EVEION ANASTASIA'S POV
"Nagpaganda ka ata ngayon, Krizza." Komento ko nang makita itong naglalagay ng lip gloss sa kanyang labi habang naghihintay kami ng panibagong customer na pumasok sa flowershop.
"Para kay Rose." Walang pagdadalawang-isip na sagot nito atsaka ako ningitian.
"Maglagay ka rin dali." Dagdag pa niya atsaka inilahad sa akin ang kanyang lipgloss ngunit umiling ako.
"Nako hindi na, ayos lang." Ngumuso ito bago niya binulsa ang lip gloss.
Panibagong araw nang pagtatrabaho na naman ang ginagawa ko. Ang bilis lang talaga ng weekends kaya heto at nagtatrabaho na naman ako sa flower shop. Malapit na rin kasi matapos ang buwan na ito kaya kailangan ko nang maghanda ng pera para sa mga bills tsaka ipon na rin para sa pag-aaral ko.
Nakakapagod pero kaya 'to.
Biglang tumunog ang bell na senyales na may bago kaming customer. Ngunit bago pa man ako makabati rito, naunahan na ako ni Krizza atsaka deretsong napatayo sa harap mismo ng counter na may malaking ngiti sa labi.
He's here.
"Good morning! The usual po ba sir?" Nakangiting wika ng kasama ko dahilan upang mapangiti ako ng palihim.
Masyadong halata si Krizza. She surely likes this young ma--
"Sir?" Don na ako napatingin kay Rose nang hindi ito magsalita.
And when I look at him, I was shocked when I saw him looking at me instead of facing Krizza.
"Can you take my order?" Nabato ako sa aking kinatatayuan nang sabihin niya iyon. Nang lingunin ko si Krizza, kita ko kung paano ito napayuko atsaka nahihiyang umatras.
"Uhm." I cleared my throat as I saw Krizza have me an approval nod before excusing herself.
"Sige sir." Kaagad kong ginawa ang order niyang isang dosenang rosas na kulay itim ang wrapper. I wrapped it perfectly as I can before giving it to him.
But when I was about to take his money, he suddenly held my hand instead which made me froze.
Akala ko kung ano ang gagawin niya pero nabigla na lang ako nang ilahad niya sa akin ang dala niyang inumin na kape.
"Stop skipping breakfast," he said with eyes looking at me before giving me the bill and left.
Napakurap ako bago napatingin sa kapeng hawak-hawak ko.
Anong...
"Eve, nakita mo ba yung gunti--" Hindi natapos ni Krizza ang sasabihin niya nang bigla itong mapatingin sa hawak-hawak kong kape.
"Mumabas ka? Ang daya mo naman, sana sinabihan mo 'ko. Gusto ko ring bumili ng kape eh." Nakanguso nitong sambit bago kinuha ang gunting na nasa gilid atsaka bumalik sa storage room.
I can't still process everything but there's one thing that's bothering me.
Paano niya nalaman na wala pa akong almusal?
Napahawak ako sa aking pisngi at hindi maiwasang manlaki ang aking mga mata.
Masyado na ba akong haggard para mapansin niya?! Sana pala tinanggap ko na lang yung lip gloss ni Krizza.
NAGDAAN ang ilang araw at hindi ko na ulit nakitang bumili si Rose s***h, Elie. Sa linggong ito, isang beses pa lang siya nagpunta at bumili.
At hindi ko alam kung bakit ko siya iniisip. Nakakainis!
Napahinga ako ng malalim atsaka kinuha ang aking cellphone para tignan ang text messsage galing kay Dave. Break ko naman ngayon kaya ayos lang.
Dave: Sorry, can't fetch you tonight. Got an urgent business meeting with dad.
Medyo nadismaya ako sa nabasa ko dahil mula nong date namin ni Dave, ngayon lang sana ulit kami magkikita pero heto at naudlot pa.
But of course, I have no rights to go against it. Hindi naman ako ganong klaseng girlfriend. As long as it's about business or family, I will let Dave do it first. Mas maganda parin na nauuna sila kesa sa akin.
"EVE!" Nagulat ako nang biglang tumakbo si Krizza sa aking harapan dahilan upang muntikan ko nang mabitawan ang aking cellphone.
"Pasensya na talaga, alam kong ako ang magsasara ngayon ng shop pero may emergency sa bahay. P-Pwede bang mauna na ako? Pasensya na talaga." She said in a panic, and I quickly got it.
"Oh s-sige, ako na bahala rito, total mukhang wala naman ding customer--"
"Salamat! Maraming salamat, babawi ako." Mabilis nitong salita bago dali-daling tinanggal ang kanyang apron matapos akong yakapin.
I watched her left in dash while grabbing her bag.
Napabuga na lang ako ng hangin at hindi maiwasang mag-alala para sa kanya. I look around the whole flower shop and sighed.
I should probably close the shop any minute from now. Mag-iisang oras na rin na walang pumapasok na customer.
Hindi nagtagal ay nagpasya na akong magsara kaya heto at nasa labas na ako ng shop. I pulled down the metal shutters and locked it.
When I was about to leave, I gasped when I saw a man sitting on the ground. Nong una ay natakot ako pero nang makita ko ang medyo napunit nitong sleeve ng jacket at pasa sa gilid ng kanyang labi, don na ako kinabahan.
"Diyos ko, anong nangyari sa'yo?" Nag-aalala kong sambit atsaka ito nilapitan. Hindi namna siguro siya patay hindi ba?
"Sir? Sir, napano po kayo? Sir?" When he looks up with eyes still closing, I froze when I saw his face.
Rose.
He groaned in pain before opening his eyes to meet mine.
Hindi ito nagsalita pero bakas sa mukha nito ang panghihina kaya mabilis ko itong pinatayo atsaka isinakbit ang knayang braso sa aking balikat bilang supporta.
"Makakalakad ka pa ba ng maayos?"
"Yes... I can try." Napalunok ako bago tumango.
"Ano ba ang nangyari sa'yo?" Tanong ko pero iniisip ko na kung saan ko siya dadalhin. Should I bring him to the hospital or my place?
"I left our house and... and I got robbed." Napasinghap ako sa gulat atsaka ito tinignan.
"Ano?! Teka, kailangan nating ireport 'yan." Mga walang puso ang gumawa nito sa kanya. Ke bata-bata pa nito pero heto at sinaktan nila ng ganito.
"No. I just want to rest. I'm just tired."
"Tired? Eh bugbog sarado ka nga!" Hindi ko maiwasang pagtaasan ito ng boses pero alam niyo kung anong ginawa niya? Tinawanan niya lang ako.
He then hissed when he felt some pain against his stomach kaya mas lalo akong nagpanic. I didn't imagine my night to end like this but I just couldn't let this kid out in the street.
So, in the end, I decided to bring him in my place for some first aid.
"Diyan ka lang muna, babalik kaagad ako," sabi ko matapos itong ibaba sa sofa.
Mabilis akong kumuha ng first aid kit atsaka bumalik sa pwesto niya. Nakita ko kung paano itong napatingin sa buong apartment ko bago ako nilingon.
"Pasensya ka na kung maliit lang ang bahay ko," sabi ko atsaka naglagay ng betadine sa bulak.
"Ayos lang, this is already decent and comfortable." Hindi ko maiwasang matigilan sa sinabi niya. Looking at him, there's no doubt he's from a well-off family, pero mukhang hindi ito maarte.
Damit pa lang nito, sapatos at relo na suot-suot, halatang mamahalin lahat. Tsaka idagdag mo pa ang unibersidad kung saan ito nag-aaral. It is more prestigious than the university I used to go together with Dave.
"Bakti ayaw mong magpadala sa ospital?" Hindi ko na maiwasang magtanong sa kanya tungkol sa bagay na iyon.
Habang papunta kasi kami rito sa apartment ko, umayaw ito na magpadala sa ospital.
Nang tignan niya ako ng deretso sa mata habang ginagamot ko ang pasa niya, hindi ko alam kung bakit medyo nailang ako. But then I just shake it off.
"All the hospitals in this city was funded by my grandfather. Sa oras na malaman nila ang sitwasyon ko, pipilitin lang nila akong bumalik."
His voice surprisingly sounds so manly, to think that this young man is almost 4 years younger than me.
"Bakit? Lumayas ka ba sa inyo?" I know that question seems too personal but as the older one here, it is my responsibility to know so that I can assess his situation.
"Ganon na nga."
Ah, a rebel.
"Bakit ka lumayas? Tignan mo kung ano ang inabot mo sa paglalayas mo." Wow, I sound like an auntie.
He scoffed which made me stop. Nang mapansin niyang nagtagal ang paningin ko sa kanya, don niya lang ulit akong tinignan ng deretso sa mata.
"Staying in that household is worse than getting a beating like this."
Hindi na lang ako nagtanong pa dahil mukhang malaki ang rason kung bakit ito nagdesisyon na maglayas sa kanila.
"Paano naman yung mga nanakaw mula sa'yo? Gusto mo bang pumunta ako ng police station ngayon para ireport 'yon?"
"No, you don't have to. Those are just clothes and some wallet and phone."
Natigilan ako.
'Just'?
Iba talaga kapag mayayaman.
Tumayo na ako atsaka niligpit ang first aid kit. Kaagad akong kumuha ng t-shirt at pantalon sa loob ng aking cabinet bago ito ibinigay sa kanya.
"Magpalit ka muna ng damit habang inaayos ko ang mahihigaan mo ngayong gabi." I saw him took Dave's clothes as stare at it for a while.
Baka magtaka ito kung bakit may panlalake akong damit kaya inunahan ko na siya.
"Sa boyfriend ko 'yan."
He looks at me and just nodded silently. Kaagad ko namang kinuha ang isang kumot at unan mula sa aking kwarto para ilagay sa sofa nang bigla kong masilayan ang malapad na likod nito.
Pagkalabas at pagkalabas ko talaga, kita kong nakapantalon lang ito na pagmamay-ari ni Dave. At kahit medyo madilim dito sa sala, kita ko parin ang matipuno nitong likod na ikinanganga ko.
That body doesn't look like it belongs to a freshman college boy.
Atleta kaya siya katulad ni Dave? Yun lang ang nag-iisang posibleng paraan na maisip ko para magkaron ito ng ganitong klaseng katawan.
I cleared my throat as I placed the pillow on my sofa. Kasabay non ay ang paglingon niya sa aking direksyon na may suot ng damit.
I almost gape my mouth open when I saw how tight the t-shirt is on him.
"Are you sure this is your boyfriend's?" Kunot-noong tanong nito habang tinitignan ang magkabilang braso niya.
Gaano ba kalaki ang batang ito?!
"Pagtiyagaan mo na lang 'yan at matulog na," wika ko atsaka tuluyan nang hinawakan ang switch ng ilaw.
"Lights on or lights off?" I asked and he looks at me-- no, he stares at me.
Hindi ito nakapagsalita kaagad pero nang sumagot ito, hindi ko rin maiwasang malito.
"It depends on you. Anything will do for me."
Ha? Ano daw? Bakit parang may ibang kahulugan iyon?
Napakibit-balikat ako atsaka mabilis na in-off ang switch dahilan upang dumilim kaagad ang buong sala.
"Lights off it is." May binulong ito pero hindi ko na iyon narinig pa.
Ewan ko sa kanya, sabi naman niya ako na daw bahala eh. Edi don tayo sa walang ilaw, makakatipid pa ako ng kuryente.
ELEAZAR SERGIO'S POV
I stare at the woman sleeping on her bed while I'm standing right at the door of her room.
How disappointing.
This woman doesn't have any survival instinct at all. She left her door unlock despite the fact that she brought a complete stranger in her home.
"Tsk, tsk, tsk, what should I do with you, Eveion?" I whispered under my breath with my arms crossed against my bare chest.
Hinubad ko ang suot kong t-shirt kanina dahil sobrang hapit non sa akin. It's not comfortable at all. So, in the end, I'm shirtless with only some pants on.
Hindi talaga siya maasahan sa ganito. I should probably keep my eyes on her.
She's too soft, she's easy to manipulate, and too kind. Hindi niya pa ako masyadong kilala, ni hindi niya nga hiningi ang buong pangalan ko pero heto at hinayaan niya akong matulog sa iisang bubong kasama siya.
If someone else tried doing this to her, I'm afraid she's just putting herself to danger.
Tsk!
I hold the doorknob and lock it before closing it.
Instead of sleeping, I examined her entire place for safety purposes. I checked her windows and was glad that it's still sturdy and totally locked. Her main door has triple locks which is also good.
The only thing problem here is her being too kind and letting strangers come in her house.
Bzzt* Bzzt*
Awtomatiko kong kinuha ang maliit na cellphone sa loob ng aking pantalon kanina atsaka tinignan kung sino ang tumatawag.
"What?"
[Sergio, where are you?]
"I'm in an apartment."
[Anong ginagawa mo sa isang apartment? Alam mo bang hinahanap ka na ng ama mo?] This is Mauro, my father hired him to be my butler.
"Hindi ako uuwi."
[Ano?!] I sighed.
"My decision is final, Mauro."
[Don't tell me you're in that woman's apartment.]
"Yes, I am." I answered and sat on the sofa. I scoffed. I can't even fit my whole body here.
[May nakakatawa ba?]
"No, not at all." But I chuckled instead. I hear Mauro left a heavy sigh, patunay lang na kahit anong gawin niya, walang makakapagpabago ng desisyon ko.
[I can't believe you're doing all of this just for a woman.]
"She's not just any woman, Mauro," I said as I reached on a picture frame where all I can see is her bright face smiling at me.
Tinitigan ko iyon ng ilang segundo bago muling magsalita.
"She's going to be my bride." I blurted out before ending the call.
Kaagad na lumihis ang aking paningin sa isang picture frame na nasa gilid. Hindi ko iyon kinuha, bagkus ay tinignan ko lang iyon mula sa aking pwesto.
It was a picture of Eveion together with Dave-- her boyfriend. Isang malamig na tingin ang ipinukol ko sa litrato ng lalake bago nag-iwas ng tingin.
What happened earlier is just an act-- a kind of act just to make connection with Eveion as fast as I can. Running away from home is not entirely true, but these wounds? They are.
I let my men do it just to make it more realistic.
Binalik ko na ang picture frame sa eksaktong pwesto kung saan ko ito kinuha atsaka humiga sa sofa.
"Eveion Anastasia." I whispered her name under my breath as I stare at her ceiling.
How dare you forgot about me. About us.