EVEION ANASTASIA'S POV
"Magkwento ka naman sa nangyari sa laro niyo, babe," wika ko habang nakatingin sa kanya ngayong nasa isang restaurant na kami kung saan siya mismo nagpareserve.
"Babe?" Wika ko ulit nang makita itong busy sa cellphone niya.
"Dave."
"Ah, yes? I'm sorry, may sinasabi ka ba?" Hindi ko maiwasang mapakurap atsaka pasimpleng tinignan ang hawak-hawak nitong cellphone.
Mula nong dumating kami rito, wala na itong ibang ginawa kundi ang atupagin ang cellphone niya.
"This is our date, Dave, bakit palaging nasa cellphone ang atensyon mo?" Dismayado kong wika sa kanya dahilan upang kaagad itong mapaderetso ng upo.
"I'm sorry, the group chat is kinda interesting so--" He cleared his throat before putting his phone back inside his pocket and held my hand over the table.
"Eve, I'm sorry. Hindi na mauulit. You're asking about my game, right? It was actually challenging at first babe, hindi ko alam na maipapanalo pa namin 'yon but I guess lady luck is on my side that moment." He smiled and began talking about it while holding my hand.
Mula non, hindi na ulit kinuha pa ni Dave ang cellphone niya. He's focused on me and on our date night as we both enjoyed ourselves in our food.
Mula sa laro niya, napunta sa pag-aaral nito ang paska naming dalawa. I asked about his school, and he cheerfully shared it to me.
"Babe, you should go back to university," sabi ni Dave dahilan upang mapakurap ako.
"Alam ko, pero hindi ko pa kaya ngayon, Dave. I'm still trying to put funds on--"
"Eve, alam mong hindi mo kailangang gawin 'yan." He cut me off which made me blink. Hinaplos niya ang likod ng aking kamay gamit ang kanyang hinlalaki habang taimtim na nakatingin sa aking mga mata.
"Why won't you go back to your dad?" Dave said that out of pity which made me pull back my hand from him.
"Dave, hindi ko gagawin 'yan."
"Bakit hindi? Eve, he's still your dad. You have the right to come back since you're he's legitimate child." Naikagat ko ang aking ibabang labi nang sabihin niya iyon.
I might be his one and only true heir, but it doesn't change the fact that he's prioritizing his 'new family' than me.
"Hindi mo kailangang magdusa ng ganito. Babe, this is not your life, so why suffer?" Hindi makapaniwala ko itong tinignan dahilan upang mapaderetso ito ng upo.
"Napag-usapan na natin 'to, Dave. Hindi na ako babalik sa buhay na meron ako noon." Hindi ako sakim sa yaman na meron ang ama ko. He can give it to his new family is he wanted but I will never go back to that house.
Not after he betrayed me.
He disappoints me and I don't think he knew about it.
Dahil mula nong dumating sa buhay niya ang bago nitong asawa, tila tuluyan na rin niya akong kinalimutan.
"Eve, I'm not gonna lie... I missed the old you." Natigilan ako sa aking kinauupuan nang sabihin iyon ni Dave sa akin.
When I look at him to meet his gaze, I saw a slight dullness in his eyes while looking at me.
"You might be the silent, shy type of a girl but at least before, you seemed presentable." Muntikan na akong mapasinghap ng malakas sa salitang binitawan niya.
At dahil don, hindi ko maiwasang mapatingin sa sarili ko lalong-lalo na sa suot ko.
"This common life path that you've chose doesn't suit you at all, Eveion. Isa kang tagapagmana katulad ko, pero heto at nagtitinda ka lang ng bulaklak. And because of it, you lost the shine that you had." Naikuyom ko ang aking kamao sa ilalim ng mesa habang pinakikinggan itong pilit na nagpapakatotoo sa aking harapan.
"Your shoes are worn out; you're not even using a slight powder in your face or a tint on your lips. Your hair is kinda... kinda boring and then your clothes-- when was the last time you used a perfume?"
Tuluyan ko nang naikagat ang aking ibabang labi dahil nilalabanan ko ang sarili kong mapaiyak sa harapan nito.
Dave is a straightforward man and that's what I love about him, but this time, I realized that that personality of his could actually hurt me like this.
"Babe, napapabayaan mo na ang sarili mo dahil sa naging desisyon mo. I'm worried about you."
He's worried about me. Is that it?
Pero kailangan niya ba talagang ipamukha sa akin ang mga bagay na 'to ng harap-harapan?
Maybe. Maybe I really need that straightforward mouth of his to wake up from this reality.
"Please don't get mad, I'm just trying to be honest here," wika pa nito dahilan upang mapatango na lang ako.
"Just eat your food and I'll drive you back to your apartment. May trabaho ka pa bukas, hindi ba?" Tanging isang tango na lang ang naitugon ko sa kanya dahil baka sa oras na ibubuka ko ang aking bibig at tuluyan na akong mapaiyak.
Nang dahil sa sinabi niya, tuluyan na akong nawalang ng gana.
At ang kaninang masigla at nananabik kong sistema kanina ay tuluyan na ang naglaho na parang isang bula.
This day is supposed to be a special day but because of this, it turned ordinary.
What an awesome day to celebrate anniversary.
FLOWER SHOP is close every weekends so here I am, doing my other work in a coffee shop. Kailangan kong magtrabaho at rumaket dahil kailangan kong makapag-ipon.
Nangako na ako sa sarili ko na hindi na ako aasa sa ama ko, so I need to be firm with my decisions in life.
"Eve, one order of espresso," sabi sa akin ng kasama ko sa coffee shop dahilan pang mapatango ako kaagad.
"One order of espresso coming right up." Kaagad kong ginawa ang order na iyon atsaka ito inilagay sa isang tray. Tinignan ko pa kung may order pa ito.
I took the croissant out from the glass and placed it beside the espresso drink.
Tinignan ko ang pangalan na nakasulat sa receipt bago tinawag ang umorder nito.
"Order for Elie!" Sigaw ko atsaka tinignan ang mga tao sa coffee shop.
Kumunot ang noo ko nang wala akong makitang tumayo mula sa kanilang kinuupuan kaya muli ko itong binasa.
Elie ba talaga 'to? O Elle?
Baka namali ako ng basa kaya--
"Is this the order for Elie?" Muntikan nang lumundag ang puso ko nang may bigla na lang isang lalakeng magsalita sa aking harapan.
Nang tignan ko siya, hindi ko maiwasang mapakurap nang makita ko ang isang matangkad na lalake na nakatingin sa akin.
Both of his hands are inside the pocket of his black hoodie with eyes looking straight at me.
Siya si... siya si...
"Rose?" Wala sa huwisyo kong saad dahilan upang tumabingi ang ulo niya.
"Rose?" He uttered repeatedly which made me gasped. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig sa gulat.
He blinked and I panicked.
"W-Wala po, sir! K-Kayo po ba si Elie? Heto na po yung order niyo." Sana kainin na lang ako ng lupa ngayon! Sana kainin na ako ngayon din!
"You seemed familiar miss." Lagot! Lagot!
"Aren't you the lady who sell me flowers in the flower shop next block?" Kilala niya ako!
Napakamot ako sa aking batok bago nahihiyang napangiti. Bwiset ka, Eveion!
"Ah e, a-ako nga po yun, sir." Nahihiya kong wika sa kanya bago malumanay na ibinigay sa kanya ang tray ng kanyang order na kaagad naman niyang kinuha.
"T-T-Thank you for ordering, h-h-have a great day ahead." Gusto kong sampalin ang sarili ko!
Nang bigla itong tumawa, hindi ko maiwasang matigilan sa aking kinatatayuan at mapatulala nang makita itong ngumiti.
Hindi ka nga nagkakamali, Krizza, and guwapo nga ng batang ito.
He seems younger than me for a few years kaya ayos lang sabihan ko itong 'bata'.
"You don't have to stutter, I don't bite--" I saw him stopped and look at the nameplate I have on my chest. "--Eve." He continued and went back to his seat.
Biglang uminit ang magkabila kong pisngi kaya pasimple kong sinampal ang aking mukha nang tumalikod na ako.
How could I blush into anoother man?
Pero sobrang nakakahiya talaga 'yon! Sana hindi niya iyon dibdibin. Nakakahiya sobra.
Lumipas ang isang oras at naging busy din kami. Madalas ay mga estudyante ang mga customer namin dahil may college university ilang metro lang ang layo mula rito.
"Eveion, pwede mo bang linisin ang mga mesa?"
"Sige, ako na." Mabilis akong lumabas sa kusina atsaka tinungo ang mga mesang kailangang linisin. Saktong paglabas ko ay nakita kong tumayo si Rose atsaka lumabas na bitbit ang bag niya.
Yung mesa niya ang una kong nilinis kaya kaagad kong kinuha ang platong ginamit niya at hindi maiwasang mapatingin sa isang post-it note na nakadikit sa mesa.
I took it and read the message written on it.
Thanks for the espresso, it's the best I have so far.
- Elie
Napakurap ako ng ilang beses at hindi maiwasang matulala habang hawak-hawak ang post-it na iniwan niya.
Is this message intended for me?
Siguro dahil ako naman ang gumawa ng inumin niya. Pero seryoso, hindi niya kailangang magpasalamat dahil wala naman akong ginawang espesyal sa inumin niya.
It was just a normal espresso drink.
Pero alam niyo yung nakakagulat at talaga nga namang hindi ko inaasahan?
The man Krizza nicknamed 'Rose' left a single stem of rose beside his empty espresso cup with a much smaller post-it note on it that says...
A token of appreciation.
-"Rose"
Elie... Rose...
Diyos ko nakakahiya! Talagang dinibdib niya!