Napagdesisyunan na min na sa probinsya nalang namin ,ako manganganak,dahil hangang ngayun wala pa rin trabho si gray.wala ng kapaguranang mundo sa pagpapahirap sa amin,hindi na tinantanan ng problema,kung alam ko lang ganito lang pala mangyayari sa amin hindi kuna,pinilit pa ang pagsasama namin,
Ngayun pati anak ko damay na ,hindi paman nailabas puro hirap na naranasan niya sa loob ng tiyan ko,tama nga sabi nila nasa huli ang pagsisi katulad nalang nagyari sa akin,
Umalis ako puno ng pangarap,pero uuwi pala ako dala parin ang pangarap na yun niisa walang natupad,
Benta na natin mga gamit natin,hindi mo naman madala yan,para may panggastos ka sa byahe mo,
Sabihan ko muna si deth,may tv kasi kami,foam mga unan,upuan mesa,mga plato tama naman hindi ko madala yan,
may isang linggo nalang kami bago bayaran ng bahay para hindi halata na aalis kami,nilalabas namin ang gamit tuwing gabe kung may bibili,
alam nila mama uuwi ako,sila yung nasaktan una sa mga maling desisyon ko,pinabayaan kuna sila dahil sa bwesit na pagmamahal nato,ngayun may dala pa akong bata sa tiyan ko,problema lang pala dala ko sa pamilya ko imbis maiahon sila mas lalong malugmok,
Ikakahiya nila tong dala ko lalo nat hindi naman kasama si gray,sabihin ng mga tao pumunta pa ng manila para magpaanak bakit doon pa,dito nalang satin ,
Lord kayo na po ang bahala sa lahat gabayan nyu po ako,ngayun araw ang uwi ko sakay ang barko,madaling araw palang umalis na kami,iniwan namin gamit namin kunti nalang din naman yin,
Wala kaming imik habang sakay ang taxi,nilista ko lahat ng pwedi kuntakin pareho kasi na wala na kaming celpon,nakakalungkot lang pati at langit nalulungkot din,umiiyak din kasi,masama daw panahon kaya dilikado bumyahe.
Pero desidido na ako saan naman ako pupunta kung hindi matuloy ang paguwi ko!
Nasa gate na kami,humarap ako sa kanya dahil hinalikan niya ako ,feel ko ito na talaga ang huli,rama ang sa puso ko na hindi na kami magkikitang muli dama ko ang lungkot tuwing naisip kong hanggang dito nalang kami,
tumalikod na ako papalayo sa kanya naulan parin,pati luha ko hindi na naitigil tumutulo nalang bigla!pero Kailangan kong magpakatatag para sa anak ko dala ko ngayun,
Ang puso ko parang hinihiwa ang sakit sakit,dama ko yung wala.na talagang pag asa para samin,
ah miss ilang buwan na tiyan mo?sabi ng taong tumingin sa tiyan ko,
ah 6mos po,
ah malaki na at delikado yan,pwedi bang pacheck up ka muna kay doc,nandun sa loob pagbigyan ka ng approved na pwedi kang bumyahe papayagan ka namin pwro kung hindi pasensya na..
Sige po,iniwan ko muna maleta ko sa labas,nakita ko si gray nakatingin parin hindi umaalis hanggat hindi ako nakapasok,
sasakay ka talaga?sabi ng doctor,
kung ganun papermahan kita ng waiver na kahit anu man mangyari sayo hindi namin kasalan,at bibigyan din kita ng pampakapit okay?
okay po doc,
chance kona na hindi sumakay pero tinuloy ko,ayaw kuna talaga sobra na ang pagod ko makipaglaban sa buhay wala naman kasiguraduhan,puro hirap nalang wala din rin naman kaming malapitan,
okay na miss check kita every 4hrs kung nainum mo yang pampakapit ha?
opo salamat po doc
wlang anu man...
sakay ng barko puno ng problema,nung umalis ako ng barko din ako problema din dala ko,
iniisip ko kaylan ako sasakay ng barko na masaya naman sana ako,
tinupad ni doc sinabi niya nandito siya para icheck ako,
Sakay ng barko pero malayo ang isip ko gusto kong tumalon ngayun para matapos na problema ko kaya lang madadamay anak ko,buti sana kung ako lang wala naman saysay ang buhay ko eh.nakakapagod narin mabuhay !
gustuhin ko mang sumigaw pero nahihiya parin ako sa mga taong nandito
nakarating ako ng ligtas sa amin,sinundo ako ng tatay ko,sabay baling sa likod ko,na para bang may hinahanap siya!
Ikaw lang?sakay ang padjak niya,
oo tay,
saan asawa.mo?buntis ka hinayaan ka bumyahe?
oh halika kana maya na tayo magusap,
habang sakay padjak niya nakatingin sa akin ang mga kapitbahay namin sa laki ng tiyan ko napapatingin talaga sila,wala pa akong kasama na baka hinahanap din nila gaya ni itay.
Oh ikaw lang?sabi ni nanay
saan na tatay ng pinagbubuntis mo?
Ma susunod nalang ho pagmay trabaho na siya,sabi ko
kung Walang trabaho ay hindi makapunta?
abay anna ang hirap ng buhay natin.dito papadyak nga lang kami umasa dahil kinalimutan muna kami,ngayun uuwi ka ng ganyan itsura mo,
panu na yan paglumabas yan?nay magtatrabaho po ako!at saan ha?
sa club ulit para mabuntis ka ulit ng kung sinong puncho pilato yan hindi man lang nagpakita o di kaya tumawag man lang walang respito sa amin magulang mo,
nay sa susunod poa pupunta yun,
Lie it BIG LIE walang sinabi si gray walang pinangako basta magpapadala lang paanu? hmm?
kaylan ka magnganganak ha?ang liit sa 6mos na tiyan yan!ngpacheck up kana ba!?
si inay kahit galit concern pa din
noong 3mos po eto,ok naman po siya at tsaka na check din po eto ng doctor sa barko po,.
Oh siya kumain ka ng magkalaman ka naman
lord ang laki ng kasalan ko sa pamilya ko pinababayaan kuna nga sila Pero sila parin ang taong katuwang ko sa hirap,
sana manganak ako ng normal