10 years later…
“I HATE YOU, Paulo Arevalo!”
Hindi ko na napigilang isigaw ang galit ko nang makarating sa roof top ng building kung saan naroon ang condo unit ni Paulo. Binalewala ko ang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. I was just too angry to notice anything at the moment. I was betrayed.
I went there to fulfill my promise to the man I loved. I already turned eighteen last month at bago ang kaarawan ko ay ipinangako ko kay Paulo na pagdating ko sa tamang edad ay ibibigay ko ang sarili ko sa kaniya. I’m in love with him for more than four years already, f*ck! At para sa akin, iyon na lang ang kulang para mapatunayan ko sa kaniya na wala akong ibang mahal at mamahalin kundi siya.
Pero kinabukasan ng eighteenth birthday ko ay umalis kami kasama ng family ko. Regalo ni Daddy sa akin ang bakasyon na iyon. Naantala ang ‘promise’ ko kay Paulo. Kaya naman ngayong gabi ko lang siya napuntahan sa tinutuluyan niyang condo.
I was ready to give myself to him pero, hindi ko inaasahan ang nadiskubre ko.
Nadatnan ko si Paulo kasama ang closest cousin ko sa unit niya. At unang tingin ko pa lang sa ayos nila, alam ko na ang nangyari. They did not deny it though. Sa harapan ko ay inamin mismo ni Margaux na sila na ni Paulo noong isang linggo pa.
I was betrayed my own cousin. Alam niya na noon ko pa mahal si Paulo. At alam din ni Paulo ang tungkol sa feelings ko kaya lang ay hinihintay pa nga niya na mag-eighteen ako. I believed we already had this mutual understanding at sa sobrang katangahan ko nga ay nangako pa ako na ibibigay ko sa kaniya ang virginity ko. Hindi ko lubos akalain na sa ganito mauuwi ang lahat. But if it’s any consolation, nalaman ko agad ang panloloko nila sa akin bago ko pa maisuko ang sarili ko sa isang lalakeng walang kwenta.
“D*mn you, Paulo! I swear you’ll go to hell! Magsama kayo ng Margaux na ‘yan! Sh*t!”
“Hindi ka maririnig ng mga taong ‘yan,” anang boses na nagpahinto sa akin.
Natigilan ako sandali bago nilingon ang pinanggalingan ng boses. Agad kong natagpuan ang isang lalakeng nakalupagi sa sahig ng roof top at katabi ang ilang bote ng beer. Nakadama ako nang bahagyang takot.
I heard him smirked. “Same old story, right? A heroine who was betrayed by her girl best friend and boyfriend.”
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Will you mind your own business!” I snapped.
“I was. It was you who suddenly came and disturbed my peace.”
“Hindi kita nakita! Malay ko bang may nauna sa akin dito sa roof top at mukhang pinagtaksilan din ng mga tao sa paligid niya?”
He laughed. Nagsalubong ang mga kilay ko sa nakakainsultong tawa ng lalake. Sa bahagyang liwanag sa roof top ay napagmasdan ko ang mukha ng lalake. He looked young, must be in his mid-twenties. Nakasuot siya ng V-neck shirt at pantalon. Alon-alon ang buhok niya na hanggang batok at ang panga ay napaliligiran ng stubbles.
“Bakit mo alam? Manghuhula ka ba?” nakangising tanong niya dahilan kaya lalo akong napasimangot. “Know what, why don’t you join me instead? Take a seat.”
Nagtaas ako ng mga kilay sa sinabi niya. Nakita ko siyang nagbukas ng isang bote ng beer at iniabot sa akin.
“Let’s drink,” tila harmless na anyaya niya pero, tiningnan ko siya ng may pagdududa. He chuckled. “Don’t worry. I’m not a r*pist. And you don’t have to be shy. Kung anuman ‘yang ikinagagalit mo, believe me, I understand you. You can even tell me about it and I won’t judge you.”
“And why would I tell you about my personal problem? You’re a stranger to me!”
“You’re a stranger to me as well,” sagot niya. He looked at me. Maya-maya ay nagkibit siya ng balikat. “All right. H’wag mo na lang sabihin. Samahan mo na lang akong ubusin ito.”
Ilang sandali kong pinag-isipan ang paanyaya niya. I knew I should not trust him and the only thing I should do was to leave. Pero hindi ko alam kung bakit naeengganyo akong manatili roon.
“Come on! Don’t tell me, hindi ka umiinom ng ganito?”
I smirked. Humakbang ako at hinablot ang bote sa kamay niya. I sat myself on the gutter, keeping enough distance from him.
“Tell me about it.”
Napatawa ako sa sinabi niya. “You really think I’d tell you about my problem? Nakikiupo lang ako kasi ayoko pang umuwi. I cannot go home in this situation.”
“Okay.”
Inilapag ko ang bote ng beer. Pinansin niya ang ginawa ko.
He laughed. “You don’t drink, do you?”
“I do. But only on occasion. And when I say occasion, kapag may sine-celebrate lang ako. And unfortunately, there’s no reason to celebrate after what I discovered tonight.”
“Oh. Deep.” Inilapag niya rin ang hawak na bote ng beer. “Ganito. Let’s just play a game.”
Nagusot ang noo ko. “What?”
“Huhulaan natin ang problema ng isa’t isa. Kapag tama ang hula, iinom ang hinulaan. Kapag mali naman, ang nanghula ang iinom. Game?”
I smirked. Ayokong patulan ang ideyang iyon kaya hindi na ako sumagot.
“Come on! This will be fun. Promise. Magkakaroon ka ng dahilan para uminom.”
Nilingon ko siya. Nasalubong ko ang mga mata niya. At hindi ko alam kung anong meron sa mga matang ‘yon dahil natagpuan ko ang sarili kong tumatango.
“Okay.”
“Ako na muna ang mauna?”
“Sige.”
“Okay. Ang una kong hula, niloko ka ng boyfriend mo. Tama ba?”
I smirked. Hindi ako uminom. Hindi ko pa boyfriend si Paulo. At malabo nang maging boyfriend ko siya pagkatapos ng nangyari.
“Oh! Mali agad ako?”
I smiled. “Obviously.”
Nagkibit siya ng balikat at uminom sa beer niya. “Okay. Your turn. Make a guess.”
Tiningnan ko siya. “Niloko ka ng girlfriend mo?”
Ngumiti siya pagkatapos ay umiling. “No.”
“No? Baka nagsisinungaling ka lang? I did not lie with my answer.”
“I’m not lying. Wala akong girlfriend kaya sino ang loloko sa akin?”
Hindi na ako nakipagtalo at uminom na lang.
“Ako ulit ang manghuhula?” aniya.
“Go ahead,” kibit-balikat na sabi ko.
He stared at me and narrowed his eyes. Napakurap-kurap ako at pinagmasdan ang ilang features ng mukha niya. He had straight nose, square chin, wide cheeks and deep-set of eyes. And his lips...
“You found out that you and your best friend are in love with the same guy.”
Naputol ang pagsusuri ko nang magsalita siya. “N-no.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “No? As in no?”
“Hindi. Dahil hindi ko best friend ang babaeng niya.”
He shrugged. “All right.” Uminom siya. Hindi ko naman napigilang titigan ang mga labi niya na lalo yatang pumula nang mabasa ng beer. “Ikaw naman.”
Iniiwas ko ang mga mata ko at nag-isip nang mabuti ng susunod kong hula. “Ah! You are thrown out from your parent’s house.”
He laughed. Mas malakas ang tawa niya ngayon. Akala ko ay tama na ang hula ko pero, nakita ko siyang umiiling.
“No, baby.”
Nanliit ang mga mata ko at hindi pinansin ang itinawag niya sa akin. He smiled widely, showing his perfect set of white teeth. At bago pa ako matulala sa ngiti niya ay hinablot ko na ang bote ng beer at uminom. Nauwi na naman sa tawa ang ngiti niya.
“My turn,” sabi niya nang ibaba ko na ang bote ko. “Umasa ka na mahal ka rin ng mahal mo.”
Hindi ako nakasagot. It was almost exactly my problem. I could not deny it. Unti-unti siyang ngumiti.
“Tama ako! You should drink then.”
Nanumbalik sa isip ko ang nadatnan ko sa unit ni Paulo. At dahil sa sobrang sama ng loob ay halos maubos ko na ang aking beer nang uminom ulit ako. Humalakhak lalo ang estrangherong kasama ko. I grimaced as I looked back at him. Ramdam ko na ang init sa lalamunan ko.
“Hindi ka ba giniginaw?” tanong niya sabay lagay ng kamay sa aking balikat.
Napapitlag ako sa unang dampi ng palad niya sa aking balat. He also suddenly withdrew his hand, mukhang nagulat din sa naging reaksiyon ko.
“Relax! I’m just… concerned...” He surveyed my outfit. I wore my silk spaghetti strap tank. Mahaba naman ang palda kong suot at naka-boots.
“I-I’m okay…” sabi ko na lang at muling nag-iwas ng tingin. Hindi ako agad naka-move on sa ginawa niya. Para ngang naiwan ang init ng palad niya sa balikat ko.
I saw in my peripheral vision that he extended his one hand. Napalingon tuloy ako.
“I’m Ivan. You are?”
Pinagmasdan ko ang palad niya. “I don’t give my name to a stranger.”
Nawala ang ngisi niya. “Come on! I said I'm Ivan. I'm no longer a stranger.”
I narrowed my eyes at him. “Not on me, stranger. I know it’s not your real name.”
Ngumiti siya. "You think so? Then why don't you just say a different name to me instead? Para kahit paano, may itatawag naman ako sa'yo."
Napatingin ako sa kaniya. He was now playing his lips with his long fingers. Halos madistract ako sa ginagawa niya kaya hindi ko gaanong napag-isapan ang isasagot.
“A-Angel...”
"Hmm?" He frowned. Inalis niya ang mga daliri niya sa labi at matamang pinagmasdan ako.
I shrugged. "I just said my name. Quits?"
Tumawa siya at tumango-tango. "Yeah, right. Angel."
Hindi na ako sumagot. Ibinaba ko ang bote ng beer. Ramdam ko na rin ang init sa aking buong mukha nang tumayo ako.
“Oh, wait! Aalis ka na ba... Angel?” takang tanong niya at tiningala ako.
“Yes. Salamat na lang sa beer. And nice meeting you... Ivan," wika ko at matipid siyang ningitian.
Hindi siya sumagot pero, naiwan sa akin ang mabigat na titig niya. Natigilan ako sandali. Bago pa ako maengganyong tabihan ulit siya sa pagkakaupo ay tumalikod na agad ako. Mabuti naman na wala na siyang sinabi nang maglakad ako palayo. It would be dangerous for me to stay. Isang estranghero ang kasama ko at hindi ko maitatwa ang kakaibang reaksiyon ng katawan ko sa tingin pa lang niya.
Kumapit ako sa balustre habang pababa na ako ng hagdan at saka maingat na nilakad ang pasilyo. Hinintay ko pang umakyat ang elevator bago ako nakasakay.
“Oh, wait!”
Nakapasok na ako ng elevator nang marinig ko iyon. The door was closing when he suddenly entered. Nagulat ako at agad sinalakay ng kaba nang makita ang mukha ni Ivan.