"I'll go now!" Giit ng babae. She look embarrassed because I caught them doing something....illegal in the bathroom!
Bakit ba nila naisip na dito 'yon gawin?
"Okay. See you around" casual na sabi ni Rivo. Inaayos pa niya ang suot na na mali ang pagkakabutones.
Looks like he had fun in the women's bathroom.
Umalis ang babae na takip-takip ang mukha.
Nang kami na lang dalawa ay napatingin ako kay Kuya Rivo.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" Tanong ni Rivo at natatawa pa.
Hindi ko siguro nakontrol ang ekspresyon ng mukha ko. Maybe I look so disgusted right now.
"Nakakadiri ka! Ang kapal ng face mo kuya!" I said in so much disgust.
Tinakpan ko ang tainga ko dahil naririnig ko ulit 'yong ungol. I'm imagining it.
Tumawa siya ng mahina. "Bakit ka kasi pasok ng pasok?"
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. "What do you mean pasok ng pasok? This is a woman's bathroom!" I gestured a 'qoutation' using my fingers.
Hindi naman na bago kay Kuya Rivo ang...maging babaero. We all know that. Magkaibigan ang parents ko at parents niya. Nagkakasama kami sa mga gatherings kaya naman kilala ko sila. I'm just close with Raevan.
But really? In the bathroom?
"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong niya bago nagpunta sa sink at naghugas ng kamay.
"Nag-retouch" kinuha ko ang lipstick at blush ko sa sink.
"I mean here. Sa campus" pinunasan niya nag kamay gamit ang panyo nita.
"Visit lang with friends. Naghahanap kami ng magandang university na pag-e-enroll-an"
"Do you want me to tour you and your friends?"
"No way!" I make a disgusting face. "Baka mamaya ma-bet-an mo pa mga friends ko"
"Hindi ako pumapatol sa bata" he chuckled.
"Dapat lang!" I rolled my eyes.
He chuckled. "Ang taray mo ah?"
I hate him to the core. Noon pa man ay hindi ko na siya gusto. Well, mahilig lang naman niya ako bully-hin dati especially no'ng kabataan days ko lalo na kapag nasa bahay nila ako.
I still remember no'ng naggawa siya ng sandwich tapos may sili pala sa loob. Iyak talaga ako ng iyak no'n. I still remember na nilagyan niya ng slime 'yong hair ko tapos hindi na matanggal kaya kinailangan na gupitan ako ng maiksi.
Hindi ko makakalimutan iyon.
Sabi naman ni Tita Cheena na mabait at sweet daw na bata si Kuya Rivo pero ewan ko, lumaking tarantado.
"What do you expect? Treat you nicely?" I said, remembering our...not so good relationship.
"Woah" suminghal siya. "Nalaban ka na sa akin"
"Well.." I put my hands on my waist. "Hindi na ako bata para asarin mo pa ano"
"Hmm..." sumandal siya sa may sink at biglang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko bago tumigil iyon sa aking dibdib. "Hmm...tama. Hindi ka na bata Sammy. Dalaga ka na"
I immediately covered my chest as my cheeks reddened.
"Pervert!"
Tumawa siya ng mahina habang dali-dali ko naman siyang nilampasan at lumabas ng banyo.
Bumalik ako kina Amirah at Devon na nakikipag-usap sa dalawang student.
I interrupt them. Hinila ko ang kamay ng dalawa kong malanding kaibigan at inaya na silang umalis.
"Teka lang. Nalandi pa e!"
"Come on. Let's go to another school. I hate it here!" Giit ko. Ang aga-aga naiinis ako.
"Hala ano bang nangyari sa'yo?"
"I meet....my pet peeve!"
"Ha? Sino 'yan ah?"
I rolled my eyes. "Basta. Umalis na tayo dito! Let's eat somewhere else. Nagugutom na ako"
"Ano ba 'yan. Ang KJ mo talaga. Hindi ko pa nakuha ang sss ni Pogi" Drama pa ni Amirah.
"KJ talaga 'yan. Tss. Hayaan mo na. Hanap na lang tayo sa next ng target"
Kahit ata nakaalis na kami sa school na iyon ay naiinis pa rin ako kaya naman sa pangalawa at pangatlo naming school na binisita ay hindi na ako umimik.
My mood for a whole day suddenly changed because of Rivo.
He's annoying talaga.
Iniisip ko pa din 'yong ungol na narinig ko.
Walang hiya talaga.
Hapon na kami nakauwi sa pagbisita namin ng university. Nag-usap kaming kung saan ang pinakagusto naming university kasi balak namin, sa iisa lang kaming univ since pare-parehas naman mayroong course na gusto namin.
"I prefer SouthWest" giit ni Amirah. "Mas marami hottie doon"
"No. Let's go to the Northford" I suggested.
"SouthWest din ako" giit ni Devon. "Paano ba 'yan? Two over one!"
"What's so special about SouthWest? Ayaw ko do'n" I shook my head.
"Pwes talo ka! Iiwan mo kami sa SouthWest ha?"
Gusto ko mainis pero iyon ang napagkasunduan. Ayoko din naman iwan ang mga girls dahil lang sa pag-iinarte ko.
Hinatid ko sila sa kanilang mga bahay. Pagkarating ko sa bahay ay kaagad kong tinawagan si Raevan. Gusto kong pumunta sa unit niya kaso pinagbawalan na niya ako. Ban ako do'n!
I don't know why.
"Your brother is so annoying Raevtot!" Iyon ang bungad ko pagkatawag ko sa kaniya.
Hindi pa man din ako nag-ra-rant ay pinatayan niya ako ng tawag.
Wow ah! Ang sama din ng ugali niya.
They are so...bad.
Well, I type my rants and send it to him. Hindi pwedeng hindi niya alam ang hinanakit ko noh.
Padiretsyo na sana ako sa kwarto nang makita ko si nanay sa sala namin, nanonood ng tv.
"Nay!" My eyes widen in surprise.
"Parang gulat na gulat ka" tumawa siya bago niya ako sinenyasan na lumapit. "Goodevening"
Kaagad akong lumapit para yakapin siya. Since she's sitting on the sofa, yumuko pa ako to embrace her.
"Wala kang work?" I asked. Hindi siya nakadoctors suite.
Nasanay na kami na wala siya actually. Lagi kasi siyang nasa hospital at busy doon. Minsan naman kapag may time like this, bumabawi siya sa amin.
"They will call me if there's an emergency" ngumiti siya ng tipid. "Anyway, how's your day?"
"Okay sana nay kaso nakita ko si Kuya Rivo kaya hindi na"
"Hindi ka na naman ginugulo no'n ah?"
"Yes but I met him and then my head suddenly boil" in-exaggerated ko pa 'yong expression ko sa inis.
"Huwag ka na mainis anak. Sayang ang ganda mo. Magbihis ka na at kumain na tayo. Naghanda ako ng masarap na putahe ngayong gabi. 'Yong tatay mo pauwi na. Dadaan din si Kuya Gimuel mo. I'll just call your siblings upstair"
"Okay!"
Excited akong umakyat. Buti na lang at dumating si Nanay kaya nawala 'yong inis ko.
Maya-maya lang din naman at dumating si Tatay kasama si Kuya Gimuel.
Kuya Gimuel still look fine. I wonder if nasa medical school na siya, ganiyan pa rin itsura. I heard na sobrang busy at puyatan daw do'n.
Nagsalo-salo kaming lahat sa mesa. I'm on a diet but I decided to eat a lot today.
"Narinig ko na late ka na umuuwi" ani ni Tatay kay Gino.
Lately nga napansin ko na late siya umuuwi.
"I'm with my friends 'tay" tipid na sagot ni Gino.
"Kahit na. Dapat umuuwi ka ng maaga." Giit naman ni Nanay Gigi, my very cute mother. "Hindi porket maluwag kami ay aabusuhin niyo na"
"Fine" Tipid na sagot ni Gino pero ramdam ko na mabubugnot na siya.
"Don't answer nanay like that Gino" pagalit na sambit ni Gimuel. "Respect"
"I mean uuwi na po ako ng maaga" Gino answered politely.
"Wala naman masama magkipagbonding sa friends basta alam niyo limitation niyo" muling sambit ni Tatay.
"I know" segunda pa ni Gino.
Bumaling naman si Tatay sa akin. "How's the school?"
"Okay lang. I can manage" ngumiti ako ng tipid.
"The work? Hindi ka naman siguro overwork hindi ba?"
Umiling ako kay Tatay. "Hindi po. Sabi niyo tumanggap lang ako ng kaunting project pero may inoffer sa akin na teleserye."
"Patingin ako ng script"
"I'll send it to you po"
"Sige. Pwede mo namang tanggapin basta hindi makakasagabal sa pag-aaral mo. Mag-focus ka na muna sa pag-aaral. Hindi kita pagbabawalan mag-showbiz kung gusto mo pero prioritize your study"
My smile disappeared. Plano ko pa naman na...huwag na muna mag-aral. Nahihirapan kasi akong mag-handle...
"I know 'tay" binalik ko ang ngiti.
"Anyway, may gusto ka na ba na school na pasukan?" Si nanay naman ang nagsalita.
"SouthWest po 'nay. 'Yon po napagdesisyunan namin nina Amirah"
"Anong course kukunin mo?"
"Business Ad po"
"Okay. If that's what you want. We won't pressure you"
After sa akin ay nagtungo naman ang tanong kay Gimuel at sinagot lang iyon ng tipid ni Kuya. Then sumunod na si Samantha na iniform si tatay at nanay na umattend sa family day niya this coming friday.,
Ganoon ang nangyayari tuwing nagkakasabay kami sa hapagkainan. Parang ito lang 'yong oras para magkausap-usap at mag-update kami.
Ang mga sumunod na araw ay naging busy na ulit ako. Kung hindi sa trabaho, sa school naman.
"I got my approval from tatay na Tita Gizmo." I informed my manager.
"I-push na natin?" Paninigurado pa ni Tita Gizmo sa kabilang linya.
"Yes po" sigurado ko ng sambit.
Nabasa ko na ang script at gusto ko ang flow ng story.
"Okay. I'll inform the director!"
"Sige po Tita. Bye po"
Malapit na ang finals so todo aral na din ako. Hindi naman ako ni-pe-pressure ng parents ko sa grades pero gusto ko rin mataas na marka. Alam kong makakadagdag ito sa reputation ko as artista. Ayoko namang malaman ng fans ko na puro ganda lang ako kahit na hirap ako sa academics.
Half day class kami ngayon kasi may meeting ang mga teachers. Plano ko magpahinga ngayon pero mukhang hindi iyon mangyayari.
Biglang tumawag sa akin si Kuya Gimuel.
"Why are you calling me Kuya?"
"It's Samantha's family day. Tatay and nanay is not available. Nasa shoot pa si Tatay. Na-delay ng ilang oras. Si nanay naman ay nagkaroon ng emergency. I can't go today so—"
"I know. Ako na ang a-attend" putol ko sa kaniya. Alam ko naman kasi kung saan ang tungo nito.
Hindi naman na bago sa'min na hindi available 'yong mga magulang namin. Minsan talaga natatapatan ng wrong timing.
Umuwi muna ako sa bahay bago ako nagpalit ng damit. Sinuot ko 'yong provided na t-shirt para sana sa family day. Maliit si nanay pero kahit papaano nagkasiya sa akin shirt. Medyo malapad lang kaya naman tinalian ko na lang at ginawang crop top. Pinartneran ko ng flare jeans. Nagsuot ako ng kwintas, hikaw at relo. Nagheadband ako at hinayaang nakalaglag ang aking buhok. Simple lang ulit ang naging make up. To finish the overall look, nagwhite rubber shoes ako at tote bag. After ko magpabango, umalis na ako ng bahay.
"Kuya Roger, sa school po nina Samantha"
"Sige po"
Habang nasa sasakyan ay kinokontak ko si Raevan. Ayaw ko namang pumunta doon na ako lang. At least may mabwi-bwisit ako.
"Hey Raevtot!" Masaya kong sambit nang sagutin niya ang tawag.
"What is your problem? Ang ingay mo"
"Samahan mo ako dali! I'm going to Samantha's school. Family day kasi. Please samahan mo ako"
"Do you know that I hate crowded places" Raevan tsked on the other line.
"Please? Wala akong makakausap do'n. My younger sister will be sad"
"Fine. I'll try"
"Okay thank you. You're my best friend forever—"
Pinatayan niya ako ng tawag. I pouted while sending him the name of the school. Baka hindi niya kasi alam.
Nag-decide kami nag magkita na lang sa school. Pumasok na ako sa loob at mayroong ilang nakakilala sa akin.
My fanbase is not that big pa like my Dad but I appreciate some people who recognize me.
"Hindi ba anak ka ni Sam Cuevas?" Tanong ng isang ina ng bata nag-aaral here.
Tipid akong ngumiti. "Yes po"
Some know me as my father's child. Minsan naiinis ako kasi feeling ko kaya ako may name is dahil kay tatay pero pinapatunayan ko naman ang sarili kong pangalan.
Sa field gaganapin ang program. Pumunta ako doon at hinanap ko si Samantha. Kaagad ko naman siyang nakita. Nakita ko siyang kasama ang ilang friends niya at ang nanny niya. I notice that she's looking around, maybe she's finding nanay and tatay.
"Samantha!" Tawag ko.
Kaagad nagtungo ang tingin niya sa akin. She smiled and wave at me.
"Ate!" Tumakbo siya at lumapit sa akin.
"Hello! Sorry late ako"
Niyakap ko siya at hinawakan ang kaniyang kamay para pumunta sa kaniyang teacher.
"Si nanay at tatay po?" She asked.
"They can't go now"
"I told them in advance the family day!" She pouted before storming off and went to her friends.
I sighed. She will not understand. Ganiyan din ako dati.
Bumati muna ako sa teacher ni Samantha bago ko pinuntahan ang aking kapatid.
Malapit na naman daw magsimula ang program.
Umupo ako sa cement bench na mayroon at doon muna ako habang hindi pa nag-start ang program.
Ni-text ko si Raevan kung nasaan na siya habang nagte-text ay biglang mayroong unknown number na tumawag sa akin.
Sino naman ito?
Thinking that it might be Raevan, I answered the call.
"Hello?"
"Where are you?" Iyon ang sagot sa akin ng kabilang linya.
Magaspang ang boses sa kabilang linya at lalaking lalaki.
I tried remembering if this is Raevan's voice but I'm sure its not.
"Who are you? You're not Raevan"
"Obviouly I'm not. I'm hotter than him"
Naririnig kong naglalakad siya. Rinig ko din ang paghinga nya.
"Then who are you? Why do you know my number?"
"I already saw you bye!" Bigla niyang pinatay ang tawag.
Curious about this guy, I look around until my eyes settled on a man I don't want to see.
He has a messy hair that suit his rugged face. Angat na angat din ang itsura niya sa labanos niyang kulay. He's wearing a color red collared t-shirt and cargo pants. Tanggal ang ilang butones kaya kita ang dibdib at kwintas niya. Kumikinang din ang kulay silver niyang piercing sa isang tainga. Nakasuot siya ng salamin at inangat niya lang iyon nang makita niya ako.
"Hi Sammy!" He smiled widely almost a smirk as he run towards my direction.
Kumunot ang noo ko.
Bakit siya ang naandito? Bakit si Kuya Rivo ang dumating?!