Arthur brought her to his house. Dinala siya sa kwarto nito. Pinaupo sa kama at may kung anong kinuha sa drawer at iniabot sa kanya.
It's a photo Album. Binuksan niya iyon at sumalubong sa kanya ang mga larawan simula noong 7th birthday niya.
"I took those pictures whenever I am in a vacation here. That album was supposed to be my birthday gift for you on your debut ... pero pinagbawalan ako ni tita Mira na magpakita sayo." Napatingin siya dito.
"Si mommy?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Then he started to tell her the whole story.
------
Inaayos ni Arthur ang mga papeles para sa pagreretired niya. For him, 5 years in the military is enough. Hindi na niya kaya ang katiwalian sa Gobyerno. Hindi na niya kayang makita ang mga kasamahan niyang isa-isang namamatay dahil na rin sa mismong Gobyerno. Hindi ang mga terorista, hindi ang mga kaaway kundi ang mismong Gobyerno ang papatay sa kanila.
"Are you sure with your decisions?" Tanong ng matalik na kaibigan ng Daddy niya.
Kasalukuyan silang nagkakape sa opisina nito. kagagaling niya lang sa GHQ
"Yes, tito. I've had enough. And besides, connected parin naman doon ang magiging trabaho ko."
"That's good. Alam kong maiintindihan ka naman ng daddy mo. So, may balak kana bang mag-asawa?"
Napangiti naman siya sa tanong nito.
"Mukhang iba ang ngiti mong yan, ah? May girlfriend kana ba?"
"Wala pa po. Manliligaw muna." Sagot niya.
"Aba! Kailangan pa ba yon? Sa gandang lalaki mong yan?"
"So, kung si Almira, tito, kahit hindi ko na ligawan?" Nanantiyang tanong niya dito.
Nanlaki ang mga mata nito. Kinabahan naman siya.
"Aba! Kung ikaw lang din, eh payag ako. Alam mo bang habang lumalaki ang batang iyon ay ikaw ang laging bukambibig niya? Si Kuya Art, Si Kuya Art, Si Kuya Art. Aba! Nang magteen-ager na ay Art na lang! Ano bang pinakain mo sa anak ko, ha?"
Napangiti naman siya. Al Jacinto's one of the coolest person he have ever met.
"We made a promise." Nakangiting sagot niya, remembering those times.
"Uhuh. Nakwento nga niya sakin." Napailing naman siya. Madaldal talaga. "So are you going to fulfilled it?"
"Yes, tito. That's one of the reason why I decided to retire this early." Sagot niya. Napansing niyang napaisip ito. Nagkaroon tuloy ng agam-agam sa puso niya.
"Arthur, anak ..." simula nito. Kumabog ang dibdib niya. "You know, I like you for my daughter, pero mukhang si Tita Mira mo ang kailangan mong kausapin." Seryosong sabi nito.
"I'm planning to talk to her also, tito. But please, don't tell Almira yet na nandito na ako."
"Yes, yes. Makakaasa ka. Anyway, here's your invitation. Kung kaagad mo lang pinaalam kay Almira na dadating ka, edi sana ikaw ang escort niya." Pangaasar nito sa kanya matapos iabot ang invitation for Almira's Eighteenth Birthday.
-----
"Nagplano ako kung paano ako magpapakita sayo, kung paano ko sasabihin na bumalik na ako para tuparin ang pangako ko...." napahinto ito. siya naman ay seryoso sa pakikinig. "But ... two days before your birthday, your mom, tita Mira talked to me.."
-------
"Arthur, I know how good of a man you are. At wala akong masabi sayo. Katunayan ay hinahangaan kita dahil nandito ka para tuparin ang pangako mo sa anak ko. Arthur anak, wag kang magdaramdam sakin, but please, pwede bang wag ka munang magpapakita sa anak ko?"
Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi siya nakapagsalita. Parang kinurot ang puso niya.
"Yes, Arthur. Alam ko na nangako kayo sa isa't-isa na magpapakasal kayo pagdating ni Almira sa tamang edad. And I am so afraid na baka kapag nakita ka niya ay bumalik sa isipan niya yon. I'm not saying na nakalimutan na niya. I know that you were already matured when you swore to marry my daughter. May isip kana nung mga panahong iyon, but my daughter was just seven years old that time. Wala pa siyang alam sa mga ganon. She grew up idolizing you. Bukambibig ka niya. She was like, Kuya Art said, Kuya Art asked, Kuya Art, Kuya Art. Kahit nung magdalaga na siya ay wala kaming nabalitaan or nalamang nagka-crush siya sa iba. Art I'm not against you, but please, let my daughter grow. Kung maaari ay huwag ka munang magpapakita sa kanya."
"But tita, I love your daughter and I can't do that."
"Arthur please understand me. I want my daughter to grow. Huwag mo siyang ikulong sa pangako niyo sa isa't-isa. Promise me, Arthur. Huwag muna ngayon. Hindi pa ito ang tamang panahon."
"Magagalit siya sakin, tita.." nasasaktan sagot niya.
"Pero mas magagalit ako kapag sinira mo ang kinabukasan ng anak ko."
"What?! Tita, hindi ko po sisirain ang kinabukasan ni Almira. Mahal ko po ang anak niyo--"
"My daughter is not matured enough para sa isang relasyon! Kapag nakita ka niya siguradong mabubuhay ulit ang feelings niya sayo. Nasisiguro kong mapapabayaan niya ang pag-aaral niya. My daughter can't focus on two things at the same time. Alam ko yun dahil ako ang nanay niya!"
"You're underestimating your daughter, Tita Mira." Magalang pero may diin na sagot niya dito.
"I'm not. Alam ko lang kung hanggang saan ang kakayahan niya. I'm begging you, Arthur. Let my daughter grow first. Kapag nakita ko ng kaya na niya. Ako mismo, ako mismo ang maglalapit sa inyong dalawa."
Natahimik siya. Iniisip kung ano ang magiging desisyon niya. Of course, he wants Almira to grow. But ....
"Paano kung... paano kung makalimutan niya ako?" Nahihirapang tanong niya.
"Then she doesn't love you." Parang may sumabog na kung ano sa ulo niya. "Because if you love someone, you will never forget him."
"Oh, God ..." tanging naiusal niya.
"I'm begging you, Arthur. Not now."
"What if, hindi ako pumayag, what if magpakita parin ako sa kanya?"
"Then you should start forgetting your promises to each other. Dahil hinding-hindi ako papayag na maging nobya o asawa mo ang anak ko. Ilalayo ko siya sa'yo. And trust me, I could do that." Tumayo na ito at iniwan siya.
-----
Hindi na niya napigilan ang pagiyak. Sinisisi niya si Arthur. But all this time, it's her mom pala.
"I was afraid. I was afraid na baka ilayo ka nga niya sakin. Natakot din ako na baka tama siya, na baka kapag nagpakita ako sayo ay masira ko ang buhay ko. I was so damn in love with you that I am willing to sacrifice para lang masiguro ko na magkakaroon ka ng magandang buhay. Noong una, yes may doubt, pero kapag nakikita ko yung mga achievements mo, naiisip ko na, yes, tama si Tita Mira, tama ang desisyon ko."
Nakaupo lang siya sa kama nito habang tahimik na umiiyak.
"Almira, honey ..." lumuhod ito sa harapan niya. "I'm sorry kung nasaktan kita. But know that I was hurt, too. Kung alam mo lang kung gaano kasakit yung nasa palagid ka lang pero hindi ka malapitan. Ang sakit kapag nakikita kong nagiistruggle ka sa pag-aaral tapos wala akong magawa. Almira, I'm sorry, honey. I'm sorry."
She was hurting pero alam niyang nasaktan din ito. Pareho lang silang biktima.
Hindi niya alam ang sasabihin dito kaya niyakap na lang niya ito. At sa balikat nito ibinuhos ang mga luha niya.
Tumigil na sa pag-iyak si Almira peeo ganoon parin ang posisyon nila. Nangangawit na siya pero wala siyang pakielam. It's not everyday na nasa bisig niya ito.
Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. He doesn't know kung galit pa ito sa kanya after he confessed everything.
"Almira, honey?" Tawag niya dito pero hindi ito gumalaw.
Dahan-dahan niyang inilayo ang uko nito sa balikat niya. Nakapikit na ito.
Maayos na inihiga niya ito sa kama. Saka pa lang ito nagmulat ng mata.
"Diba pinapauwi ka ni Tita Mira sa bahay niyo?" tanong niya dito.
"I don't want to see her." Sagot nito.
"Almira, wag kang magalit sa mommy mo, para sayo lang din naman ang ginawa niya."
"I understand her, Art. Pero nasaktan ako. Pwede naman niyang sabihin sakin, eh. Maiintindihan ko naman." sagot nito.
"Honey..."
"Can I stay here?" putol nito sa sasabihin niya.
"Of course."
"Thank you, Art. Come here, I want to hug you."