CHAPTER 01.1

1114 Words
CHAPTER 01: Sofia Ferrer Sofia P.O.V “Bakit ba ang hirap nito?” tanong ko sa sarili. Sinusubukan ko kasing gumawa ng experiment. Bumili kami kahapon ng mga materials. Si Bianca ang matalino sa amin sa math ngunit hindi siya marunong maglaro ng rubics cube at iba pang mga board games na may kinalaman sa math, kaya ang dami niyang binili tulad ng iba't ibang klase na Damath board. Si Kylla naman ay magaling sa Filipino, kaya niyang gumawa ng essay na may 500 words in just 5 minutes gamit ang wikang Filipino. Ngunit, pareho kaming hindi marunong mag-drawing at mag-lettering man lang. Kaya bumili si Kylla ng mga coloring and drawing materials. Ako naman bumili ng mga chemicals, plano ko kasing inumin ang mga 'yon. Magaling naman ako sa science pero itong Chemistry huwag niyo na akong tanungin. Sinunod ko na ang lahat ng mga procedures pero bakit hindi ko nakukuha nang tama ang resulta. I really hate this Chemistry! Bakit kasi pumayag ako na pag-aralan ito pero no choice at kailangan talaga. Kung sakali kasing may Chemistry activity sayang kung hindi kami sasali. Naalimpungatan ako ng tumunog ang aking cellphone. “Hello?” sagot ko sa kabilang linya. “I’m almost done!” Sa boses pa lang kilala ko na kung sino ito. “Sure? How can you do it?” may amazed na tanong ko. Ang dami naman kasi niyang binili na board games at alam niya na laruin ang lahat ng 'yon? Hindi naman ako makapaniwala lalo na 'yon sa Damath, ang hirap kaya! “I’m Bianca and I can do everything with related to math!” Sinasabi niya naman 'yung favorite lines niya tutal siya nga si Bianca 'yung matalino sa Math. Bilib na ako sa kaniya. “By the way, I’m Sofia and I’ll make sure and promise that I can be good at everything!” Ang bigat sa pakiramdam habang binibigkas ko ang aking paboritong linya. Ang hirap kasi talaga ng Chemistry. Ayoko ko na talaga nito! “Where’s Kylla?” tanong ko sa kaniya. “Tinawagan ko siya kanina at sabi niya tapos na raw siya.” “So! Ako na lang? Baka gusto n'yong subukan itong walang kwentang experiment,” may halong tawang sabi ko. “As what I’ve said, I’m good at everything with related to math,” ulit niya sa paboritong linya na may halong tawa. “You need to try this! Bianca. What if magaling ka sa Chemistry,”paliwanag ko. “Hindi na kailangan! I’m loyal to math at baka sumabog na utak ko kung isasali ko pa 'yan.” “Wehh! Sure loyal ka kay math? Eh! Paano si Dave John?” pang-aasar na tanong ko. “Wahh! Shut up, Sofia!” malakas na sigaw niya. Magsasalita pa sana ako ngunit pinatay niya na ang tawag. Ang sarap pa rin pala niyang asarin. Sa aming tatlo si Bianca 'yung laging tumatawag at ang sarap niya talagang asarin. Crush niya din naman si Dave John, hindi pa inaamin. Niligpit ko na ang mga gamit at bukas ko na lang ito tatapusin. Pinagpatuloy ko ang paggawa ng English Essay kasi sa totoo dito ako magaling pero hindi ko kayang gumawa ng 500 words in 5 minutes. Kahapon ko pa ito ginagawa at hindi ko pa rin magawa. “Sofi!” I heared someone shouting my name and I know it’s Mom. What’s wrong with her? May ginagawa ako bahala siya! Kapag ako kasi nagseryoso sa ginawa ko ayoko nang istorbo. Same kami ni Kuya. “Sofia! Baba ka nga muna dito!” sigaw niya. Wala akong nagawa kundi ang bumaba. Kahit anong gawin ko she’s still my mom at dapat ko siyang sundin. Nakita ko siya sa kusina at nagluluto. “Wow!” sabi ko habang nakatingin sa niluluto niya. Kakain na ako!” “Nakalimutan ko pa lang bumili kahapon ng muriatic acid. Bumili ka muna d'yan lang sa malapit.” “Kahapon hindi niyo pa po sinabi, bukas na lang kayo bumili,” pangungumbinsi ko sa kaniya at kumuha ng kutsara para tikman ang kaniyang niluluto. “Ang dami kong gagawin bukas, maglilinis ako ng bahay at wala akong time lumabas!” “Asus…walang time lumabas o baka ayaw niyo lang talaga kasi hindi na naman kayo makapaglinis. Tsimis pa more!” biro ko kay mama. “Ikaw talagang bata ka!” At pinukpok sa akin ang sandok. “Kung hindi ako makapaglinis bukas, ikaw maglinis ha!” “Ma! Ayoko!” sigaw ko at lumayo sa kaniya. “Ang dumi na ng inidoro niyo, ikaw ipapalinis ko bukas!” “Ma! Diba Sunday bukas at sabi niyo dapat magsimba ako palagi?” “Oh, sige na nga! Bumili ka na doon, nandiyan 'yung pera sa wallet,” sabay turo niya sa mesa. “Bakit ba ang ingay niyo!” sabat ni Kuya at lumapit sa amin. “Kuya! Si Mama pinukpok ako ng sandok,” sumbong ko kay Kuya. “Sundin mo na kasi ang inuutos niya” “Ang daya mo! Dapat nga ikaw naman ang uutusan!”sabi ko kay Kuya at sabay kuha ng pera sa wallet ni Mama. “Ma! 1000 kinuha ko at akin na ang sukli!” Lumabas na agad ako ng bahay para hindi ko marinig ang sasabihin ni Mama. May malapit lang naman na store dito at maglalakad lang ako ng mga 3 minutes palabas ng subdivision na ito. “Excuse me po, may muriatic acid po kayo dito?” tanong ko sa tindera. Mabuti nga at konti lang ang tao. “Meron iha, pasok ka lang sa loob.” “Opo!” magalang na sabi ko. Ang hirap naman hanapin si muriatic acid. May mga chemicals ako sa bahay p'wede akong mag-imbento ng muriatic tapos akin na itong pera. Si Mama 'yung unang gagamit ng product ko tapos kung may mga side effects, bahala na si Mama. Haha! ang sama ko. “Hindi ko nga magawa nang tama 'yung simple procedure lang tapos nagpaplano pa akong mag-imbento,” sabi ko sa sarili. “Ayoko na gawin 'yun dahil hindi naman ako magiging scientist in future. Susubukan nga lang , ano ka ba!” sabi ko sa sarili at sabay pukpok sa ulo ko. “Dapat mo 'yung gawin!” dagdag na sabi ko. “Baliw ka na!” “Yup! Baliw sa ‘yo…”Nagulat ako dahil may nagsalita at sinabihan ako na baliw, t-teka ako ba sinasabihan n'ya? Lumingon ako sa aking likuran dahil do'n nanggagaling ang boses. Pagharap ko nagulat ako dahil sa sobrang lapit niya sa akin. “What the…bakit sobrang lapit mo, manyak ka no?” bulyaw ko sa lalaking ito at umatras sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD