CHAPTER 21: Ugly
“H-Huwag po kayong mag-alala ako pong bahala kay Sean. Hindi niya po ako mapapaalis agad rito kung hindi niyo po ipag-uutos,” masayang paliwanag ko at ngumiti.
Ngumiti naman ito pabalik sa akin. Ang akala ko ay babalik si Sean rito sa upuan niya pero tuluyan siyang umalis habang hindi pa nauubos ang pagkain niya.
Ramdam ko namang tumayo ang Daddy niya at nagpa-alam ito na pupunta na sa kaniyang kwarto. Tumango na lang ako at ngumiti.
May isang babae ang sumulpot sa likuran ko. Sa gulat ko muntikan ko na siyang mabatukan, mabuti na lang at na-control ko ang sarili ko.
Naka-maid uniform siya at nililinis ang mga pinagkainan. Kumilos naman ako at tinulungan siya.
“Iha, may alam akong naghahanap rin ng katulong baka sakaling gusto mong…”
“B-Bakit po?”
Naguluhan ako sa inakto niya. Magkasing tangkad lang kami at sa tingin ko ay nasa 50 na ang edad niya. May mga napapansin na rin akong puting buhok sa ulo niya.
“Dahil po ba kay Sean? Huwag po kayong mag-alala sobrang laki po ang naitulong sa akin ni Sir James kaya paglilingkuran ko po siya at kahit si Sean. Sobrang bait po pala ng Daddy ni Sean ‘di ba po?”
Napansin ko lang na ngumiti siya pero bigla naman nawala ang mga ngiti na iyon nang may narinig kaming ingay mula sa taas.
Ang sama talaga ng ugali niya kahit kailan. Hindi man lang siya nahiya sa akin. teka wait bakit naman kaya siya mahihiya sa isang tulad ko? pero dapat pa rin siyang rumespeto kahit hindi sa akin. Ang bait ng papa niya tapos gano'n ang ugali nya kanino ba 'yon nagmana.
Umakyat ako sa taas dahil parang may nababasag na gamit. Nagulat ako sa aking nakita.
“Anong! Huwag yan!!”
Tinapon niya ang mga damit ko sa labas. Nasa second floor ito ng mansyon nila. Tumingin ako sa baba kung nasaan nahulog lahat ng mga gamit ko pero sana hindi ko na lang ginawa. Nasa pool lahat saktong-sakto or shoot na shoot lahat ng gamit ko.
Humarap ako sa kaniya.
“Ang pangit ng ugali mo!!" sigaw ko at baba na sana pero lumingon pa ako ulit ng may narinig ako sa kaniya.
“Gwapo ka sana pero Ugly ang ugali! Ugly!”