ALEA
"Ma? Pa? Nandito na ako sa bahay!" Masayang kong tinawag sila Papa.
May magandang ibabalita kasi ako sa kanila. Binalita kasi sa akin ni dean na pasok ako sa pagiging dean's lister. I'm in second year college sa kursong Education. Iyon kasi ang pangarap ko. Ang makapagturo sa mga batang lasangan.
Pumasok ako sa k'warto ko. Dalawa lang naman ang k'warto rito sa bahay. Isa para kila Mama at isa para sa aming tatlong na magkakapatid na babae
Dalawang lalaki at dalawang babae rin kami. May bunsong kapatid pa ako at babae ang gender niya. Pitong taon gulang pa lang si Terry. Ang panganay namin ay si kuya Toby na may edad na twenty five years old at and si kuya Tony ay twenty three years old. Si ate Toni Rose naman ay twenty at ako ay seventeen years old.
Puro sila letter T ang starts ng name, ako lang naiba, iyong tinanong ko sila Mama, hindi nila ako sinagot. Kapag tinatanong ko nga kung maghahanda ba kami sa debut ko, 'wag ko raw babanggitin niyon. Parang bomba para sa kanila ang pagiging eighteen years old ko.
"Hi, ate Toni! Sila Mama?" Nakita ko kasi si ate pagkalabas ko ng k'warto namin. Iyong isang k'warto namin para sa aming tatlong babae lang. Sa sala natutulog sila kuya.
"Nasa labas may kausap na matandang lalaki..." Sagot sa akin ni ate Toni.
Nakabihis siya mukhang aalis yata si ate.
"Sino iyon? Baka kaibigan nila Mama, ate?"
Nagkibit-balikat ito sa akin, "malay ko, Alea. Sige mauuna na ako, may date pa kami ng boyfriend kong kano..." Tumango na lang ako sa kanya at tinanaw lang ito hanggang mawala siya sa paningin ko.
Ano kayang pakiramdam na may boyfriend? Ang alam ko mas matanda ang boyfriend niya ng two years sa kanya. Nakilala lang nya iyon sa internet. Sa Omegle raw sabi niya. Maski sila kuya roon din nahanap ang mga girlfriend nila ngayon.
"Ate Alea!" Tumingin ako kay Terry na sumilip sa k'warto. Nagbibihis na kasi ako ng pambahay baka kailangan ng meryenda ng kaibigan ni Mama.
"Oh, bakit, bunso? Tinatawag ba ako ni Mama?" Tanong ko rito at hinubad ang aking pants. May short kasi akong panloob.
Umiling ito sa akin, "hindi, ate..." Pumasok ito at umupo sa ginawang triple deck ni Papa.
"Ang gwapo ng kausap ni Mama, ate." Kumunot ang aking noo at naningkit ang aking mata.
"Hoy, Terry, ang bata mo pa para sa mga iyan. Lahat naman ng tao ay gwapo at maganda. Pag-aaral ang atupagin mo, maliwanag?"
"Ate naman, nagagwapuhan lang naman ako, e. Mukhang mayaman iyong kausap ni Mama, ate. Mukha siyang mas matanda kila kuya. Or, mas mukha pa siyang matanda kila kuya." Sabay tawa nito.
Pinagalitan ko ito at baka marinig siya ni kuya Toby nasa sala pa man din siya.
"Tumigil ka nga, Terry. Marinig ka ni kuya Toby. Nandyan lang sa sala iyon..."
"Totoo naman, ate, e..."
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito, si Mama lang pala. Akala ko narinig na kami ni kuya, e.
"Ma, bakit po?" Tanong ko rito at lumapit sa kanya.
"Tara, Alea, may ipapakilala ako sayo." Ani nito at lumabas ng k'warto.
Sumunod agad ako kay Mama. Pumunta kami sa likod bahay namin. Marami kaming tanim na mga gulay para 'di na kami bumili sa palengke and p'wede pa namin ito ilako sa iba. Sabi nga nila may green thumb ako kaya lumago ang mga gulay namin.
Nakita ko ang sinasabi nina ate Toni and Terry, ang gwapo nga niya. Parang kamukha niya si Zac Efron.
"Good day!" Napapikit ako ng magsalita ito. Nakatulala lang pala ako sa kanya.
"G-good day din po..." Sabay ko rito at kiming ngumiti rito.
Ang gwapo niya. Tama nga iyong sinabi ni Terry.
"Drop that po, Alea..." Lumuko ako sa kanya at nagsorry rito. "It's okay."
"Ma, sino po siya?" Mahinang tanong ko kay Mama.
"Alea, siya si Mr. Vicente Carter..."
Lumaki ang aking mga mata at tinuro siya, "V-vicente Carter, Ma?"
"Yes, Alea."
"Family niyo po may-ari ng Carter Hospital po? Kung sa'n nagtatrabaho si Papa?" Tanong ko rito. Mayaman na angkan daw ang mga Carter. Paano namin naging kaibigan 'to?
"I said drop that po, Alea..."
"Sorry, Mr. Carter nasanay lang." Sabay peace sign ko rito.
"Call me Vicente, Alea. Iyan ang gusto kong tawagin mo sa akin." 'Di ko alam pero parang may lambing iyong pagkakasabi niya or gano'n lang talaga ang boses niya.
Weird.
"Mauuna na ako sa inyo, Mrs. Policarpio. Sa susunod na pagkikita natin..." Tumingin ito sa akin, 'di ko alam kung ano pinag-uusapan nila ni Mama. Medyo mahina na kasi ng boses niya.
"... Magiging akin na siya." Lumingon ulit siya sa akin at ngumiti at nagpaalam.
Nang tumingin ako kay Mama, may nakita akong butil na luha sa mata niya.
Bakit? Bakit lumuha siya?