CHAPTER 1
"Smile wider Sammia"
Sinunod ko ang sinabi ng photographer. Ngumiti ako ng malawak at ginandahan ang aking pose.
"Cut! That's it!" Pumalakpak si photographer. "That's so good"
I immediately stop my act. Medyo nangalay ang panga ko kakangiti kasi hindi makuhanan ng ayos na anggulo. Lumapit sa akin ang make up artist at inaayos ang aking make up and then the wardrobe gave another set of clothes.
Pumunta ako sa dressing room to change.
Nasa isa akong brand shoot ngayon. Mino-model ko sa isang clothing line. Teen-ager fashion 'yong mga sinusuot ko.
At the age of seven, I was exposed to commercials and other teleseryes and still creating a name in this industry at the age of 17.
I just found myself loving this career, the career that my tatay has.
Maybe it's in our blood. I enjoyed acting and modelling.
After a couple of hours, the shoot ended. Pinanood pa sa akin ang mga raw na kuha.
"Anak ka nga ni Sam Cuevas. Looking forward to work with you again" ngumiti ng malawak ang photographer at kinamayan ako.
"Thank you po" ngumiti ako ng formal.
Pagkatapos ng shoot ay dumiretsyo na din akong papuntang celebrity van na hiniram ko muna kay tatay. I'm with Francine, PA ko at si Gizmo ang aking manager.
"Keri mo ba magteleserye nakshie?" Gizmo asked me.
Kakatapos ko lang uminom ng cucumber juice ko ng itanong niya iyon.
"May offer po ba?" I asked.
"Oo e. Iniisip ko lang schedule mo sa school"
I'm currently Grade 12 right now. Busy na nga rin sa school ngayon kaya talagang limited lang ang mga sched ko sa shoots and modelling.
"Patingin po muna ng script" magalang kong sambit.
"Okay pero magandang offer ito. Kaya naman siguro i-balance. Hindi naman ikaw ang main character"
"Check ko po muna bago ko tanggapin"
"Okay honey"
Pagkarating namin ng bahay ay kaagad akong bumaba. Francine carried my things.
"Thank you so much ate Francine" nag-beso ako sa kaniya bago siya tuluyang nagpaalam.
Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Samantha at Gelo sa sala. Usually, sila ang natitira dito sa bahay since everyone is getting busy.
"Si Kuya Gino niyo?" Tinanong ko ang sumunod sa aking kapatid.
Napansin ko na napapadalas ang pag-uwi niya ng late porket highschool na siya.
"On his friends pa ate. Good evening" Samantha answered before she greeted me.
"Evening. Kumain na kayo?" Lumapit ako kay Gelo, ang bunso naming kapatid. Hinalikan ko siya sa noo kasi hindi ako pinapansin. Busy ito sa kalalaro sa blocks niya. Katabi niya ang kaniyang nanny, binabantayan siya.
"I already ate with Gelo ate" sagot ulit ni Samantha bago siya nagpokus sa pinanonood.
"Okay. Mamaya tulog na kayo. Anong oras na din"
Umakyat ako sa itaas. Naghalf bath muna ako bago ako nagpalit ng komportableng cotton na pantulog. Habang nags-skin prep, pinagmasdan ko ang aking itsura.
I have a naturally curly hair that I inherit to my mom. It really suits my small face. My face resembles my father. Sa aming limang magkakapatid, ako ang pinakakamukha niya. Kahit ang dimple ng tatay ko ay nakuha ko.
Ngumiti ako kaya mas lalong lumubog ang dimple ko sa pisngi. It really adds to my overall appearance.
Inipit ko ang kulot na buhok. I already ate kaya naman kinuha ko ang aking school bag para naman mag-aral.
I still have assignment to do. Kinuha ko ang cellphone at kaagad kinontak si Raevan.
To: Raevtot panget:
Hey tot, help me with my assignment. Calculus e. Help.
Ilang segundo lang ay kaagad itong nag-reply.
From: Raevtot panget:
Bobo ka talaga. Send me the problem
Lumaki ang butas ng aking ilong sa nabasa. Well...Raevan has a rude mouth. Straightforward din siya. That's him and I can't deny the fact that I don't like math.
I'm not good at academics. I prefer performances.
I just pouted before sending him the picture of the problem.
_________
"Sama ka sa amin sis. We're going to visit college universities na" yaya ni Amirah.
"Tama. I'm also excited to look for hot dudes!" Devon giggled.
I rolled my eyes and focused on the activity that our teacher gave earlier. Gagawin ko na siya. I don't have so much time to spare. After class, didiretsyo ako sa isang commercial shoot.
I don't know how can I do this all together. Hindi naman ako masiyado tumatanggap ng mga projects pero may mga org din kasi akong sinalihan. You know, for my growth.
Mayroon pa akong acting workshop tuwing sunday.
"Hoy! Sasama ka ba Mia?" Siniko ako ni Amirah since I'm not really joining to their conversation.
"I still check my sched girls" I pouted.
"Ang hirap naman magkaroon ng friend na artista" she snorted.
"Sorry girls. I'll make it up to you. You can go naman na kayo lang" I gave them an apologetic smile.
"Seriously? Nag-eenjoy ka pa ba?"
They always tell me if I'm still enjoying. 'Yong busy sched? Ofcourse not! Sobrang hectic talaga pero gusto ko naman ginagawa ko.
Hindi lang ako katulad nila. They are so free na minsan naiinggit ako.
"Don't worry. Nag-eenjoy ako"
"Fine. Punta na lang tayo kapag may spare time ka na. Maganda na kasama ka! Walang iwanan sa friendship na ito"
I smiled. They are so understanding.
"I love you both!"
Tulad ng sabi nila, hinintay nila akong maging free. Saturday ngayon at buti na lang wala akong sched.
Nakasuot ako ng pink tube na pinartner ko sa puting cardigan. Skirt na maong ang pinartner ko tapos puting platform sandals. Inayos ko ang kulot kong buhok. Hindi naman siya buhaghag, inayos ko lang curls. Naglagay rin ako ng ilang clips para aesthetic.
Para naman sa mukha, nagfoundation, kilay, liptint at blush lang ako. After taking pictures of my outfit today, umalis na ako.
Susunduin ko na lang ang girls para iisang sasakyan na lang kami.
Nag-story ako sa aking social media accounts about my OOTD. Marami na agad ang likes at comments.
Sinundo ko muna si Amirah at Devon sa isang park na malapit. They good to go when I arrive there.
"Omg! I knew this gonna be exciting!" Excited na sambit ni Amirah pagpasok sa van.
I'm not really excited about this college university visitation.
Sa sasakyan pa lang, nag-gawa na sila ng listahan na bibisitahin. Top 3 lang ng university na tingin nila maganda.
Sa totoo lang, wala pa akong naiisip na university na papasukan. I'm not really interested in...studying.
Wala nga akong course na gusto.
Sa totoo lang, gusto ko magfocus sa career ko. I just don't know if nanay and tatay will like it.
But anyway, I will still try to enroll next year. Siguro mag business administration na lang ako bilang back up plan. Pwede ako sa operation ng hospital since hindi ko ginusto maging doctor.
Pumunta kami sa pinakamalapit na university sa location namin. SouthWest University muna ang binisita namin. Good thing, they are accepting visitors. May ibinigay silang ID sa amin after ma-check ang aming mga gamit.
Hindi ito ang primary choice ko. Actually, gusto ko sa school kung saan nag-aaral si Raevan.
Nanghingi kami ng map para alam namin kung saan kami pupunta at pati na rin courses na available. Nag-check kami.
"Plano ko mag-tourism" ani ni Amirah habang naglalakad kami.
The University is huge. Ang ganda din ng mga building. Well, what I expect? Isa ito sa magagandang school.
"My dad wants me to take political science" Devon pouted.
She is a child of a politician. I'm sure kaya siya pinapa-take no'n.
"Ikaw Mia?"
Nagtungo ang tingin nila sa aking dalawa.
"Business Ad" tipid kong sagot.
"Mukhang magkakaiba tayo ng course ah? Magkakahiwalay na tayo" umarteng umiiyak si Amirah.
"We will still bond guys. Don't worry!" Gusto ko din umiyak.
"Asus. Bonding daw, lagi ka ngang busy" umirap si Devon.
Tumawa na lang ako.
We're classmates since grade 10. Mami-miss talaga namin 'tong bonding namin pagkatapos ng school year.
Some students recognize me. They are asking for a picture kaya pinaunlakan ko.
Hinihintay din naman ako ni Devon at Amirah habang nag-e-entertain ng iilan kong fans dito.
Sanay na naman sila.
Habang naglilibot ay naghahanap na din sila ng pogi lalo na nang mapadaan kami sa engineering.
Hindi naman ako napopogian since may nakakatrabaho ako mga poging artista.
"Iyon oh! Pogi" Amirah pointed another guy. Sabi sa uniform, archi student.
"Oy kaloka bet ko. Kunin natin number"
"Pwede. Tara?"
Napailing na lang ako sa kanila. I excused myself to go to the restroom. Hahayaan ko na lang sila makipag-mingle diyan.
Dating is not my thing for now. Sa dami ng ginagawa ko ngayon?
Pumasok ako sa restroom ng campus. Buti na lang walang tao.
Dumiretsyo ako sa sink tapos kaagad akong nag-retouch. Ang tagal na rin pala naming naglalakad so ngayon lang me naayos ang medyo hulas kong itsura.
Medyo kumakalam na rin sikmura ko. Siguro yayayain ko na sila na kumain—
"Oh...ah..."
Tumigil ako sa pag-apply ng lipstick nang makarinig ako ng ingay.
I thought guni-guni ko lang iyon pero muli akong nakarinig ng same na ingay.
"Ah.."
"Shh...quiet"
"Sorry ang sarap lang"
"s**t"
Umakyat ang init sa pisngi ko nang mapagtanto ko kung ano ang ingay na iyon.
Hindi ko dapat naririnig ito hindi ba?
So I should exit right?
I was about to go when my phone rings.
"Sh*t may tao!" I heard a girl's voice.
Nanlaki ang mata ko bago ko dali-dali iyong hinanap sa bag kong dala.
I almost curse kasi ngayon pa talaga nangyari 'to.
Dali-dali na lang ako umalis sa banyo na iyon. I was about to go now when I forgot my lipstick and my blush.
Napasapo ako ng noo bago ko muli pumasok.
Maybe hindi pa naman sila lumalabas. Mabilis lang ako.
Kaso pagpasok ko ulit ay natigilan ako.
I swallowed hard when one cubicle opens. Lumabas doon ang isang babaeng nag-aayos ng damit at buhok at kasunod no'n ay isang lalaking.....
Pamilyar na pamilyar ako.
Inayos niya ang push back brown hair habang sinasara ang kaniyang pantalon. Pawisan at namumula pa ang pisngi at labi.
His eyes immediately met mine.
I covered my mouth in shock.
"Kuya Rivo?" I called.
Ofcourse I know him. Kakambal siya ni Raevan! One of the quadruplets.
Rivo creased his forehead. "Sammy? Anong ginagawa mo dito? I didn't expect you here" He said it so casual. Tiningnan niya ako na parang ako pa ang tresspassing sa women's restroom.
I scoffed in disbelief.
What should I expect?
Wala talaga siyang hiya.