Kabanata 13
Nang magising ako'y wala si Kaye sa aking tabi. Agad akong bumaba sa sasakyan.
"Kaye?" tawag ko rito.
Agad nakita ng aking mga mata si Kaye sa dalampasigan. Nang lumingon ito sa gawi ko'y agad siyang tumakbo palapit sa akin.
"Napasarap ang tulog mo kaya 'di na kita ginising," anito.
"Nasaan ba tayo?" tanong ko sa kanya at inikot ang aking mga mata sa paligid.
"Narito tayo sa pinakadulo ng isla Herodes. Ang bayan ko. Santa Elena," sagot ko.
"Kung gano'n ay–" Umiling ito at ginulo ang aking buhok.
"Bawal na bawal kaming sumuway sa batas ng mga Zoldic. May kasunduan kami at hatian tungkol sa lawak ng nasasakupan namin. Huwag kang mag-alala, walang gagalaw sa iyo rito." Inayos ko ang aking buhok.
"'Di ba't may ilan sa inyo ang sumusuway pa rin sa batas?"
Bumuntong-hininga naman ito.
"Sila iyong mga suwail na angkan namin. Hindi naman talaga maiiwasan ang ganoon." Napatango ako. May punto siya. Kahit sa mga Zoldic ay ganoon din naman.
"Halika na," yaya nito.
Kumapit lamang ako sa braso nito.
Nang makapasok ako sa bahay bakasyunan
ng mga Seltzer ay agad akong namangha. Isa rin silang maharlika gaya ng mga Zoldic. Mayaman din sa muwebles ang mga ito. May dalawang palapag ang bahay at halos bawat sulok ay may nakalagay na dekorasyon.
"Doon ang kuwarto mo sa dulo. Ang kaharap naman ng silid mo'y ang aking silid," ani Kaye.
Bumitiw ako sa kanya at agad kong pinasok ang silid na kanyang tinutukoy. Kagyat akong napatalon sa kama at ninamnam ng mga paa ko ang lambot nito.
"Dito ka muna. Ipahahanda ko lang ang hapunan natin," nakangiting wika ni Kaye sa akin. Tumango lang ako at diretsong napahiga sa kama.
"Anong ginagawa mo Kaye!?"
Natigilan ako at agad na napababa sa kama dahil sa aking narinig na malakas na boses. Lumapit ako sa pinto at pinihit ang busol. Bahagya kong itinulak ang pinto.
"Bitiwan mo ako kuya!" anang Kaye. "Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo!?
Nagdadala ka ng matinding panganib dito!"
"Puwede ba kuya, kaibigan ko ang pinag- uusapan natin dito! Matalik kong kaibigan si Angelika!"
"Huwag mong ilihis ang totoo Kaye! Alam mong may kasunduan tayo sa mga Zoldic! Wala tayong karapatang makialam! Paano kung matunton kayo rito? Ano na lamang ang sasabihin ni ama at ang pinuno ng mga Zoldic? Nag-iisip ka ba talaga!? Ha!?"
Biglang bumagsak ang mga luha ko sa mata at mahinang isinarado ang pinto. Malaking sugal ang itinaya ni Kaye para sa akin. Tama ang kapatid niya. Ako ang magiging dahilan nang pagkasira ng pamilya nila. Habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko'y kinuha ko ang aking maleta at lumabas ng silid. Agad kong tinungo ang labasan.
"Gel!? Saan ka pupunta!?" pigil ni Kaye sa
akin.
"Huwag mo akong pigilan Kaye!" Pinaharap naman niya ako sa kanya.
"Ano bang–" Natigilan ito.
"Gel, pakiusap. Hindi ko naman intensyon na marinig mo ang mga 'yon." Umiling ako.
"Tama ang kapatid mo Kaye. Hindi ako puwedeng manatili sa poder mo. Sisirain ko lang ang pamilya mo."
"Hindi totoo 'yan Gel." Umiling akong muli.
"Lumayo ako para makaiwas sa gulo Kaye.
Hindi para mandamay ng iba."
"Sasamahan kita! Hindi kita iiwan!" Niyakap niya ako at agad ko rin naman itong tinugon.
Buo na ang pasya ko na lumayo kasama si
Kaye. Hindi ko rin naman kasi siya kayang pigilan na sundan ako.
Muli kaming naglakbay ni Kaye hanggang sa makahanap kami ng matitirhan. Ang Santa Josefa ang huling bayan na hinintuan naming dalawa ni Kaye. Medyo may kaliitan ang bahay na nakuha namin malapit sa may bukal ngunit kuntento na kaming dalawa.
"Kaye! Kakain na tayo!" tawag ko rito. Nang biglang sumakit ang aking puson. Napaluhod ako at mahigpit na napakapit sa dulo ng mesa ang kanan kong kamay. Nakumyos ng aking kaliwang kamay ang aking puson.
"Ugh!" ungol ko. Huminga ako ng malalim. "Ah!" malakas na hiyaw ko sa kawalan at
tuluyan na akong bumagsak sa sahig. Puno na ng pawis ang aking mukha. Namilipit ako sa matinding sakit.
Pakiramdam ko'y para akong tinutusok ng karayom. "Ah!" muling daing ko.
"Gel!? Anong nangyayari sa iyo!? Gel!?" Nagdilim agad ang aking paningin.
Nang magising ako'y si Kaye agad ang
aking nasilayan. Paroon at parito ang paglakad nito. Halata sa mukha nito ang pagtataka.
"Kaye," tawag ko sa kanya. Agad itong lumapit
sa akin.
"May masakit ba sa iyo?" Umiling ako.
"Sigurado ka ba? Halos kanina lang ay parang mamamatay ka na sa sakit." Tipid akong ngumiti.
"Wala na." Hinaplos nito ang aking buhok. "Nagtataka talaga ako Gel kung bakit ka biglang
nagkaroon ng sakit. Hindi ba't 'di ka naman tinatablan ng kahit anong sakit?" Huminga ako ng malalim.
"Hindi ko rin naman alam Kaye. Pati ako rin ay nagtataka kung bakit ako nagkaganito." Napaisip naman ito.
"'Di kaya'y epekto na iyan nang paggamit sa iyo ni Zsakae?" Kumikit-balikat lamang ako.
"Hindi naman siguro."
"Oh siya, halika na para makakain na tayo." "Hindi ka pa pala kumakain?" Umiling ito at
nginitian ako.
"Gusto ko kasabay ka." Ngumiti lang din naman ako at kumapit sa kanya. Inalalayan niya ako hanggang sa umabot kami sa kusina.
Habang nasa kalagitnaan kami nang pagkain ni
Kaye ay bigla siyang huminto at agad na nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. Ang dati kulay itim, ngayon ay kulay abo. Parang mata ng isang makamandag na ahas.
"Dalawa sa kanan. Tatlo sa harap. Isa sa kaliwa.
Apat sa likuran," sambit nito. Mabilis niyang nahugot ang dalawang banal na espada sa kanyang likuran.
"Kaye! Itago mo 'yan!" utos ko sa kanya. "Hindi puwede! Kalahating kilometro na lang
ang layo nilasa atin! Alam mong hindi ko pa kayang magpalit ng anyo!"
"Pero delikadong armas ang gamit mo Kaye!
Paano kung matamaan mo niyan si Zsakae!?"
"Siya pa rin ba ang iniisip mo Gel!? Hindi mo ba nakikita? Nanganganib tayo dahil sa kanya! Anong silbi kung sariling lakas ko lang ang aking gagamitin para ipagtanggol ka? Wala tayong laban sa kanila!" Umiling- iling ako.
"Hindi mo alam kung gaano kapanganib ang mga banal na sandata na iyan Kaye! Iyan ang muntikang makapatay kay ate Yana. Iyang din ang dahilan kung bakit panandaliang namatay ang nobyo ni ate Jeorgie, si Zairan! Kaye pakiusap!" naluluha ko nang wika.