EVEION ANASTASIA’S POV
“Attorney,” wika ko sa abogadong nakaupo sa itaas ng coffee shop na pagmamay-ari ng anak niya. The second floor is exclusive for us, so this is a good place to start this meeting.
"Eve, we've finally met again, hija." Kaagad kaming nakipagkamayan sa isa't-isa.
"Please, take a seat as you read your mother's last will and testament," aniya sabay lahad sa akin ng ilang mga dokumento.
"As you can see, it stated all the properties she owned and as to whom she left these with." Nagsimula na siyang magsalita tungkol dito dahilan upang pakinggan ko siya.
Atty, Biajez's daughter personally served our drinks and pastry while we're in the middle of discussing my mother's inheritance.
Medyo makapal-kapal din ang dokumento dahil nakasaad dito ang lahat ng gusto niyang mangyari.
Everything was so detailed to the point I couldn't help but to think how my mother prepared this so well.
Talagang sobrang detailed nito at nakaorganized na lahat, sometimes I wonder how she accomplished this will as if she's preparing this for something.
Kumbaga... parang inaasahan na niya na mawawala talaga siya sa mundo.
That thought that lingers in my mind made me somehow feel... unease.
"Elena, your mother, is the most well-prepared person I've ever met, Eve. Lahat nakahanda na para sa kanya, kaya huwag kang masyadong mag-isip ng kung ano-ano," Atty, Biajez said when I asked how come my mother made this.
"She's a realist. Alam niyang lahat may hangganan, and so as a diligent smart woman as she is, she made sure that when the time comes, you'll be alright." Nang sabihin niya iyon, hindi ko maiwasang matigilan at mapatitig sa kanyang mga mata.
Ngumiti sa akin ang abogado ni mama na tila ba matagal na niya itong pinaghahandaan na sabihin sa akin, ngunit ngayon lang kami nagkita ulit.
Napatingin ako sa dokumentong nasa aking kamay atsak mahitpit na napahawak sa mga papeles.
"Attorney... talaga bang sa akin lahat ng 'to?" Hindi makapaniwala kong saad na ikinatango nito.
"Oo naman, Eve, sa'yo ang lahat na nakalagay diyan."
Napakurap ako bago dahan-dahan na binitawan ang mga dokumento sa ibabaw ng mesa. I know my mother has her own wealth, but I never realized it was this abundant.
"Huwag kang mag-alala, Eve, ako ang gagawa ng paraan para mapabilis ang pagpoproseso nito. All you have to do is to wait for me."
"H-Hindi ko po ata kayang kunin ang lahat attorney... kung possible, pwede po ba ay itong bahay lang ang kukunin ko muna pansalamantala? Gusto ko po kasing ilipat dito lahat ng mga gamit niya." Sagot ko matapos kong malaman na may bahay pala itong binili para sa akin.
Although it was not that huge compared to the old mansion, but it is better and much more comfortable than my space today.
"Ah yes, of course, sige 'yan ang una kong gagawin."
"Tsaka possible po bang matapos ito sa susunod na linggo?" tanong ko sa kanya, nagbabakasakali na tumango ito.
I just really need to the get my mother's belongings away from my father's new family.
"Yes, just sign everything in these papers and wait for my call, Eve. Hindi kita bibiguin." Isang ngiti ang kaagad kong isinukli sa kanya dahilan upang pirmahan ko kaagad ang mga papeles na ito,
While signing the papers, Atty. Biajez mentioned how he and my mother used to be good friends way back then. Hinding-hindi niya raw makakalimutan ang kabaitang pinakita ng aking ina sa kanya nong nangangailangan ito ng tulong noon.
Kaya sa pamamagitan nito, sana raw ay masuklian niya kahit papano ang kabaitan na ipinakita ni mama sa kanya.
He hopes that he can somehow pay back through helping me.
“Thank you, atty. Biajez.”
“Salamat din, Eve. Mag-iingat ka sa pag-uwi.” I smiled at him as I left the coffee shop with the papers.
At dahil nasa loob ng isang mall ang coffee shop na ito, naisipan kong maglibot muna dito sa loob. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mapatingin sa bago kong suot na sapatos.
The unknown gave this to me.
Nong gabing nawalan ako ng malay ay ang siyang sandali kung saan tuluyan na ring bumigay ang aking sapatos.
Kinabukasan niyan ay may natanggap na lang akong isang kahon sa labas ng aking apartment. And guess what? It’s a shoe box.
“Eveion?” Natigilan ako sa aking paglalakad nang may biglang tumawag sa akin.
“Eveion Anastasia Perez, right?” Hindi ko maiwasang mapahawak ng mahigpit sa strap ng aking bag.
“She’s the girl in the video. I told you it was her!” Hindi ko sila kilala, pero nang banggitin niya ang salitang ‘video’, alam ko na kung paano nila ako nakilala.
The scandal video in Maris’ party kung saan ko nahuli sina Candice at Dave.
“Totoo ba na kabit si Candice at ikaw yung legal girlfriend? Or it was the other way around?” Biglang tanong ng isang babaeng may mahabang buhok.
“The video is not that complete kasi, we want the whole story.”
“I’m sorry, but I have to go.” Hindi na ako kumportable sa kanila kaya nagbalak akong tumaliko pero hinawakan ako sa braso ng isang babaeng kasama nito.
“Oh come on, you’re no fun. Maybe it’s the latter, kasi tignan mo nga naman… Dave is the ultimate heatthrob, tapos kung ikaw ang legal girlfriend parang ang baduy naman ata ng taste ni Dave.” The harsh words she spurted out feels like a dagger stabbed against my chest.
Hindi ko maiwasang mapahawak ng mahigpit sa laylayan ng aking suot. I even bit my inner cheeks.
“Candice might me a b*tch but I think…” Tinignan ako ng isang babae mula ulo hanggang paa bago muling nagsalita. “… she’s better than you.”
“Yeah, no offense miss ha? It’s just our opinion naman.”
Napayuko ako atsaka nakita ang ID nilang dalawa. They’re not wearing uniforms, just casual civilians, pero kapansin-pansin na nasa iisang university sila kasama nina Dave at Candice.
Lucia and Therese Silawan.
That’s their names.
“Tara na Lucy, mahuhuli na tayo sa eyelash appointment natin.”
“Okay!”
And with that, they never look at me again after making me feel insecure with their words.
No offense— ika nga nila, pero hindi nila alam kung gaano na iyon kabigat para sa’kin. Being compared by Candice just because I look too plain or boring or dull, is just painful.
Nanatili akong nakatayo dito sa gitna bago tuluyang tinignan ang boutique na nasa aking harapan.
Napatitig ako roon atsaka kami nagkatinginan ng isang saleslady.
“Hello ma’am! 70% off po ang make up namin ngayon. Gusto niyo po bang itry?” Nakangiti nitong saad sa akin dahilan upang mapakurap ako.
I never bought any make up products after my last lipstick.
“Hali po kayo ma’am, may libre rin po kaming makeover kung aabot sa dalawang libo ang single receipt niyo.”
I didn’t asked anything and just came with her inside the store.
Siguro oras na para alagaan ko naman ulit ang sarili ko.
NAPAKURAP ako ng ilang beses matapos kong makita ang aking sarili sa salamin.
“Ma’am ang ganda-ganda niyo.” Papuri ng babae habang pinagmamasdan ko ang aking mukha.
“Ako ba ‘to?” Mahinang napatawa ang babae sa aking sinabi.
“Oo naman po ma’am.” Nakangiti nitong saad dahilan upang lingunin ko siya. Nagpasalamat ako bago tuluyang umalis sa store.
Kapansin-pansin ang ilang mga pares ng mga matang nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasang mahiya.
Ang ganda-ganda ko na ngayon pero hindi naaangkop ang aking mukha sa suot ko, kaya dumiretso ako sa department store para bumili ng bestida.
I bought a black cocktail dress and a pair of heels. Nang mabayaran ko na ito lahat, magaan ang dibdib kong umalis ng department store na suot-suot ang aking mga bagong biling damit at sapatos habang hawak-hawak ko ang mga paperbag.
I’ll admit that I am now slightly confident with my get up as I walk in the middle of the mall and left.
Pumara ako ng taxi para gumala pa sa ilang lugar. Sayang ang make up at suot ko kung hindi ko igagala ang sarili ko.
“Manong, may alam po ba kayo na magandang club dito?”
“Ay marami po ma’am, pero may isa po talaga na sikat dito.”
“Sige po, don ang punta natin.” Nakangiti kong saad na ikinatango nito kaagad.
Minsan na akong nakapasok sa isang bar, pero kasama ko si Dave non. Sa oras na ‘to, ako na lang mag-isa. At sa tingin ko mas exciting ngayon.
“Manong, salamat po!”
“Ay salamat din po ma’am! Mag-iingat kayo.”
Tuluyan na akong lumabas atsaka pumasok sa isang club. Iinom lang ako ng kaunti at lilibangin ang aking sarili sa loob.
Tinignan ako ng isang guard o bouncer atsaka ako hinayaang pumasok sa loob.
The loud music welcomes me. Todo din ang aircon dito sa loob dahil medyo marami na ang tao pero may bakante parin namang bar table kaya don ako dumiretso.
Nasa gilid lang ako nang may lumapit sa akin.
“Drinks?” He offered and I nodded. He smiled and extended his hand at me.
“My name’s Bruno.”
“Eve.”
“Eve, what a pretty name. Sana pala naging Adam na lang ako.” The stranger who introduced himself as Bruno, laughed together with me with his lines.
That was smooth.
“Pang ilang beses mo na yang ginamit ngayong gabi?” Prangka kong tanong habang nakangiti parin.
“Just once, you’re the only girl I approached tonight.”
“Sinungaling.” I squinted my eyes and he laughed, tinaas niya ang dalawa niyang kamay sa ere na tila sumuko sa pulis atsaka muling napatawa.
“I don’t expect you to trust a guy you just met 10 seconds ago, but I won’t lie to a stranger named Eve.” He then flashes his perfect set of white teeth. Saktong dumating na ang inorder nitong alak para sa akin, kaya mas lalong lumalim ang pag-uusap naming dalawa.
Bruno is a nice guy, masarap siya kausap at palangiti. Gwapo rin at mabango— halatang mayaman.
Hindi naman ako tanga para hindi mapansin ang motibo niya. He’s obviously flirting with me, especially now that our arms are glued at each other.
He started fixing my hair, talk more and laugh more with me, drink more— and etc.
Habang iniinom ko ang pangatlong bote ng beer, bigla akong natigilan nang may makita akong pamilyar na tao sa pangalawang palapag ng clud.
Nakadungaw ito sa railings, may hawak na babasaging baso at nakatingin ng deretso sa akin.
“Kaya ayun, medyo tinamaan ako nong solidarity party namin last month. I don’t usually drink too much kasi ayaw na ayaw ko ang malasing but..”
Hindi ko na ito magawang pakinggan dahil nakapako na ang aking paningin sa lalakeng nakatingin sa akin. Matapos ang ilang buwan ay ngayon ko lang ito nakita ulit.
“Elie?” I whispered under my breath before blinking several times.
“Elie? Sino si Elie? May kasama ka rito?” Sunod-sunod na tanong ni Bruno dahilan upang mapatingin ako sa kanya.
“Wala naman, pero may nakita akong kakilala ko.”
“Talaga? Nasan siya?”
“Nasa taas—“ Natigilan ulit ako nang wala na akong makitang nakadungaw sa railings.
Bakit bigla siyang nawala?