PASADO alas-singko kinabukasan ay nagising si Lana gawa ng ingay na nagmumula sa kanyang veranda. Tunog ng kubyertos at mga plato. At ilang sandal lang, ang mabangong aroma naman ng brewed coffee ang tuluyang nagpabalikwas ng bangon sa kaniya. "W-What the?" ang naisatinig ni Lana na natigilan nang malabasan sa veranda ang nakahandang masarap na almusal para sa dalawang tao. "Good morning" si Andrew na nakaupo na at halatang hinihintay siya. "kumain na tayo" anitong tumayo at umakmang lalapitan siya. "A-Anong ginagawa mo?" ang naitanong niya saka kusang napasunod sa gustong mangyari ng lalaki. Umangat ang makakapal na kilay ng binata. "Bakit, ayaw mo ba nang ganito?" Natigilan si Lana saka tahimik na pinanood lang ang ginagawa ng binata. Mula sa pagsasalin nito ng kape sa tasa niy