Daniella P.O.V
Naalimpungan ako ng may maramdaman akong may isang mariin at matalim na mga matang nakatingin sakin, dahan dahan akong umupo sa kama at kinusot ang dalawang mata ko. Bago ilibut ang mata ko sa kwartong kinalalagyan ko. Tumigil ang paningin ko sa isang lalaking naka sandal sa pader at mariin na naka tingin sakin.
My jaw drop as i look at his arms that full of tattoos. Hindi ko alam kung bakit para akong na amaze sa kanya, ang matalim at malamig niyang tingin na nakakaakit para sakin pero kung iba ang titingin duon ay baka mamatay na sila sa takot.
Nakipagtitigan ako sa kanya, hanggang sa ngumiti ako ng matamis sa kanya na parang innosenti. Nakita ko kung paano siya lumunok pero nanatiling matalim ang kanyang tingin sakin hanggang sa naglakad ito papunta sakin.
Aaminin ko naninigas na ako sa kina uupuan ko dahil hindi ko alam kung ano ang kanyang gagawin lalo nat wala akong laban dahil mukang ako ang may kasalanan dito sa paghihimasok ko sa bahay ng iba. Lumunok ako pero ang ngiti sa mga labi ko ay hindi ko inalis hanggang sa tumigil siya sa harapan ko. Naka tingala ako sa kanya dahil sa naka tayo ito habang naka upo ako sa kama.
Nasilayan ko ang isang ngisi sa kanyang labi bago ito yumukod at ilapit ang kanyang mukha sa mukha ko.
"Hi..." Awkward kong saad sa kanya.
"You're brave to enter a demon territory, kitten." Malamig niyang saad bago ito tumayo ng matuwid sa harap ko, naguluhan naman ako sa kanyang sinabi.
Biglang nanlaki ang dalawang mata ko ma realize ko kanyang sinabi at walang pasabing tumalon sa kanya at parang tuko na kumapit ang dalawang benti ko sa kanyang bewang at hinawakan ng mahigpit ang likod ng kanyang leeg upang hindi ako mahulog.
"Hindi na sana ako pumasok sa bahay na ito kung bahay pala ito ng isang demonyo." Nanginginig kong saad habang kumakapit sa kanya ng mahigpit. Naramdaman ko naman kung paano siya nanigas, habang ang mukha ko ay naka baon sa kanya napaka bangong leeg.
"My kitten is terrified of demons, huh." I heard him whisper and chuckle.
"Ikaw hindi ka takot?" Mahina kong tanong sa kanya at tinapat ang mukha ko sa kanyang mukha kaya napag masdan ko ang ganda ng kanyang mga mata, at tangos ng kanyang ilong.
"Why would I be afraid." Maka hulugan niyang sagot sakin, ngumuso na lang ako dahil hindi parin nag bago ang reaction niya.
"BLAG!" Bigla kong nadikit ang mukha ko sa kanyang mukha na naging dahilan ng palalapit ng labi naming dalawa, pero hindi ko pinansin iyun at agad na nilayo ako mukha ko sa kanya bago ibalik sa pag kakasiksik sa kanyang leeg. Bumalik ang takot sakin dahil sa bagay na iyun na bilang nahulog sa labas ng kwartong kinalalagyan naming dalawa.
"OMG! baka nanjan na ang demonyo." Mahina kong bulong sa kanya, pero hinawakan lang niya ng mahigpit ang bewang ko upang hindi ako mahulog, wala rin akong narinig mula sa kanya.
Naramdaman kong nag lakad siya palapit sa pintuan na nagpa kaba sakin.
"Saan ka pupunta? Wag mong sabihin na lalabas ka?" Natatakot at kinakabahan kong sambit sa kanya.
"Silly, Just going to look to see what that was." Malumanay niyang sambit sakin pero hinayaan ko lang siya at binaon pa lalo ang mukha ko sa leeg niya at inamoy amoy iyun, nakaka addicted ang kanyang amoy parang ayaw ko nang umalis pa sa kanyang mga bisig.
Narinig ko ang pag bukas ng pintuan at narinig ko din ang pag singhap ng kung sino, pero hindi ko makita kung sino iyun dahil naka talikod ako sa gawi niya, pero naka ramdam ako ng maraming presinsiya kaya mukang hindi lang isa ang narinig kong nag singhapan kanina.
"What's that asshole's." Hindi ko alam kung may halong galit ba ang tinig ng lalaking kinakapitan ko ngayon dahil naramdaman ko ang diin ng kanyang tinig ng marinig kong nag salita siya.
"L-lord... pasensiya na si Drake kasi binitawan ang baso na dala niya kaya naka likha ng ingay." Mahinang sagot ng isang lalaki.
"Damn it brian, gusto muna ata akong mamatay." Rinig kong reklamo ng isa.
Dahil sa curiousity, aakmang aalisin ko ang pagkaka subsub ng mukha ko sa leeg ng lalaking may buhat sakin ay bigla na lang niyang hinawakan ang batok ko kaya napabalik ako sa pag kakasubsub sa kanyang leeg.
"Don't let them see you face, kitten. They're a demons." Dahil sa kanyang sinabi ay hindi na ako nag balak pang alisin ang mukha ko sa kanyang leeg, dahil sa kanyang sinabi.
"Out." Rinig kong saad niya, narinig ko na lang ang mga yabag na parang tumakbo palayo.
"Wala naba sila?" Mahinang tanong ko sa kanya.
"Yes." Tipid niyang sagot sakin. Bumaling ang tingin ko sa isang bentana at agad nanlaki ang dalawang mata ko at agad na kumalas sa pagkaka kapit ko sa kanya.
"A-anong oras na ngayon?" Natatakot at kabado kung tanong sa kanya at tiningnan siya sa kanyang mga mata.
"It's already 8:30 PM." Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa naging sagot niya, alam kong namutla na ako.
"Hey, are you okay? you look pale, are you hurt?" Nag aalala niyang tanong sakin pero hindi kuna iyun pinag tuunan ng pansin dahil natatakot ako sa madadatnan ko pag dating sa bahay. Alam kong minsan late na umuwi si Zaire sa bahay pero hindi ko parin ma iwasang matakot dahil kung sakaling na una siyang umuwi kaysa sakin ay paniguradong mag kakaruon na naman ng pani bagong pasa ang katawan ko.
"Kailangan ko ng umuwi." Mabilis kong sambit sa kanya at agad na nanakbo papunta sa hagdan at dali daling tumakbo sa pintuan bago ito buksan, bumungad sakin ang kadiliman, aaminin kong takot ako sa dilim pero mas takot akong latiguhin ulit ni Zaire pag nagagalit ito. Hindi na ako naka pag isip ng matagal at agad na tinahak ang daan kung saan ako nanggaling kanina bago ako mapad pad sa lugar na ito.
"KITTEN! DAMN IT!" Narinig ko ang sigaw na iyun na nanggaling sa bahay na nilabasan ko pero hindi kuna initindi iyun at agad na tumakbo ng mabalis, alam kung hindi malayo ang bahay ni Zaire dito kaya alam kong makaka dating ako agad doon.
Lumipas ata ang minuto at hingal na hingal akong tumigil sa front door ng bahay, kinakabahan akong pinihit ang doorknob at binuksan ito ng dahan dahan, bago pumasok, madilim ang buong sulok ng bahay kaya naka hinga ako ng maluwag, mukang hindi pa dumadating si Zaire.
Hindi na ako nag abala pang buksan ang mga ilaw, at naglakad papunta sa kwarto ko pero sa kalagitnaan pa lang ako ng paglalakad ay bilang umilaw ang paligid.
"Where have you been?" Rinig kong malamig at galit na boses na nanggagaling sa likod, tila nanigas ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang kanyang boses.
Dahan dahan akong humarap sa kanya at sumalubong sakin ang nanlilisik niyang mga tingin, hindi ko alam kung bakit napa luha na lang ako bigla, I think I'm so afraid he might kill me this time, I can see the anger coming out in his eyes. Takot na takot ako sa mga oras na ito at hindi maka galaw.
Bigla itong naglakad papunta sa gawi ko at rinig ko ang bawat yabag niya palapit sakin. Napa igik na lang ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko ng mahigpit, may pasa pa akong hindi nag hihilom duon alam kong madadagdagan na naman ang pag ka violet non dahil sa paghawak niya duon ng mahigpit. Tiniis ko ang sakit habang sinalubong ang nanlilisik niyang mga mata.
"You b***h! siguro nakipag talik ka na naman sa kung sino sino lang kaya ka umuwi ng late, at hinihingal, malandi ka talaga!" Galit niyang saad at bigla niya akong kinaladkad. Nanumbalik ang takot ko ng makita ko kung saan niya ako dadalhin.
"Z-zaire... please d-don't..." Nagmamakaawa kong saad sa kanya, ayaw kuna ulit maranasan ang sakit na dinanas ko sa mga kamay niya nuon, halos hindi ako maka tayo dahil sa pagpapahirap niya sakin nuon.
"Taste my anger again, Daniella." Madiin niyang sambit, halos hindi na ako maka hinga sa kaka iyak dahil sa takot ko ngayon.
Nang maka rating kami sa loob ng kwarto kung saan niya ako laging pinapahirapan ay agad niya akong binalibag sa sahig na nag igik sakin dahil tumama ang tagiliran ko sa isang matulis na bagay, at mukang nag karuon iyun ng sugat pero tiniis ko at agad na lumuhod s a kanyang harapan.
"Zaire please.... I'm s-sorry hindi na ako uuwi ng late, don't do this again to me please." Nag mamakaawa at lumuluha kong sambit sa kanya habang pinag dikit ang dalawang palad ko.
"Hindi mo ako makukuha sa pag mamakaawa mo sakin Daniella! Kahit lumuha kapa ng dugo sa harapan ko hinding hindi ako maaawa sa nakaka suka mong pagmumukha!" Pag ka sabi niya non ay lumapit siya sa pader kung saan naka bitay ang latigo na ginagamit niya sakin pag galit na galit siya.
Nawalan ako ng pag asa ng mahawakan niya ang latigo, hindi ko alam kung pero parang namanhid ang likod ko habang naka luhod ng bigla niyang iniwais wis ang latigo papunta sa likod ko, para akong nasa imperno habang pa ulit ulit niyang ginawa iyun.
Bumagsak na ang katawan ko padapa at nakita kong binubuhos niya ang buong galit niya sa paglalatigo sakin, sumuka akong ng dugo pero patuloy parin siya, hindi ko nadin maramdaman ang boses ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, napangiti na lang ako dahil mukang ito na ang kataposan ko, hindi ko alam kong bakit pero biglang pumasok sa isip ko ang imahe ng lalaking naka tagpo ko kanina, parang na ibsan ang sakit na iniinda ko galing kay Zaire dahil sa imahe ng lalaking iyun.