ikaw ba gumawa ne'to?”
Mabilis akong kinalabit ni Kylla papunta sa kung saan. Maingay sa bandang dulo ano kaya me'ron?
“Bianca!!” sigaw ni Kylla kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin.
Masaya naman si Bianca na kumaway at tumakbo papunta sa pwesto namin.
“Bilisan niyo baka may maghingi pa,” nagmamadali niyang sabi at hinatak na kami.
Nandito kami nga'yon sa bench at napapaisip tuloy ako, parang si Liam ang nakita ko kanina ah. Siguro sya ang presentative sa first activity nga'yon.
“Bianca, Hindi mo ba kami tinirhan?” Pinakita niya lang ang isang cookies na lalagyanan sa akin.
Favorite ko pa naman ang cookies niya. Ang galing niya talaga mag bake, kaya pala maingay kanina.
Bigla naman akong tumawa ng maalala ang kinuwento ni Bianca. So, ibig-sabihin lang no'n kanina pa siya tumatakbo kaya pala pawis na pawis siya.
“Alam ko na! Bianca, kung magbenta na lang kaya tayo ng cookies mo. A-Aray–”
Sinamangutan ko si Kylla dahil binatukan niya agad ako. May mali ba sa sinabi ko? Wala naman siguro.
“Hindi ka talaga nag-iisip no? Highest University 'tong pinapasukan natin tapos magbebenta ka ng cookies?”
“A-ano namang mali 'don, tiyak na maraming bibili kasi masarap ang cookies ni–”
“Guys, let's go! Magsisimula na ang second subject natin!” Sabay-sabay kaming tumayo at mabilis na bumalik sa aming room.
“Ang unfair ano!? 'Yong iba d'yan kulang na lang ibigay ang ano niya para lang sa first activity."
“Sabihin na lang natin na madaya."
“True, they don't deserve maka-points sa Ups-5."
“Hindi lang sa Ups-5 dapat hindi sila maka-points sa Ups-10. Hindi naman siguro tindahan ang school na 'to or sadyang poor lang talaga sila.”
Magpasok namin kung ano-ano ang mga narinig namin na sinasabi ng mga classmates naming kala naman nila nakakatuwa sila. Nangunguna talaga ang mga pa-famous naming classmates sa pagiging Marites.
Hindi na lang namin sila pinansin at umupo na lang sa kaniya-kaniyang upuan.
Tumigil naman sila sa tawanan ng dumating si ma'am.
“Student, for those member of Alphabet team visit this website ang log in or create your account. You will see here the information all about your upcomings activity, the scores you get and also the whole members. By the way, congrats for the good job Team F.”
Umalis naman agad si ma'am pero pareho kaming hulat sa sinabi niyang Team F? So, ibig-sabihin hindi lang kami dalawang groups ang kasali sa section namin.
Nagsitinginan naman kami sa likod. Tatlo silang nakaupo sa likuran na nakakulay rainbow ang mga damit. Member yata sila ng LGBT?
“No, we're not."
Napakamot tuloy ako sa buhok ko bakit ang lakas ng mga sinasabi ko. Bakit hindi namin sila nakilala. Tama, sila nga pala 'yong mga classmates naming mga singer.
“Hindi ko alam na kasali pala sila,” bulong ni Kylla sa akin.
Tumango na lang ako bilang sagot. “Guys, tingnan niyo 'yong tatlo oh nakakapagtaka tuloy kung bakit hindi nila pinapansin ang Team F,” sabi naman ni Bianca.
T-Teka, Team F? Nakakahiya ang layo namin kaya siguro hindi nag-iingay ang mga pa-famous. Sobrang nakakahiya din naman kasi pero mas nakakahiya sila.
“Mga pa bida-bida sila dito sa atin not knowing na hindi lang tayo 2 groups.” Tumango ako sa sinabi ni Bianca.
“Hi, I'm Mike. Nakasabay kita kanina may cookies ka pa?”
Lahat naman kami napatahimik sa sinabi ng matangkad na ito. Siya raw si Mike nasa Team F nagpakilala siya kay Bianca pero si Bianca naman ay parang gulat lang sa nangyari at hindi man lang naisip na abutin ang kamay ng classmate namin.