ALEA
Napaka-weird... Kagabi parang may naramdaman akong pumasok sa room namin at may nagsalita sa tenga ko.
Pero, nang imulat ko ang aking mga mata wala namang tao sa room namin. Tanging kami lang ni Mama ang nandoon.
Kaya agad akong nagtalukbong ng kumot, baka multo kasi iyong bumulong sa tenga ko. Nakakatakot.
Umaga na ulit ng magising ako dahil sa ingay nina Terry at kuya Tony.
Umupo ako sa kama at nag-unat-unat.
"Anong oras na, kuya?" Ani ko sa kapatid namin habang tinatanggal ang aking morning glory.
"Alas-nuwebe na ng umaga, Alea. Umuwi si Mama para magluto ng pagkain, mamaya lang din makakalabas ka na sabi ng doctor mo."
Si doctor Carter.
"Lalabas lang din ako, maninigarilyo lang ako, Alea. Nand'yan na iyong pagkain mo, kumain na kayo ni Terry." Tumango kami sa kanya at saka siya lumabas.
Maninigarilyo? O baka naman kakausapin ang girlfriend niya?
Nang kami na lang natira ni Terry sa room ko, kumain na kami at kwinento ko sa kanya iyong bumulong sa akin.
"Seryoso ba iyan, ate? Baka naman nananakot ka lang ha? N-nasa hospital pa naman tayo..." Sabay lunok nito.
"T-totoo iyon, Terry... May bumulong talaga sa tenga ko... Nang idilat ko naman iyong mga mata ko, walang tao rito. Kami lang ni Mama." Mahinang sabi ko rito at tumingin sa paligid.
"Totoo yata, ate... Marami yata talagang multo sa mga hospital... P-parang ayokong ma-hospital na at b-baka makarinig din ako ng gano'n... Nakakatakot..." Sabay lingon niya sa kanyang likod.
"B-buti na lang, ate... Makakauwi ka na rin mamaya... A-ayoko na rito."
"A-ako ri--- waaaah!" Sabay kaming sumigaw ni Terry ng bumukas ang pinto at agad kaming nagyakapan at hinihintay kung sino man ang papasok.
"D-doctor Carter..." Siya lang pala.
Aatakihin kami sa puso ni Terry kahit wala kaming sakit sa puso.
"Girls, are you okay? There's something wrong?" Sabay lingon sa likod niya. "May problema ba? May nakikita ba kayo sa likod ko?" Sabay iling namin sa kanya.
Umayos kami ng upo ni Terry, "wala naman po, doc..."
"Doctor Carter mayro'n po... Si ate kasi doc may narinig daw kagabi rito sa room niya..." Sumbong ni Terry, kinurot ko nga siya.
"Anong narinig mo, Alea?" He asked.
"May bumulong po kasi sa akin, doc. Pero, wala naman pong tao rito maliban sa amin ni Mama..." Mahinang sabi ko kay doctor Carter.
Nakita ko siyang nag-smirked, "don't mind that, Alea... Sino kasama niyo rito?" Sabay tingin sa room ko.
"K-kami lang po, doc. Lumabas po kasi si kuya Tony." Tumango ito sa akin.
"Babalik na lang ako mamaya kapag nandito na Mrs. Policarpio. May ipapaliwanag ako sa kanya."
"Oh sige po, doc. Salamat po!" Sabay ngiti ko rito.
Ngumiti rin siya sa akin at tumango sa amin ni Terry.
Ala-una na ng tanghali ng dumating sina Mama and Papa. Day off kasi ni Papa ngayon.
"Ma, sabi po ni Doctor Carter kapag dumating po kayo papuntahin po kayo sa room niya. May sasabihin daw po siya sayo." Ani ko rito kay Mama.
"Nagkausap na kami, anak. Nakausap na namin si doc." Bumaling ulit siya sa bag na dala niya para iligpit ang mga damit ko.
"Ano po pinag-usapan niyo, Ma?" Pagtatanong ko rito.
Nakita kong nagsenyasan sila ni Papa bago bumaling sa akin, "ah... Sinabi lang sa amin na makakalabas ka na ngayon. Ayos ka na ba? May naghihintay sa atin na traysikel sa labas." Tumango ako rito kahit alam kong 'di iyon ang sinabi sa kanya.
Lumabas kami ng room at tuloy-tuloy kami hanggang makasakay sa traysikel. Nagbayad ba sila Mama ng bill namin?
Nang makarating kami sa bahay agad akong tumungo sa k'warto namin at humiga. Namiss ko ang k'warto namin.
"Alea, kaya mo na ba pumasok bukas? Kung hindi mo pa kaya, pupunta na lang ulit ako sa professor niyo para sabihing 'di mo pa kaya maglakad."
Umiling ako, "kaya ko na po, Ma. Hindi naman na po sumasakit iyong sugat ko, kaya ko na po maglakad. Makakapasok na po ako, Ma."
Kailangan ko na rin pumasok para hindi matanggal ang pagiging dean's lister ko. Mahirap makapasok sa dean's lister, kaya 'di ko sasayangin iyon.
"Maayos ka na ba talaga?" Tumango agad ako.
"Oh sige, nasa labas lang ako ha? Maglalaba lang ako at ang dami na ng labahin, iyong si Toni talaga puro boyfriend ang inaatupag. Sabi kong maglaba siya!" Rant ni Mama sa akin at lumabas na nga ng bahay.
Si Terry naman pumasok na sa school. Panghapon kasi siya this school year. Kaya ako lang nandito sa bahay. Sina kuya Toby and kuya Tony nasa mga girlfriend nila. Si ate Toni naman sabi nga ni Mama nasa boyfriend niya.
Isang sana all.
Kaya ako nandito na lang nasa k'warto. Hindi p'wede gumalaw-galaw para 'di ma-force iyong paa ko.
Dahil sa pagkakainip, natulog na lang muna ako.
"Malapit na birthday ng anak natin, Pedro... Malapit na siyang mawala sa atin... H-hindi ko kaya iyon!"
Naalimpungatan ako ng may marinig na parang humihikbi kaya tumayo ako sa kama.
Boses ba iyon ni Mama? B-bakit ako mawawala sa kanila? Hindi naman ako aalis sa kanila, ha?
Dinikit ko ang aking kanang tenga sa pader ng k'warto namin, kahoy lang naman ang pagitan nito kaya maririnig ko ang usapan.
"Gagawa ako ng paraan, Susan... Hindi mawawala sa atin si Alea. Hindi natin siya ibibigay sa kanya. Anak natin siya, atin siya."
Sino kukuha sa akin?
"Makapangyarihan siya, Pedro... Mayaman siya. Kung sa iba lang din mapupunta si Alea mas pipiliin ko na lang din siya kaysa sa ibang tambay rito sa atin."
Sino ba kasi kukuha sa akin? Bakit niya ako kukunin? Kaya ba takot silang mag-birthday ako? Dahil may kukuha siya sa akin?
Hindi naman ako magpapakuha sa kanya, kung sino naman ang kukuha sa akin. Hindi ako aalis sa pader nila Mama. Kila Mama lang ako.
to be continued...