CHAPTER 01.2

1107 Words
CHAPTER 01.1 CONTINUETION “You’re a psycho and your not my type!” cool na sabi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nagposing agad ako at nagpa-cute. Sana may dala siyang camera pero p'wede na rin naman 'yung mga mata niya na lang. Ang laki eh! Haha pero hindi naman malaki 'yung mata niya. T-teka sinabihan niya ako ng baliw ha! Tapos hindi raw type. Walang hiya 'tong lalaking ito. Alien siya! Hindi ako magpapatalo. “I’m not a psycho and your not my type too!” Tiningnan ko rin siya mula ulo hanggang paa. “By the way I thought you came from Mars. Why are you here, Alien? How did you do it?” sabi ko at umaktong gulat na gulat. “I’m not Alien , baliw ka na talaga!” mahinang bulong niya at may kinuha sa likuran ko, siguro iyon ang bibilhin niya. Mukha nga akong baliw kasi pinagkamalan ko pa siyang Alien eh, obvious naman na tao siya. Naka-color green t-shirt siya at may nakasulat na salitang Alien sa kaniyang damit. Wala ba siyang ibang masusuot? Ayan tuloy nagmumukha siyang Alien. “Baliw ka!” ulit niyang sabi. “Baliw sa 'yo!” Umalis ako at tinalikuran ko siya. Makahanap na nga ng muriatic acid. Umakyat ako sa second floor ng store na ito at iniwan ko ang lalaking Alien na 'yon. T-teka ano nga 'yung sinabi ko kanina baliw sa 'yo. Luh! Bakit iyon ang sinabi ko. Ayy! Bahala na nga. Basta ang sama niya sinabihan niya ako na baliw. May nakita na akong Muriatic acid at pumunta na rin ako sa kalapit na tindera para magbayad. “Sorry! Wala po kaming sukli, may 50 pesos po kayo Ma’am?” tanong ng tindera at parang nasa 20 pa ang edad nito. “Wala! Ito lang ang pera ko,” sagot ko at pinakita ang isang libo. “Ang laki po kasing ng pera n'yo Ma’am at worth 50 lang ang inyong ginastos,” pagpapaliwanag niya. Ano ang gusto nila bilhin ko lahat ng mga gamit dito para may sukli. Drama lang nila na walang sukli gusto lang talaga nila na gumastos ako na halagang 500. “Libre niyo na lang po ito!” pangungumbinsi ko sa kaniya. 50 pesos lang naman, eh! “Hindi po p'wede Ma’am!” May ngiting sabi niya. “Ilibre niyo na lang ito at tayo lang naman nakakaalam eh! Tsaka 50 pesos lang naman!” bulong ko sa kaniya. “Hindi nga po p’wede. Isukli niyo na lang muna iyan doon sa labas. ” Mukhang na iinis na siya sa akin and the feeling is mutual tapos ako pa ipapahanap na sukli. Hindi ko naman siguro kasalanan kung wala silang sukli, hindi ba? “Libre n’yo na lang! Sige ka, hindi ko po ito babayaran,” pananakot ko. Sana naman gumana, alangan naman ako pa maghahanap ng sukli at sinuswerte sila. “Secur…” Tatawag sana siya security guard ngunit hindi niya natapos dahil may sumabat sa usapan. “Hey! Excuse me. How much she need to pay?” Is he referring to me? Si Alien 'to ililibre niya siguro ako. Ang sarap naman ng buhay pagswerte nga naman. “50 pesos Sir…” sagot ng tindera pero nagulat siya na isang libo rin ang pera. “Keep the change!” Nabigla ako sa sinabi ng lalaking ito, nabibiro ba siya? Magpo-protesta pa sana ako nang bigla niya akong hilahin palabas. “Hoy! Bitawan mo nga ako! Sino ka ba?” sigaw ko sa lalaking ito. Sayang 'yung pera. “Can you stop shouting me?” “Bitawan mo nga ako. Babalik ako do'n, kukunin ko 'yung pera…” “It’s my money and not yours!” “I don’t care! Hindi naman kita pinababayad ha!” “Mabuti nga ako na nagbayad, wala ka nang problema!” Sobrang lapit lang namin sa isa’t isa, tapos nagsisigawan kami. Ayaw niyang tumigil kaya hindi rin ako titigil. “Tumahimik ka nga!” sigaw ko sa kaniya. “You’re the one who is shouting here! So you must stop!” Nauubos na ang pasensya ko sa kaniya, ang sarap niya ng batukan pero medyo matangkad siya sa akin kaya hindi ko siya maabot. “Ewan ko sa 'yo! Nagmamayabang ka lang kanina!” “Hindi ako mayabang!” “Mayabang ka…” Natahimik kami pareho nang sigawan kami ng isang taong dumadaan siguro dahil sa sobrang ingay namin at mabuti iyon para tumahimik na rin siya. Naiinis ako! Bahala, nga siya. Hindi ko naman siya pinababayad sa binili ko. “Hey! Are you okay?” tanong niya at nagpatuloy siya sa pagsasalita. Hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya. Iniisip ko kung paano siya babayaran at kung paano ko makuha ang sukli sa binayad niya. Uuwi muna ako sa bahay at hihingi ako ng 50 kay Mama, babalik ako sa store at babayaran ko 'yung 50 tapos kukunin ko 'yung isang libo. Good idea! Ang galing mo talaga Sofia! “What are you thinking? I know I’m handsome at hindi mo kailangan titigan ako nang ganyan.” W-what! Nagulat ako sa sinabi niya. Ang kapal! Matingnan nga 'yung makapal niyang mukha. Hmm…p'wede! G'wapo siya pero wala pa ring hihigit kay Liam. “No! You’re not handsome. Una na ako ha!” Kailangan kong magmadali baka magka-amnesia 'yung tindera at wala akong pakialam sa lalaking 'to. “Are you not going to thank me?” tanong niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Iniisip ko pa rin 'yung pera na binayad niya. Sayang 'yon! Dapat ba akong mag-thank you sa kaniya? Hindi! “Hey! You’re going to pay it! What’s your name?” sigaw niya. Bahala siya may keep the change pa siyang nalalaman tapos maniningil. Kasalan ko ba na gusto niyang magmayabang. “Mangarap ka! Gag*!” balik na sigaw ko sa kaniya. Gusto niya siguro ako magbayad sa isang libong binayad niya. Ang kapal! “W-what did you…” Galit na galit siya at mukhang hahabulin niya ako kaya tumakbo na ako nang mabilis. Ang ganda ng itsura niya, masabihan nga siya ulit ng gag*. Ay! Bad ako. Nilingon ko siya at hindi niya na nga ako hinahabol pero nakatingin pa rin siya sa akin. Naglalakad siya at parang sinusundan niya ako. Pero parang hindi naman, dito rin kaya siya nakatira? Medyo malapit na siya sa akin. “By the way, I’m Sofia Ferrer and you can also call me Sofia the first! Thank you!” sigaw ko at tumakbo nang mabilis pauwi sa bahay. Mahirap na baka malaman niya kung saan 'yung bahay namin at baka puntahan niya ako para maningil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD