Kubwanan kuna nga ngayun,umaasa ako na tatawagan ako ni gray,tumuwag lang kasi siya isang beses,tatawag daw ulit bago manganak baka magpadala siya pero ni piso wala.
Nanganak nga ako sa bahay lang wala naman kaming pera panghospital wala ngang pinadala si gray kaya eto pinilit kong sa bahay lang talaga,
Nakaraos naman ako babae anak ko at pinangalanan namin sa baby namin GRACE ANN,G for gray,ann sa akin naman,
ang meaning ng GRACE ay KINDNESS ..
Tumawag naman siya pero tanungin lang ako kung okay ba panganganak ko,nalaman niyang babae,yun na yung huling tawag niya hindi na naulit,parang inalam lang niya gender ng anak niya,
Sabi kuna may ibang planu siya kutob kuna noong paalis ako na wala na siyang balak kuntakin ako,o pabayaan nalang dahil lahat ng pwedi kuntakin ay nilista ko kasama na mama niya,
Pagsakay ko sa barko para makapagtext sa kanya ,wala na yung no. ng mama niya ginupit niya,dun palang alam kuna na may ibang planu siya,tilawas sa sinasbi niya,
Ang bobo ko nagpauto ako noon,pero wala na akong magagawa eto na nga nagyari na,hindi naman ako nagsisi dumating sa buhay ko ang anak ko,
Pero may lungkot kasi sa kanya napunta lahat ng kasalan namin,alam kung hindi ako magtatagal ay magtatrabaho na naman ako para sa kanya,
Nakikita ko ang mukha ni gray sa anak ko, ako ang nagpakahirap pero nakuha niya lahat na mukha ng anak ko.
Pagnakikita ko ang anak ko nakikita ko si gray,yung mata niya yung hugis ng mukha niya nasa kanya lahat kaya paanu ko makalimutan si gray?
Tahimik at hindi iyaking bata si grace,tulog at kain lang siya umiiyak paggutom,.bagay talaga sa kanya ang pangalan niya sana lumaki kang mabait anak hindi tulad ng magulang mong makasalanan.
3mos na si grace ng dumating ang kaibigan ko galing manila,nakiusap si nanay na dalhin ako para makahanap ng trabaho panggastos ni grace,
Pumayag naman ang kaibigan ko,kaya ngayun sinanay kuna sa bote si grace para pagalis ko sanay na siya.
Hindi na talaga tumawag si gray?kahit padala man lang panggatas?si jen kaibigan ko na isasama ako sa manila.galing siyang japan kaya may pera siya.
Hindi na talaga beh,kahit hi wala sinubukan kung tawagan yung celpon no. na gamit niya pero wala na talaga,kaya hinayaan ku nalang tanggap kuna rin na kami nalang ngam anak ko.
Alam ko gusto nila akong sumbatan dahil hindi ako nakikinig sa kanila noon,sila Yung matagal na sa ganun trabaho kaya alam na nila mga ganyang lalaki pero eto wala silang sinabi kahit na anu!
My life was ruined, because of a wrong decision,if you love someone you become selfish,kaya sa huli ikaw din ang kawawa.damay na pati pamilya mo,lalong lalo na anak mo.
Paalis na kami ngayung Gabe,hindi ako umiyak dahil ayaw ni jen ng drama naintindihan ko mashado ng madrama ang buhay ko,kaya bago pa ako makaiyak inunahan na niya ako.
Dala kong pera 150 pesos nahulog pa sa dagat dahil umihi ako bago umalis kaya tuloy ang tatay kuna
naghanap, yun nalang pera ko eh kaya pinahanap ko talaga.
Bago umalis may sinabi yung nanay ng freind ko,anna magpills ka ha?po?
syempre alam niya lahat ng nangyari sa akin,pero sa anak niya wala siyang alam..hindi niya alam na mas matindi kasalan ng anak niya,matabil mashado ang dila ng babaeng to,kung maghahanap lang daw ako ng lalaki dito nalang daw sa probinsya namin,marami naman daw t*t* dito ,
Oh diba prangka siya kala mo malinis anak niya hahahaha gusto kung sagutin pero pinigilan ko ayaw kung magkasira kami ng anak niyang matabil din ang dila .
Nagawa niyang ikwento ang buhay ko sa nanay niya pero yung buhay niya sa manila hindi,
Nagpal*gl*g lang naman siya ng anak at kambal pa,dahil sa kagustuhan niyang makaalis,wala siyang pakilam kahit buhay ng anak niya mawala,ilang gamot ba iininum niya pero hindi nal*gl*g yung bata kumapit talaga sila gustong mabuhay pero sa huli siya pa din ang nagwagi,
alam ko lahat ngyari kahit wala na ako sa accommodation that time,gawain na ng mga babae noon na ipal*gl*g anak nila lalo na paalis at ayaw nilang mapurnada,
At ngayun nga umuwi din dito dahil buntis na naman at ang ama kamo ng pinagbubuntis niya ang kaibigan ko na bf niya haha,okay pero bakit ka nghanap ng lalaking naging costumer mo na seaman pinahanap mo yun bago pinaako sa kaibigan ko,pinagtaguan na kasi ng lalaking nakabubtis sa kanya
Paglabas nga ng anak niya,ay tama nga kami hindi nga kamukha ng kaibigan ko kasi maputi yung bata parang singkamas sa kaputian medjo singkit ang mata ng bata,tama nga kami ng hinala yung seaman ang ama ganyan ang mukha ng seamanloloko na yun may asawa din yun malamang pinagtaguan talaga siya.
Panu nalang pag nalaman nila pinaggagawa ng anak niya baka atakihin pa sa puso Yung pagkatabil ng dila bahala siya sa buhay niya .
Dito na nga kami sa manila at nakituloy muna kami sa kaibigan ni jen pero naghahanap na kami ng bed spacers
.
Sa awa ng diyos nakahanap naman kami,dalawa lang kami sa room namay maliit na hugasan,sa kabilang kwarto sa lalaki naman ,si jen muna ngbayad ng lahat.wala naman akong pera..
Pagtapos lumipat nag hanap kami ng trabaho anu pa ba ang trabaho mahanap namin?balik kami sa club kung saan ako nagkamali bumalik din pala ako .
Maliit lang tong club mas malaki yung unang club na pinagtrabahuan namin,masaya naman dito may income agad si jen maganda at maputi si jen galing japan eh.
kulilat ako kakapanganak kulang medjo malaki pa bilbil ko.kaya wala pang costumer, okay lang haha may allowance naman..libre foods pa.
Nakasanayan kuna rin magtrabaho ng gabe at may costumer na rin ako kaya nakapagpadala narin ako kahit panggatas lang muna ni grace, ang kulit na niya tumaba na siguro hiyang sa gatas niya.
Sinubukan kung hanapin si gray sa lugar kung saan siya nakatira,pati mga katrabaho niya noon tinanung ko rin pati si jen nagtatanung, naawa narin sa akin
alam niya hirap ako sakto lang padala sa probinsya ang kita ko sa club kaya sana man lang kahit sa bata nalang makatulong siya pero bigo kami wala kaming nalaman kung anu o nasaan na siya,tuluyan na niyang kinalumatan ang anak niya si grace.