MICAH'S POV NAGPAKAWALA siya nang malalim na hangin. Nakatanggap siya ng private message galing kay Nica at pumayag ito makipagkita sa kanya. Sinubukan naman niya tawagan ang numero nito subalit unattended na ang line. Nagtatalo tuloy ang isipan niya. Alam niyang mali ang makipagkita siya sa ibang babae, maling-mali talaga. Pero labis siyang natutukso na makita uli si Nica. What the f*ck? Napasulyap siya kay Dani na tahimik na kumakain sa tabi niya. Napabuntong hininga siya habang nakatitig sa asawa. Nagsisimula pa lang ang pagsasama nila, at aminado siyang masaya siya pag kasama si Dani. Ayaw niyang masaktan ito. Ngunit, hindi pa talaga siya sigurado sa nararamdaman niya. Attracted siya kay Nica and at the same time sobrang importante sa kanya ang kasal nila ni Dani. "Ayos ka lang ba?"