EVEION ANASTASIA'S POV
"Nakita mo ba yung lalake?"
"Lalake saan?" Kunot-noong tanong ni Bruno sa akin bago napatingala sa mismong direksyon kung saan ko nakita si Elie.
"What are you talking about, Eve?" Dagdag pa nito na ngayon ay nakatingin na sa akin ng deretso. Napakurap ako atsaka pasimpleng nilingon ang railings pero hindi ko na nakita ang lalakeng nakita ko kanina.
Am I already dunk or something? Pinaglalaruan ba ako ng utak ko?
"Teka, san ka pupunta? Are you leaving the party?" Hinawakan ni Bruno ang aking braso nang magbalak akong umalis bigla.
"Magbabanyo lang muna ako saglit," wika ko dahilan upang bawiin niya kaagad ang kanyang kamay.
"Ganong ba? Sige, I'll just wait you here." Isang tipig na ngiti ang isinukli ko sa kanya bago dali-daling naghanap ng banyo. Pagkapasok ko kaagad sa loob ay mabilis kong hinarap ang aking repleksyon sa salamin at hindi maiwasang mapatulala.
Bakit parang kinabahan ako bigla? Kung totoo man na guni-guni ko lang yung nakita ko si Elie kanina, pwes bakit ako kinakabahan ngayon?
Everything seems weird.
Siguro kailangan ko ng huminto sa pag-iinom dahil baka kung ano-ano pa ang makikita ko.
I tapped both of my cheeks gently before walking back to my position and meet Bruno. Tuluyan ko nang inalis sa aking isipan ang aking nakita kanina at mas nagfocus kay Bruno.
We talk more but sometimes, I can't help myself from taking several glances at the second floor hanggang sa tuluyan nang tinamaan si Bruno sa alak na iniinom niya.
Ayaw niya pa sanang umalis sa tabi ko pero kinuha na siya ng mga kasama niya. He have angood circle of friends dahil iniisip din nila ako.
Seeing their drunk friend insisting to be with me makes them somehow feel humiliated.
“Pasensya ka na kay Bruno miss ha? Hindi talaga siya umiinom eh kaya madali lang malasing.”
“Hindi, ayos lang, salamat.” Nakatulog na si Bruno sa tabi ng isa niyang kasama dahil sa kalasingan.
I gave a weary smile at Bruno’s friends before leaving the club. Medyo tipsy na rin ako pero kaya ko pang umuwi.
Sa paglabas ko ay muntikan pa akong masama sa namumuong away sa labas. Mukhang mas bata pa nga sa’kin ang mga ‘to.
Parang mga first year college, katulad lang ni Elie.
Natigilan ako.
Naalala ko na naman si Elie.
Mula nong huli ko siyang nakita, ngayon lang ulit siya pumasok sa isipan ko nang dahil sa nangyari kanina.
Napailing ako habang nakapikit ang aking mga mata bago pumara ng taxi. Sinabi ko sa kanya ang aking adres atsaka ito nagdrive patungo roon.
Ngunit sa kasamaang palad ay bigla itong nagka-aberya sa gitna ng daan.
“Ma’am pasensya na po pero hindi na talaga aabot yung taxi sa inyo.”
“Okay lang po, maglalakad na lang ako. Malapit-lapit na rin naman mula dito ang sa amin.”
“Sige po ma’am, mag-iingat po kayo.”
Napatingin ako sa tahimik ng kalsada atsaka hindi maiwasang mapalunok. Anong oras na rin kasi kaya wala na talagang tao rito sa labas.
Habang binabaybay ko ang highway patungo sa eskina papunta sa aking apartment, may kung ano na lang akong naramdaman sa aking likuran kaya hindi ko maiwasang mapatingin ng ilang beses.
Mas binilisan ko ang aking paglalakad kasabay nang paghigpit ng aking paghawak sa mga dala ko.
Hindi ko maiwasang mapamura nang mapatingin ako sa suot kong sandals, sana pala sinuot ko na lang ang sapatos ko bago ako nagpasyang maglakad.
Sa muli kong paglingon sa aking likuran ay tuluyan nang nanlaki ang aking mga mata nang may makita akong dalawang lalakeng nakasunod sa akin.
Mabilis at malalako ang yabag ng kanilang paa habang nakatingin sa akin kaya mabilis akong tumakbo.
“Ah!” Daing ko nang bigla akong tumama sa isang pader— o baka yun lang ang akala ko.
“T-Teka anong—!”
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niyang hawakan ang aking palapulsoha atsaka iniangat ang aking braso.
“Huwag kang sisigaw kung ayaw mong masaktan.”
Awtomatikong nanginig ang aking mga tuhod nang sabihin niya iyon. Nakatakip ang kanyang bibig kaya tanging mata lang nito ang kita ko.
“Kunin niyo na.” Utos niya sa dalawang lalake na nasa likuran ko. Nanlaki naman ang aking mga nata nang balak nilang kunin ang isang paperbag kung saan doon ko nilagay ang mga dokumento kanina.
“P-Pakiusap, kunin niyo na ang lahat pero wag lang ‘to.” Nauutal kong sambit sabay sapilitang binawi ang aking braso mula sa lalake atsaka buong higpit na niyakap ang isang paperbag.
“Akin na ‘yan!”
“Ayoko!”
Mga orihinal na dokumento ito kaya hindi nila ito pwedeng kunin.
Kailangan ko ‘to.
“Matigas ka ah.” Napasinghap ako nang bigla niya akong hawakan sa panga dahilan upang aksidente kong makagat ang aking dila.
Sobrang sakit non at kaagad kong nalasahan ang aking dugo.
Sisigaw na sana ako pero bigla akong napaupo sa kalsada nang bigla niya akong bitawan. Sobrang bilis ng pangyayari at ang tanging nagawa ko na lang ay ang mapatulala nang makita ang tatlong lalakeng nakahandusay na sa sahig.
Nanginginig ang buo kong katawan habang nakatingin sa lalakeng nakatalikod sa akin ay nakahawak sa kuwelyo ng isang lalakeng wala ng malay.
When he dropped the man, I flinched immediately in my position.
Takot na takot na ako at nagbabalak nang gamitin ang natitira kong lakas upang makatakbo pero ganon na lang ang aking pagkabigla nang lingunin ako nong lalake.
His face looks so serious and his eyes… he’s giving me the same kind of glare the moment I saw him at the bar.
“Elie?” Halos kapos hininga kong tawag sa kanya.
It was really him.
Hindi ko iyon guni-guni lang.
“Ayos ka lang ba?” Tanong niya sa akin atsaka ako tinulungang makatayo.
“May sugat ka.” Aniya dahilan upang mapatingin ako ng deretso sa kanya. He’s looking straight at me— more specifically at my lip.
“Ah w-wala ‘to.” Kaagad akong nag-iwas ng tingin sabay lunok.
Ang daming tanong ang bumabagabag sa akin ngayon. Paano siya nakarating dito? Sinusundan niya ba ako? Bakit ngayon lang siya nagpakita ulit sa akin?
Natigilan ako saglit sa panghuling tanong.
Eh ano naman kung ganon? Hindi naman siya obligadong magpakita sa akin araw-araw.
But to be honest? It kinda pains me for his sudden disappearance after that night.
Masaya ako dahil bumalik siya sa kanila matapos maglayas, pero tinuri ko na rin kasi siyang kaibigan mula nong nagstay siya sa apartment ko ng ilang araw.
I just expected him to somehow show up any day.
“Eve.” Nabalik ako sa reyalidad nang bigla niya akong tawagin.
“Huh? M-May sinasabi ka?”
“Ang sabi ko, ihahatid na kita.”
“Sigurado ka ba?”
“You think I’ll let you walk in this empty road in the middle of the dawn looking…” natigilan ito pansamantala atsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa.
“… like that?” Taas ang isang kilay nitong dagdag dahilan upang mapakurap ako.
As I look down, I noticed my cleavage showing up a little kaya mabilis kong hinatak pataas ang aking suot atsaka tumalikod.
“I-If you really insists.” Medyo nahihiya kong saad atsaka tuluyan nang naglakad ng mabilis. Pero kahit anong bilis ang gagawin ko, madali lang niya akong naaabutan ng walang kahirap-hirap dahil sa laki ng hakbang niyo.
“T-Teka!” I stopped and so he does.
“Yung mga masasamang tao.” Dagdag ko sabay lingon sa kanyang likuran pero ganon na lang pagkagulat ko nang bigla niya akong hawakan sa braso atsaka mabilis na pinaharap ulit sa kalsada.
“Hayaan mo na sila.” Napakurap ako nang sabihin niya iyon sabay tulak sa akin upang umabante.
“Keep walking and never look back.” He said in a form of command and authority.
Hindi na lang ako nagpumilit pa atsaka nauna nang naglakad.
NANG tuluyan na akong nakapasok sa loob ng building, huminto ako saglit atsaka hinarap si Elie. I look at him for a while before saying something.
“Bakit hindi ka na nagpakita sa’kin ulit?” Walang pagdadalawang-isip kong tanong sa kanya, tuluyan nang kinalimutan ang nakakatakot na pangyayari kanina.
All thanks to him.
He stare at me for a while and when I look at him closely, I can’t help but to admit how good looking he is.
How many months has it been already? Bakit pakiramdam ko… ang laki na ng pinagbago niya?
“Why? Were you looking for me?” Napakurap ako at hindi maiwasang matigilan. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ako makapaniwala kung bakit uminit bigla ang magkabila kong pisngi.
Dinaan ko na lang sa pagtawa ang reaksyon na iyon.
“Sira, hindi. Alam mo? Umalis ka na nang makauwi ka na sa inyo, baka iisipin ng mga magulang mo ay naglalayas ka na naman.”
I was about to close the building’s gate when he suddenly hold it.
Kaagad akong napatingin sa kanya at hindi maiwasang matigilan nang makita kung gaano kalapit ang mukha naming dalawa.
“Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng tubig?” Napakurap ako.
“N-Nauuhaw ka ba?” Tumango ito dahilan upang hayaan ko itong pumasok sa loob.
Naalala kong hindi man lang pala ako nakapagpasalamat sa kanya, kaya nong nakapasok na kami sa loob ng unit ay kaagad ko siyang binigyan ng tubig sabay atsaka nagpasalamat.
Nang matapos kong ilagay ang basong ginamit niya sa lababo, nakita ko kung paano niya pagmasdan ang buong apartment.
“Nothing has really change except—“ he stopped as he face my window with two of his hands inside his pocket. “— your windows are now fully opened.” Dagdag niya atsaka ako nilingon sabay turo doon.
“Hindi mo ba ‘to sinara mula pa kanina?” Kunot-noo nitong tanong sa akin na ikinatango ko.
“Bakit?”
“Kasi—“ Teka, hindi niya pwedeng malaman ang totoo na ginagawa ko ‘yan dahil sa kasunduan namin ng isang lalakeng hindi ko kilala.
“Kasi?”
“K-Kasi maiinit.” I stutter before walking towards him and pulled his arm.
“H-Hindi ka pa ba aalis? Baka hinahanap ka na sa inyo,” sabi ko sabay hatak sa kanya papalabas ng aking apartment.
Medyo kinakabahan ako na magtagal pa siya dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya.
“Are you hiding something?” Nabato ako atsaka ito mabilis na tiningala upang mahuli itong nakatingin na pala sa akin.
“If you do, I won’t tell anyone.”
“Wala. Wala, Elie. Wala akong tinatago.” Pagsisinungaling ko.
He look at me for a few more seconds before nodding his head. Nakita ko kung paano nagtagal ang paningin niya sa labi ko kaya hindi ko maiwasang mapalunok.
“Are you really okay? Your mouth bled earlier.”
“A-Ayos lang ako wag ka mag-alala.” He sighed softly.
“Sige, aalis na ‘ko. Goodnight, Eve, it was nice seeing you again.“ Hindi na ako nagsalita pa atsaka ito hinayaang umalis. When Elie finally left, I heaved a heavy sighed before closing my eyes.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sobrang bilis ng pagt*bok nito.
Bigla kong naalala ang nangyaring paghalik naming dalawa sa isa’t-isa nong huli naming pagkikita nang titigan niya ang aking labi kaya tila naging tambol ang puso ko.
I can’t believe I almost forgot about it.
ELEAZAR SERGIO’S POV
“Mauro.” I said while holding my phone against my ear as I walk away from Eveion’s apartment.
[Napatawag ka, Sergio.]
“We have to talk.” Matigas kong wika habang salubong ang dalawang kilay na naglalakad paalis.
Mabibigat at malalaki ang yabag ng aking mga paa ngayon papunta sa isang itim na van na nasa may di kalayuan.
[You sound pissed, what happened?]
“Palpak ang taong binayaran mo. I told you to keep it easy! Eveion almost spit blood you damned fool.”
[What?!]
I clenched as I tightened the grip on my phone and let one of my men waiting outside the vehicle open the car for me.
[Sergio, wait, you have to calm down. This job you asked is so sudden kaya hindi nila gaano naintindihan ang—]
“No, my instructions were clear. Just make her run, terrify her a little— just f*cking little— and then that’s it. I never said about hurting her.” I said with a gritted teeth before taking my seat inside the van— facing one of the three men Mauro hired for tonight.
[I know but, Sergio—] Kaagad kong pinatay ang tawag atsaka walang pagdadalawang isip na sinapak ang lalakeng kaharap ko.
His head almost did a 360 which made him spit blood.
“You dumb son of a b*tch.” Hinawakan ko ang buhok nito atsaka sapilitang pinatingin sa akin.
Nakasara na ang isang mata nito dahil sa pamamaga.
This is supposed to be a great night for me. Nang makita ko si Eveion kanina sa club na may ibang kasama, I suddenly found myself getting annoyed a little.
So, that’s the time I decided to play with her.
But I never thought it could go wrong like this.
“You ruined my game.” I whispered to his ear which made him flinch.
I was about to hit him again when suddenly, my phone vibrated.
Kinuha ko ang isa kong cellphone atsaka ito tinignan.
My mood shifted as fast like a like switch when I received a text message from Eveion.
Eveion: My windows are open.
I immediately compose a message for her as the unknown.
Unknown: Thank you, angel, you don’t mind me watching you sleep aren’t you?
This is just supposed to tease her, but what I received next blew up my mind.
Eveion: Ayos lang, kung yan ang gusto mo.
I grinned in amusement.
Seems like I can still have some fun tonight.