ALEA
Sumapit ang dilim. Naghahanda kami ni Mama ng magiging hapunan namin.
"Ma, malapit na po eighteen birthday ko and dean's lister po ako ngayong semester sabi ni Dean..." Sabi ko kay Mama habang nilalagay ang kanin sa pinggang malaki.
"Huwag mong isipin ang birthday mo, Alea." Napalingon ako kay Mama.
Ayaw ba nila akong maghanda? 'Di naman ako maghahanda ng magarbo ha? Hindi tulad nu'ng kay ate.
"Ma? Kahit simpleng handaan lang po. Iyong tayo-tayo lang po ang kakain. Hindi rin naman po ako mag-iimbita." Ani ko kay Mama.
Tumingin sa akin si Mama, "sabing huwag mong iisipin ang birthday mo!"
Napapitlag ako ng sigawan ako ni Mama. Maging sila kuya ay tumingin sa amin. Nahulog ko tuloy ang pinggan na babasagin sa aking paa.
"Alea!"
"Ate, dumudugo ang paa mo!" Tumingin ako sa tinuro ni Terry at nakita ko nga na nakatusok ang isang basag na parte ng pinggan sa aking kaliwang paa.
Binuhat ako ni kuya Toby at dinala sa sala. Pinaupo sa kahoy naming upuan.
Dumadami na ang dugong lumalabas sa akin. Takot ako sa dugo. Ayoko sa dugo. Nag-uumpisa ng pawisan ako at namumutla na rin ako.
"Ma? Anong gagawin natin?" Sigaw ni kuya Toby kay Mama pero nakatayo lang doon si Mama sa kusina.
"Papa? Si ate!" Sigaw ni Terry ng makita si Papa. Kakauwi lang ni Papa galing sa trabaho.
"A-anong nangyari?" Ito agad ang tanong niya ng makita ako.
"Nabubog si ate, Papa!" Si Terry na ang sumagot. 'Di na rin ako makahinga. Kinakapos na ako ng paghinga.
Binuhat ako ni Papa, "Toby, tumawag kang traysikel! Dalian mo!"
Tumakbo si kuya palabas ng bahay at si Mama naman ay agad na lumabas sa k'warto may dalang betadine at bulak.
"M-mama..." Mahinang tawag ko kay Mama.
Alam ni Mama na takot ako sa dugo.
"Huwag kang titingin sa dugo, Alea. Huwag mong tignan iyong dugo mo..."
"Pa! Nandyan na si Mang Oscar!" Tinig na nagmumula sa labas.
Agad kaming lumabas at sumakay si Mama sa loob ng traysikel at binigay ako ni Papa kay Mama.
"Toby, ikaw muna bahala kay Terry. Pauwiin mo na iyong dalawa mong kapatid!" At, agad na umandar ang traysikel.
Pagkarating namin sa hospital, agad akong nilagay sa straicher at tinulak ng mga nurse.
"Anong nangyari sa kanya, Sir?"
"Nahulog iyong pinggan sa kanya..." Rinig ko sabi ni Mama sa nurse.
Pinasok ako sa emergency room, sila mama ay naiwan sa labas. Kailangan ko sila...
"Ms. Hingang malalim lang, okay?" Tumango ako sa isang nurse.
"Parating na si Dr. Carter, Ms."
Hindi ko na alam kung anong nangyayari, nanlalabo na ang paningin ko. Hapong-hapo na ako.
Hindi ko alam kung anong oras na akong nagising, nakita ko na lamang sa gilid ko si Terry.
"Ate?" Inalalayan ako ni Terry na umupo sa kama.
Anong oras na?
"A-anong oras na, Terry?"
"Alas-onse na ng tanghali, ate Alea. Nagugutom ka na ba, ate? May iniwan dito iyong kaibigan ni Mama. Iyong bumisita sa atin kahapon? Heto, ate.." Sabay binigay niya sa akin ang pagkain na nasa pinggan na.
"Sabi niya kanina, ate, ibigay ko raw sa'yo ito pagkagising mo. Kain ka na, ate. Tatawag muna ako ng nurse..." Tumango ako kay Terry.
Uminom muna ako ng tubig at kinain itong binigay niya. Bigla kasing kumulo iyong tiyan ko.
Habang kumakain ako, biglang may pumasok na dalawang nurse kasama si Terry.
Huminto ako sa pagkain, "Hello, Ms. Alea. Iche-check up lang po namin kayo kung okay na kayo talaga..." Tumango ako rito.
Tinignan nila ang aking paa kung sa'n ako nabubog. Napapitlag ako ng hawakan ng isang nurse ang aking kaliwang paa.
"Masakit po..." Wika ko rito.
"Papalitan ko lang po iyong benda, Ms..."
"Okay po..." Bumaling ako kay Terry para 'di makita iyong ginagawa ng nurse sa akin.
"Sila Mama, Terry?" Tanong ko rito.
"Umuwi na muna sila, Ate. Babalik din sila agad dito. Kumuha lang ng damit."
"Kumuha ng damit? Hindi pa ba ako p'wede umuwi? Okay naman na ako..."
Umiling sa akin si Terry, "hindi pa raw, ate. Sabi nu'ng kaibigan ni Mama."
Mukhang mahal dito sa k'wartong 'to. May tv ako rito and solo ko ang room. Magkano rito?
"Nurse? Private room po ba ito?" Tumango ang isang nurse sa akin, "Magkano po isang araw rito?"
"Twenty thousand po ang isang araw rito..."
"T-twenty po?" Ulit ko sa kanya at tumango naman silang dalawa.
Ang mahal. Hindi namin kaya ang ganitong kamahal na k'warto.
"Napalitan na namin ang benda ng paa niyo. Hindi pa kayo p'wedeng tumayo ng kayo lang, kailangan niyo ng aakay sa'yo. Bawal mapwersa ang paa niyo. Babalik na lang kami para mapalitan ulit ng benda ang nasa paa niyo. Heto pala ang gamot niyo, inumin niyo ito after nyong kumain." Tumango ako sa kanyang sinabi at lumabas na sila sa room ko.
"Terry, ang mahal naman pala rito. Aabot ng fifty thousand ang bill natin, sabihin mo kila Mama roon na lang ako sa ward. Iyong murang k'warto lang..."
"Eh, ate, iyong kaibigan ni Mama ang magbabayad dito, e. Iyon iyong gusto niya..." Sabay kamot ng ulo si Terry.
Bumalik ako sa pagkain ko. Nang matapos ay nanood lang kami ni Terry dito. Hindi pa rin bumabalik si Mama. Si Papa kanina ay bumisita sa akin pero saglit lang kasi naka-on duty siya ngayon.
Napalingon kami ng bumukas ang pinto, akala namin si Mama. Iyong kaibigan pala niya.
"How are you, Alea?"
"O-okay lang, Sir..." Ani ko rito at yumuko.
Nakakahiya wala pa man din akong suklay at 'di pa ako naliligo. Wala pa kasi si Mama. Wala pa akong damit pamalit.
"It's Vicente, Alea. Comfortable ka ba rito sa room mo?" He asked.
Tumango-tango ako rito, "Opo... Mahal po rito, Vicente. Sana po roon na lang ako sa ward..."
"Ako ang may-ari ng hospital na ito, Alea. Wala sa akin iyon. Kung may kailangan ka pa, pindutin mo lang iyang button sa likod mo at pupunta na ang nurse na naka-assign sayo..."
I nodded, "okay, Vicente. Salamat po nang marami." Sabay ngiti ko rito.
Gabi na ng makabalik si Mama. Pumunta pala si Mama sa campus para sabihing naaksidente ako at para ma-excuse ako sa klase.
Malalim na ang gabi at nakatulog na si Mama sa may sofa ng k'warto. Sana bukas makauwi na ako. Sana nga lang.
Nilagay ko ang aking earphone sa aking tenga para makatulog ako. Wala kasi akong makausap. Hindi ko naman p'wedeng buksan ang tv, magigising si Mama.
Umayos ako ng higa at dinama ang musikang dumadaloy sa aking tenga hanggang makatulog na ako.
Bago ako kain ng antok at ng kadiliman ay may narinig akong boses.
Isang mahinang boses.
"Ilang days na lang, Sweetie, magiging akin ka na..."
to be continued...