Kabanata 12

1887 Words
BUMABA ako mula sa porch ng aming bahay nang makita ang pagpasok ng kotse ni Daddy sa aming bakuran. Si Leah ang naroon para magbukas ng gate. Sa totoo lang ay kanina pa ako hindi mapalagay. Pinipilit ko lang magpakahinahon at h’wag mag-overthink, pero sobrang worried talaga ako hindi lang kay Bench kundi pati na rin kay Israel. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi pa rin ako makapaniwala na sinugod kanina ni Israel si Bench at sinuntok sa mukha. I was dumbfounded. Nakita ko na lang na nakalupagi si Bench sa damuhan at duguan ang ilong. Saka lang ako natauhan at nagsisigaw nang muling umatake si Israel at pagsusuntukin si Bench. My parents came running and asked me what happened. Nang makita ang dalawa ay inawat agad ni Daddy ang inaanak niya. Kinalaunan ay nakitulong na rin kami ni Mommy. I couldn’t remember exactly what happened next, pero ang huli kong naaalala ay umalis ng bahay namin si Bench na galit na galit at nagbantang ipapaaresto si Israel. At kanina nga lang ay dumating din ang mga pulis kasama ang parents ni Bench para arestuhin si Israel. Sumunod naman sina Daddy sa presinto upang tulungan ang inaanak niya. Huminto ang kotse ni Daddy at bumaba sila ni Mommy. I felt relieved when I saw Israel went out of the backseat. Nakita niya ako, pero wala man lang siyang reaksiyon. Naguguluhan ako sa taong ito. May hinala akong nakita niya ang ginawa ni Bench kanina kaya siya nagalit, pero bakit kailangan niyang manakit ng tao? Besides, alam ko na hahalikan ako ng school mate ko at papalag na sana ako kaya nga lang ay pinangunahan ako ni Israel. “Anak, magpa-deliver ka na lang ng dinner natin, okay? Hindi ko na kayang magluto,” sabi ni Mommy pagpasok namin sa bahay. “Sige po.” Nilingon ko sina Israel. Tinapik ito ni Daddy sa balikat. “Don’t worry about it, Hijo. I understand that you only protected Andy. I commend you for that. Pero sa susunod, h’wag masyadong mainitin ang ulo. Okay?” Hindi sumagot si Israel. Tumingin ito kay Mommy. “I apologize for what happened earlier, Tita.” Ngumiti si Mommy. “It's okay. Ang importante tapos na ang problema at nandito ka kasama namin. Basta isaisip mo ang advise ng Ninong mo para iwas-gulo at iwas-asunto.” I saw him nodded. Nakahinga ako kahit paano. Akala ko talaga kanina ay makukulong na siya. It scared me big time. Naiinis ako sa kaniya, pero kanina nang kinuha si Israel ng mga pulis ay gustong-gusto kong magprotesta. Alam kong may pagkasiraulo siya at sobra pang babaero, pero hindi ko mapigilang mag-alala. Sinubukan ko ngang tawagan si Bench para sana humingi ng paumanhin at pakiusapan na iurong ang demanda, pero hindi ito sumasagot. I know he’s determined to put Israel behind bars. Siguro ay nagawan lang ng paraan ni Daddy o baka nagpiyansa sila kaya hindi ito tuluyang nakulong. I don’t know, but for me, it’s good news. "I hope you don't mind. Akyat lang po muna ako sa kwarto," paalam ni Israel. "Sure, Hijo! Go ahead. Ipapatawag na lang kita kapag kakain na tayo." Sinundan ko pa ng tingin si Israel bago ako umalis para sundin ang utos ni Mommy. Sa hapunan ko na ulit siya nakita. Kaming apat lang ang magkakasalo since, natulog nang maaga si Wesley. I think it’s because of their basketball game this morning. Napagod yata dahil sa totoo lang ay hindi naman sporty ang kapatid ko kundi nahawaan lang ni Israel. “Hindi ako nagkamali. Mapagkakatiwalaan ko talaga ang inaanak ko pagdating sa aking mga anak.” Hindi ako nag-react sa sinabi ni Daddy. Sa isip ko, siguro nga ay mali ang pagkakakilala ko kay Israel. Siguro dahil naka-one-night-stand ko muna siya bago namin nalaman na kinakapatid pala kami. I don’t want to validate his actions towards me that night, but what happened just happened. Lalake si Israel. May mga lalake yatang nabubuhay para sa s3x at walang pinalalampas na babae especially kapag nakikita nilang type sila ng mga ito. Kaunting pang-aakit lang nila ay bibigay agad ang babae. Nagkataon na nagtagpo kami, and I was then broken from my first love kaya medyo mahina ang depensa ko. Aminado rin ako na nagwapuhan ako sa kaniya. I was somehow affected. Hindi ko sinasabing okay lang ang nangyari sa amin, pero baka nga may point si Daddy. He can entrust me with his godson. I remembered how he kissed the last time during our driving lesson. Ramdam ko ang matinding galit niya. I provoked the monster in him dahil idinamay ko ang daddy niya sa aming away. I was disgusted with what I saw in the kitchen, pero hindi ko talaga dapat sinabing nakuha niya ang ugali niya sa kaniyag tatay. I’m not trying to justify what he did to me, pero baka gano’n nga si Israel. Ibabalik niya sa'yo kung ano ang trato mo sa kaniya. I was mean to him since day one, at tinatapatan naman niya iyon ng pagiging garapal at bastos. “Israel…” Napahinto sa paglalakad si Israel nang tawagin ko mula sa pinto ng aking kwarto. Naramdaman ko kasi ang pagpanhik niya nang gabing iyon at ang totoo ay gusto ko siyang makausap kaya inabangan ko ang pagdaan niya sa pasilyo. He turned to my room and saw me. Tuluyan akong lumabas ng kwarto upang harapin siya. “What? Susumbatan mo ba’ko dahil sa ginawa ko sa manliligaw mo?” “No.” Umiling ako. He’s again being sarcastic, but I know what to do now. Kailangan mahaba ang pasensiya ko sa ganitong tono niya. “Anong kailangan mo?” “Gusto ko lang sabihin na… I’m glad that you’re here. Hindi siguro ako matatahimik kung ikinulong ka nila.” Ilang saglit siyang hindi nakakibo. Then later he smirked. “Magaling ang tatay mo. Marami siyang koneksiyon. I’m just a lucky boy.” “Bakit nagalit ka sa ginawa ni Bench? Hindi mo ba naisip na…baka kami na and as a boyfriend, gusto lang niya akong halikan?” Natahimik siya saglit, pero maya-maya ay nagkibit ng balikat. “Then it's really all my fault. Sabihin mo na lang sa boyfriend mo na sa susunod na hahalikan ka niya, h’wag doon sa may nakakakita.” “It won’t happen again,” habol ko dahil akmang tatalikuran na ako ni Israel. Nilingon niya ako. “Hindi kami ni Bench. And I was also offended with his action before, pero hindi mo naman kailangang manugod at manuntok. Kaya ko ang sarili ko.” Ngumisi siya nang nakakaloko. It showed his perfect set of white teeth. At hindi ko alam sa sarili ko kung bakit imbes na mainis ay natulala pa ako kay Israel. Why do some girls fall for a bad boy? I don’t know. I prefer those with good boy image. Idealistic kasi ako kaya nagustuhan ko si Paulo. Bench is also sporting a good boy image, pero hindi naman pala iyon totoo. Well, that's what I found out after he tried to kiss me. Maya-maya ay nakita kong sumeryoso si Israel. I’m not sure, pero parang may naaninag akong guilt sa mga mata niya habang tinitingnan ako. “Kung kaya mong protektahan ang sarili mo then why did you allow me to destroy you, Angel?” Hindi ako nakasagot. Napakurap-kurap na lang ako habang sinasalubong ang magagandang mata niya. Did he destroy me? Gano'n ba ang tingin niya sa nangyari sa amin? Well, at first I had a hard time accepting to myself that I allowed it to happen, pero hindi ko akalain na maririnig ko iyon kay Israel. “Don’t waste your time convincing me that you can protect yourself because we both know that you can’t. Matulog ka na.” Tinalikuran na niya ako. Hindi naman ako nakatiis. Tinawag ko ulit siya. Huminto siya sa paghakbang at muling lumingon. “What?” Lumunok ako. Pakiwari ko ay nasa lalamunan ko na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. “C-can I ask you a favor?” Umabot sa pandinig ko ang pagbuga niya ng hangin. I saw the impatient look on his face, pero hindi ako nagpatalo. “Just this once? Please?” “What is it, Miranda? Sabihin mo na.” I smiled. “Pwede mo ba akong ipag-drive bukas pagpunta ko sa school. Enrolment na kasi namin for this sem. At alam mo naman na hindi pa ako gaanong bihasa sa highway aside from the fact na student license pa lang ang meron ako. Okay lang ba?” He looked at me. Mukha siyang tatanggi, pero sa huli ay tumango siya. “Sige. Kapag nagising ako nang maaga. Sasamahan kita.” "Okay. Good night." He didn't greet me back. Okay lang naman. At pagtalikod niya ay bumalik na rin ako sa aking kwarto. Natulog ako nang may ngiti sa mukha at hanggang sa paggising ay naroon pa rin ang ngiti ko. I feel so different from last night. After my heartbreak from Paulo, ngayon na lang ulit ako nakaramdam na parang inspired at may gana. I’m not saying that this is all because of Israel, but somehow he has something to do with this. Siguro ay dahil nasa panibagong yugto kami ng aming pagkakakilala. Siguro ay dahil nabuksan ang isip ko sa kagaya niya at dahil masaya sa pakiramdam na may tao palang pwedeng magprotekta sa’kin aside from my parents. I don’t know why he thinks he destroyed me. Hindi naman niya ako pinilit. I was seduced, yes, pero kung ayaw ko ay ayaw ko. Isa pa, hindi naman ako nasira dahil lang sa nangyari. I just lost my virginity to him. And thinking about it, parang hindi naman ako kailangan magsisi na si Israel ang nakauna sa’kin. Nangyari na ang mga nangyari. I just need to move forward and see what can happen next. “Good morning, Anak!” bati ni Mommy pagpasok ko sa dining room. Siya lang ang naroon at katulong niya si Ate Norma sa paghahain. “Good morning. Where’s everybody?” Naupo na ako at nanghingi ng juice kay Ate Norma. “Tulog pa si Wesley. Ang Daddy mo naman ay halos kaaalis lang. He has several meetings this morning. Ibinilin niya pala na mag-taxi ka muna hanggang school.” Hindi ako nakakibo. Gusto ko sanang itanong kung nasaan si Israel, pero hindi ko alam kung bakit nahiya ako. Maya-maya ay umalis si Mommy at pumasok ng kusina. Siyang paglabas naman ni Israel mula roon kaya nagulat talaga ako. Sumipa ng malakas ang puso ko nang makita siyang may dalang isang tasa ng kape. “G-gising ka na rin pala? Good morning.” "Morning." Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. It’s really weird and I honestly hate to feel this way, pero ang hirap pigilan. He occupied his seat in the dining table. Kumuha ito ng fried rice at bacon at nagsimula nang kumain. Hindi ko alam ang sasabihin. Para akong inaatake ng panic na hindi ko maintindihan. Dinampot ko ang isang pinggan ng ulam. “U-uh… g-gusto mo nito? Masarap itong home made sausage ni Ate Norma. Try it.” Tiningnan ako ni Israel. Kinuha niya ang inaabot ko, pero pagkatapos ay, “Get moving, Miranda. Ako na ang bahala sa sarili ko. Agahan natin ang pag-alis para makabalik din tayo nang maaga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD