Chapter 7 Agad akong lumapit sa kanila at hinila yung t-shirt niya. "ANO BANG INIISIP MO MENDOZA? KUNG WALA KA NANG HIYA, ‘WAG MO ‘KONG IDAMAY!" Sigaw ko sa kanya. Halatang nagulat naman siya pero nangunot din yung noo niya. "Hey! Sino ka?" Napalingon ako sa babaeng clown na kahalikan ng mahal kong amo kanina. 'Hey' daw! Ano ako chao chao? Hindi ko nalang siya pinansin at binalikan ng tingin ang demonyo na blank expression na naman. "We're going home." Mahina at madiin kong sabi. "Tsk." Umiiling niyang sabi saka nauna nang lumakad. "Wait." Pigil ng clown. Hinawakan niya si AC sa braso. "What now?" The devil just smirked, and my jaw just dropped because of what he said. "Who the hell are you?" And he left. He’s disrespectful as f**k. …