SIMULA

1725 Words
ISANG malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Mommy na nagpadapa sa kaniya sa sahig ng living room. Kasabay ng pagkagulat ay agad akong napatakbo sa kinaroroonan nila ni Daddy. “Mom!” Kaagad akong naupo sa tabi niya at niyakap siya. Pagtingala ko ay nakita ko ang madilim na mukha ng Daddy ko. “What’s wrong with you, Dad? Bakit mo sinaktan si Mommy?” galit at naguguluhang tanong ko pero, hindi niya ako sinagot. Parang hindi niya ako narinig. “Pinindeho mo ako! Akala mo ba maitatago mo ang kataksilan mo sa’kin habangbuhay?” sigaw ni Daddy sabay hagis ng isang nakalamukos na papel sa mukha ni Mommy. “Dad, calm down! Ano bang nangyari?” Wala pa ring sumagot sa tanong ko. Naramdaman kong bumitiw sa akin si Mommy at paluhod na tumingala kay Daddy. “Honey, please, maniwala ka! Hindi kita niloko! Mahal na mahal kita, Abel! Hindi kita niloko ni minsan!” “Enough of your lies! Huling-huli na kita, Monica! Ngayon sabihin mo sa akin kung sino ang lalake mo!” Pulang-pula siya habang dinuduro si Mommy. “Dad, ano bang sinasabi mo? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Kung anuman ang problema, pag-usapan n’yo nang maayos ni Mommy. You shouldn't hurt your wife!’ Natigilan si Daddy at dahan-dahang inilipat ang tingin sa akin. “Shut up, Israel! You shut up!” singhal niya, nanlilisik ang mga mata sa akin. “Stay away from my sight, you bastard! H’wag na h’wag mo rin akong pakialaman sa gusto kong gawin sa asawa ko!” Naestatwa ako sa sinabi ni Daddy. Tingin ko tuloy ay ibang tao ang kaharap ko. He’s not my father. Hindi niya ako ganito kausapin. Hindi niya kami ganito itrato. “Hindi kita niloko, Abel, maniwala ka! B-baka… nagkakamali lang sila. U-ulitin natin ang tests. Sigurado akong mali lang sila,” umiiyak na sabi ng Mommy ko. Hanggang sa sandaling iyon ay naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. “Hindi ako tanga, Monica! Hindi ako tanga! Hindi ko lang agad nalaman ang kalagayan ko pero, hindi mo ako pwedeng lokohin lang basta, Monica! Sino ang lalake mo? Sumagot ka!” Mariin siyang umiling at pilit na inaabot ang mga kamay ni Daddy. “A-Abel… hindi kita niloko! Walang ibang lalake sa buhay ko, maniwala ka! A-anak mo si Ivan… I-ikaw ang tatay niya…” “Hindi mo na ulit mabibilog ang ulo ko, Monica! Sinira mo ang lahat! Sinira mo ang buhay ko! Kaya magdusa tayo pare-pareho kasama ng anak mo!” matigas na wika ni Daddy na tiningnan muna ako bago tumalikod at dire-direchong lumabas ng bahay. “Abel, hindi kita niloko!” sigaw ni Mommy at sapilitang tumayo para habulin si Daddy. Tumayo rin ako at pinigilan siya. “Abel, please, bumalik ka! Hindi ko ‘yon ginusto! Abel, patawarin mo ako!” patuloy na pag-iyak ni Mommy habang yakap ko. Halos isang oras bago ko tuluyang napakalma si Mommy. Iniakyat ko siya sa kwarto nila ni Daddy at pinahiga. Pinasamahan ko siya kay Ate Ida, ang matagal na naming kasambahay at nag-iisa lang sa buhay dahil hindi na rin nag-asawa. Bumaba ako sa living room at hinanap ang papel na ibinato ni Daddy kanina kay Mommy. Nakita ko agad iyon at dinampot. Hindi maipaliwanag na kaba ang sumalakay sa dibdib ko habang binubuksan ang papel. Paternity Test. Abel Dimitri Napoleon Israel Von Angelo Napoleon Result: 0.00% Nanginig ang buong katawan ko matapos kong mabasa ang laman noon. Hindi ko namalayan na napaluhod na lang ako sa sahig ng living room. Mistulang sinakluban ako ng langit sa aking natuklasan. Sa kapirasong papel na iyon nag-ugat ang lahat ng pagbabago sa buhay naming tatlo. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay magbabago ang masaya at halos perpekto naming pamilya. Gabi-gabing umuuwi nang lasing si Daddy. At sa bawat pagkakataon na itinataboy niya ako palayo, para na niya akong dinudurog. Hindi na siya ang tatay na nakilala ko. He was no longer the father that I looked up to. Ibang-iba na rin kung paano niya akong tingnan. Para akong isang estranghero sa paningin niya. Isang gabi ay nagsama siya ng babae sa bahay. Parang sasabog ang dibdib ko sa galit nang mahuli ko sila na naghahalikan sa mismong living room. “How could you do this to us, Dad? Pinagbibintangan mo si Mommy na nanloko sa’yo pero, ikaw mismo ang nag-uuwi ng babae rito sa bahay?” “H’wag mo ‘kong pakialam, Israel! Umalis ka sa harapan ko!” “No, Dad! Kailangan kong ipaalala sa’yo ang pangako ninyo ni Mommy sa isa’t isa! Kami ang pamilya mo! Paalisin mo ngayon din ang babaeng ‘yan bago pa bumaba si Mommy at makita kayo!” Tumayo si Daddy at hinarap ako. Nagulat ako nang bigla niyang damputin ang kwelyo ng suot kong uniporme. Mabagsik ang pagkakatingin niya sa akin na parang gusto niya akong patayin. “Sa tingin mo ba hindi alam ng Mommy mo na may kasama akong umuwi ngayong gabi? Naroon ang ina mo sa kwarto! Puntahan mo! At imbes na ako ang inaabala mo, siya ang sisihin mo sa lahat ng kapestehang nangyayari sa buhay natin!” Umagos ang luha ko sa magkahalong takot at sama ng loob. “D-Dad, please, mag-usap kayo ni Mommy. Sigurado ako na kung anuman ang nagawa niya, hindi niya iyon sinasadya! Mahal na mahal ka niya. Dad, please, let’s settle this matter once and for all. Wala na ba talaga akong halaga sa’yo?” “Wala! Kaya umalis ka ngayon din sa harapan ko at h’wag mo ulit akong pakikialaman dahil hindi kita kaanu-ano!” gigil na sabi niya at itinulak ako nang malakas na halos magpabuwal sa akin sa sahig. Nawalan ng katahimikan ang isip ko. Halos mapabayaan ko ang pag-aaral dahil sa problema ng aming pamilya. “Mom…” tawag ko kay Mommy nang matagpuan ko siya sa garden. My mother loved orchids. Malaking bagay rin na may iba siyang napagtutuunan ng pansin at hindi laging ang problema nila ni Daddy. “Hi, Hijo!” nakangiting bati niya sa akin at sandaling iniwan ang ginagawa upang yakapin at halikan ako. Hindi ko na ulit nakitang umiyak si Mommy pero, hindi na humupa ang pamumugto ng mga mata niya. “How’s school? Oh, malapit na nga pala ang graduation mo! Tamang-tama! Sasabihin ko sa Daddy mo na magsa-shopping tayo.” “Mom, please? Stop pretending na okay kayo ni Daddy. Alam kong hindi pa rin kayo nagkakaayos.” Natigilan si Mommy at hindi agad nakakibo. Tinalikuran niya ako. Kinuha niya ang bottle spray at ipinagpatuloy ang ginagawa sa mga halaman. “Masama lang ang loob ng Daddy mo, Ivan, but we’ll be fine.” Sinulyapan pa niya ako suot ang maliit na ngiti. “Everything will go back to normal, Hijo. Lalo na ngayon na ga-graduate ka na. I’m sure that your father will be so happy and proud of you!” “Hindi ko siya tatay. Paano mo nasasabing magiging proud sa akin ang taong niloko mo?” Natigilan na naman si Mommy. Kasunod noon ay ang pagkahulog ng bottle spray mula sa kamay niya. Hinarap niya ako at inilang hakbang ang pagitan naming dalawa. “Hindi ko niloko ang Daddy mo! Hindi ko sinadyang lokohin si Abel! Mahal na mahal ko ang Daddy mo! Kung may dapat sisihin sa nangyaring ito ay ang Williard na ‘yon! He seduced me!” galit na sabi ni Mommy. Nagusot ang noo ko. “W-Williard? A-ang taong ‘yon… siya ba ang totoo kong ama?” kabadong tanong ko. “Hindi mo siya ama! Masama siyang tao, Ivan! Tinraydor niya ang sarili niyang kaibigan! Si Abel lang ang ama mo!” “Mom, stop it! Stop saying lies to me! Gusto kong malaman ang totoo! Karapatan kong malaman ang totoo!” Kulang na lang ay alugin ko si Mommy para magtapat siya sa akin. "Please, tell me, ang Williard na ‘yon ba ang totoong tatay ko? Ano ang totoo, Mommy?" “Wala akong pakialam kung ano ang totoo at hindi!” mariing sigaw niya. Natigilan ako at gulat na pinagmasdan siya. She was in panic, kitang-kita ko iyon sa mukha niya. Umiling si Mommy at hinawakan ako sa mukha. “H-hijo… look! Kahit ano pang sabihin nila at kahit ilang tests pa ang magsabi na hindi ka anak ni Abel, h’wag na h’wag kang maniniwala! Si Abel Napoleon ang tatay mo! ‘Yan lang ang dapat mong paniwalaan! Naiintindihan mo?” Dumating ang araw ng aking high school graduation. At sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan ng aming pamilya, I still ranked as top 3 in our class. Hindi ako umasa na darating si Daddy para saksihan ang pagtanggap ko ng diploma. Pero hindi ko akalain na pati si Mommy ay hindi rin sisipot sa araw ng aking pagtatapos. “Pareho na sila ngayon. Kinalimutan na nila na may anak sila,” puno ako ng sama ng loob nang sabihin iyon. “Don’t say it, Ivan. Ikaw ang pinakamahalaga sa buhay ng Mommy mo. At naniniwala akong mahal ka pa rin ng Daddy mo. Kilala ko ang kapatid ko,” alo sa akin ni Tito Abraham. Nakakatandang kapatid siya ni Daddy na mahal na mahal ako. At kahit alam din niya ang mga nangyari, hindi man lang nagbago ang pagtingin niya sa akin. Sa katunayan ay siya ang naroon para magsabit ng medalya sa akin. “Magkakaayos din ang parents mo, ‘tol. Kailangan lang nila ng panahon,” sabi naman ni Genesis na pinsan ko. Nagkaroon ako ng munting pag-asa dahil sa sinabi nina Tito Abraham at Genesis. Kaya kahit paano ay nakakangiti na ako nang ihatid nila ako pauwi ng bahay. “What’s happening here?” takang tanong ni Tito Abraham nang ihinto na niya ang kotse sa likod ng emergency vehicle. Pagbaba ay nakita ko rin ang police mobile na nakaparada sa tapat ng aming gate. Kaya pala iba ang klase ng kaba ko nang makita ang nag-uumpukan naming mga kapitbahay. Kaya pala ibang klase ang lungkot ko kanina habang tinatanggap ang aking high school diploma. My parents were found dead inside their room. Naguho nang husto ang aking mundo. Hindi ko lubos akalain na ang kaunting pag-asa na sumibol kanina sa dibdib ko ay tuluyan na ring maglalaho kasabay ng pag-iwan sa akin ng dalawang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD