EPISODE 13

3274 Words

“Dad.” Pagsalubong ni Veronica sa ama niyang si Arnold pagkapasok nito ng mansion. Halata sa haligi ng tahanan ang nararamdamang pagkapagod nito sa biyahe pauwi sa Pilipinas. Tapos na ang two-week business trip na dahilan ng pangingibang-bansa nito. Hinalikan ni Veronica sa pisngi ang ama. “Kumusta ang business trip, Dad?” tanong niya sa kanyang ama. “Mabuti naman,” sagot ni Arnold sa tanong ng anak. Pamaya-maya ay tiningnan niya si Veronica. “Oo nga pala, sumunod ka sa office ko at may mahalaga tayong pag-uusapan,” seryosong wika nito saka iniwas ang tingin sa anak at muli nang naglakad papunta sa home office nito na nasa ikalawang palapag ng mansion. Nagsalubong naman ang magkabilang kilay ni Veronica dahil sa pagtataka habang nakasunod ang tingin sa ama niya. ‘Anong meron?’ sa isip-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD