Daniella P.O.V
Mulat na mulat ang mga mata ko sa pagkakataon na ito, at hindi ko alam kung ilang oras akong naka dapa sa maruming kwartong ito, kung saan niya ako pinahirapan. Kahit hinang hina at mukang pagod na pagod ako isama pa ang sakit ng buong katawan ko ay para na akong mahihimatay ulit, pero kinaya kong tumayo ng dahan dahan at nag lakad ng mabagal papunta sa pintuan upang lumabas.
Nang buksan ko ang pintuan ay katahimikan ang bumungad sakin at kadiliman, mukang pinatay niya ang ilaw sa hallway na ito dahil nakikita ko pa ang ilaw sa dulo. Nag lakad ako ng walang ingay sapagkat baka makagawa ako ng ingay at balikan pa niya ako. Sa bawat hakbang ko ay tinitiis ko ang bawat kirot at sakit sa likod ko, alam kong puno na ng piklat nang likod ko pero ngayon ay mukang madadagdagan na naman.
Nang makarating ako sa dulo ay agad bumungad sakin ang ilaw kaya naka hinga ako ng maluwag at nag lakad upang bumalik sa kwarto ko pero hindi pa man ako nakaka rating sa sala kung saan dadaanan ko ay may narinig akong nag uusap na ikinatigil at ikina putla ng mukha ko.
"Ano na ang plano mo?" His dad, Franco.
"Kailangan ko na siyang mawala sa landas ko dad, hindi ko na matiis na makasama siya sa iisang bubong." Ramdam ko ang bawat diin at di pag ka gusto ng sabihin niya iyun, at mukang kasama niya ang kanyang ama sa sala at alam kung hindi lang sila ang naduduon, nakinig lang ako sa kaninang pinag uusapan.
"Tsk. Kung hindi lang naman dahil sa pera, hindi ko gugustuhin na matali ka sa malanding anak ng Sullivan na iyun." Tumulo ang luha ko ng marinig ko iyun mismo sa kanyang ama, hindi ko alam na hindi pala niya ako gusto, kung ganon pakitang tao lang ang kanyang pag mamalasakit sakin nuon sa tuwing sinasaktan ako ng kanyang anak.
"Siguro naman mawawala na siya sa pamilyang ito, lalo nat babalik na bukas ang tunay kung mamanugangin na si Olivia." Rinig kong saad ng kanyang Ina na si auntie Georgia. Napatakip na lang ang isang kamay ko sa bibig ko at umiyak ng tahimik sapagkat hindi ko akalain na ganito pala sila simula at sapol.
"Hindi pweding malaman ni Olivia na hindi ko pa nahihiwalayan si Daniella, Mom she might freak out and leave me again." Hearing his voice while worrying about his girl makes my heart broken into pieces.
"Pano naman yung isang babaing hitad na kapit ng kapit sayo? ano ngaba ang pangalan non, Ariana? Pareho lang sila ng malandi mong asawa." Sabat pa ng kanyang ina.
"That b***h is just one of my f*ck buddy." Sagot niya sa kanyang Ina.
"Wait! Where's Daniella? hindi ko ata siya nakita pag pasok palang namin, at sigurado ka bang hindi niya tayo naririnig?" Narinig kong nagtatakang tanong ng kanyang ina.
"She's in my torture room." Zaire said in a bored way.
"Bakit siya nandon?" Auntie Georgia asked.
"I punished her for going home late, She's really testing my patience, I really hate her i can't even look at her face cause it's making me sick ang puke." Ang mainit na luha ay tahimik na bumubuhos sa dalawang mata ko dahil sa naririnig ko sa kanila.
"Is that so? Okay mukang pagod kana na makasama ang babaing iyun sa iisang bahay bakit hindi mo na lang siya ipahiram sa mga tauhan kong tigang bago mo siya pakawalan ay ibaon sa kailaliman ng lupa."
Nang marinig ko iyun mismo sa bibig ni Don. Franco ay nag simulang manginig ang dalawang kamay ko at nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko sa kaba. Hindi ko akalain na kaya nilang gawin iyun sakin.
"Honey, your idea is good, why don't we watch while they f*ck that bitch." These words from Aunt Georgia make me tremble several times, I can't imagine being molested and raped by her guards. This makes me want to leave this house immediately.
Hindi ko alam kung saan ako dadaan, dahil kapag dumaan ako sa sala ay malabong hindi mapunta sakin ang kanilang attention. Kailangan kong mamili sa dalawang plano na tumatakbo sa utak.
Una magpanggap na walang narinig at lumabas na parang hindi ko sila nakita o narinig, pangalawa ang tumakbo ng mabilis sa pintuan at indahin ang sakit sa buong katawan ko pero mukang hindi ko rin kaya dahil alam kong nasa labas lang ang mga tauhan ni Don. Franco malabong hindi nila ako maabutan agad.
Huminga ako ng malalim at naglakad ng dahan dahan palabas sa kinalalagyan ko, pero naka tungo lang ako at kunwaring hindi sila nakita.
"Oh, Daniella hija, kanina kapa diyan?" Kunwari akong nagulat at tumayo ng maayos bago ngumiti sa kanya.
"Auntie, nandito pala kayo, pasensiya na hindi ko kaya napansin pagod lang po ako." Sagot ko sa kanya ng malumanay.
"Pinapagod kaba ng anak kong ito, hija?" Ramdam ko ang pagkukinwaring pag aalala sa kanyang boses.
"Ah....hindi po auntie, responsibilidad ko bilang asawa ni Zaire na gawin lahat ang gawain rito sa bahay at ang ipag luto siya." Kahit gusto ko nang bumagsak dahil sa panghihina ay nagawa ko pa ring mag sinungaling dahil sa oras na malaman nilang narinig ko ang kanilang pinag usapan kanina ay baka hindi na ako abutan pa ng umaga. Kahit punit ang damit ko s a likod dahil sa mga latigong natanggap ko sa kamay ni Zaire kanina ay hindi ko pinahalata kay auntie.
Nuon lagi akong nagsisinungaling sa kanya sa pananakit sakin ng kanyang anak, pero hindi ko pala lubos akalain na alam niya iyun simula pa lang at kinukunsinti pa niya ang demonyo niyang anak, hindi ko alam kung bakit siya pa ang lalaking minahal at pinag tiisan ko ng limang taon.
"Ayus ka lang ba hija? bakit ang putla mo ata ngayon?" Tanong ni Don. Franco na nag pa kaba sakin.
"Ah wala po ito mukang gutom lang po ako, hindi ko lang namalayan sa subrang paglilinis sa bahay." Mahina kong sagot sa kanya na kanya namang ikinatango.
"Ganon ba hija? kung ganon ay kumain kana sa kusina." Auntie said.
"Hindi na po auntie, itutulog ko na lang ito." Pag tanggi ko sa kanyang sinabi.
"Go, no one need you here." Sabat ni Zaire.
"Philip! Respect your wife." Alam kong hindi totoo ang sinabi ni auntie kay Zaire.
"Respect my ass!" Asik ni Zaire.
"Hija, pasensiyahan muna ang anak ko, sige na magpahinga kana." Saad ni Don. Franco. Tumango lang ako bilang tugon sa kanya at nag simulang maglakad, nang makalayo ako sa kanila ay narinig ko pa ang huling saad ni Auntie at ang nag pagulat sakin ay ang sinambit ni Don. Franco.
"Pag tulog na siya papasukin ko ang mga tauhan ko sa bahay na ito, at tayo ay aalis na dito sila na ang bahala sa kanya, para mapadali nating ipalabas na pinasok ang bahay na ito ng manloloob habang wala ka dito at mukang ayaw ko ng manuod sa kanila dahil tama ang sinabi mo nakalasuka ang pagmumukha ng babaing iyun." Auntie Georgia said.
"Tama ang iyung ina, alam naman natin na walang bisa ang kasal niyung dalawa kaya wala kanang responsibilidad pa sa kanya." Ang sinabi na iyun ni Don. Franco ay ang nag pa luha sakin ng lubos, hindi ko akalain na ang lalaking pinanatilihan ko ng limang taon ay wala pala akong pinaghahawakan na akin siya, he used me not just him but he's whole family used me for money.
Nanghihina akong napa upo sa aking kama, dahil sa mga natuklasan ko ngayong gabi. Wala akong oras pa para mag bihis dahil pagod na pagod ang katawan ko, mamaya kuna iisipin kong paano ano ako makakalabas dito mamaya bago pa ako pasukin ng mga tauhan nila. Hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil sa pagod at panghihina.
TAHIMIK ang buong kabahayan ng magising ako, napa tingin ako sa maliit na oras sa maliit kong table nakaramdam ako ng takot ng makita kong Alas tres na ng madaling araw at mas lalo akong natakot ng makita kong pilit na may bumubukas sa pintuan ko. Tagatak ang pawis ko ng tumayo ako at agad na hinila ang maliit na cabinet at agad ko itung hinarang sa pintuan ng kwarto ko p**o mag hanap ng pwedi kong magamit pang laban.
"Ang tanga mo ella! kung hindi kalang natulog hindi ka sana nila maabutan dito." Pag sisi ko sa sarili ko at dahil sa takot ay nag situluan ang mga luha sa mata ko, kailangan kong maging matatag walang makaka tulong sakin hindi ako pweding sumuko.
Ang kaninang walang ingay na nagbubukas ng pintuan ko ay naging marahas at mukang gigibain na nila ang pintuan ko, hinanda ko nadin ang hawak kong maliit na ballpen dahil iyun lang ang nakita kong pwedi kong gamitin pan laban sa kanila. Pumunta ako sa gilid ng pintuan upang abangan kung sino ang papasok at uunahan kuna itong saksakin, at parang hindi ko ramdam ang sakit sa buong katawan ko dahil sa takot. Masgugustuhin ko pa ang paulit ulit na latiguhin ni Zairw kaysa sa magahasa ng maraming lalaki.
"BLAG!" Nang nakita kong natumba ang pintuan at pumasok ang isang lalaki ay wala akong sinayang na oras at sinaksak ang kanyang mata.
"LORD PATAWARIN NIYO AKO!" Sigaw ko at nag tatakbo na palabas rinig na rinig ko ang sigaw ng lalaking iyun, nakita ko din ang ibang tauhan nila Zaire na hinabul ako. Hindi ata nila ako nabantayan dahil na distract sila sa kasamahan nila kanina na sinaksak ko ng ballpen.
"HABULIN NIYO SIYA, WAG NIYONG HAYAAN NA MAKATAKAS DAHIL MALALAGOT TAYO SA PAMILYANG MAXIMILIAN!"