Chapter One

1371 Words
“Ivory!” rinig ni Ivory ang sigaw ng tiyahin niya na nasa sala, kasalukuyang nag lalaba si Ivory ng mga damit nila. “Bakit po tiyang?” tanong ni Ivory sa tiyahing si Resa. “Paki kuha mo ako ng tubig sa kusina, bilis!” sambit ng tiyahin niya, hindi makapaniwalang tinignan ni Ivory ang tamad na babaeng nanonood ng tv at ang distansya nito sa kusina, habang ang dalaga ay nasa likod bahay, kasalukuyang nag lalaba. “Anong tinatanga tanga mo r’yan?! Bilisan mo!” sigaw ng tiyahin niya, doon lamang natauhan si Ivory at dali daling kumilos. “Opo tiyang” sambit ni Ivory at pumasok sa kusina para ikuha ng tubig ang tiyahin niya. . “Ito na po tiyang” sambit ni Ivory at inabot ang tubig sa tiyahin niya. “Ayus ayusin mo ang pag sisilbi rito Ivory! Pinapalamon ka namin kaya tunamaw ka ng utang na loob!” sigaw ni Resa, nakayukong tumango si Ivory. “Opo tiyang, masusunod po” sambit ni Ivory at bumalik na sa likod bahay para ituloy ang pag lalaba niya. Ito ang buhay ni Ivory, pagkatapos mawala ng mga magulang niya, kinuha siya ng tiyahin niya, akala ni Ivory ay pag aaralin siya nito, pero hindi pala. Gagawin lang pala siyang katulong, at nang humingi ng pabor si Ivory na kung pwedeng mag aral siya, tinawanan lang siya ng tiyahin niya at sinabihang. “Mag aasawa ka lang din naman, at magiging house wife. Kaya hindi mo na kailangan pang mag aral” ito ang malupit na salitang bumaon sa isipan ni Ivory. Pagkatapos mag laba ni Ivory, kahit pagod na pagod pa ang katawan ay dumiretso siya sa kusina para mag luto ng mabilisang ulam at mabilisan ding kumain para makapag kulong siya sa kwarto niya, dahil sa tanghalian ay umuuwi ang tiyuhin niya. Natatakot si Ivory sa tiyuhin niya dahil iilang beses siya nitong binabalak hipuan, pero buti nalang ay nakaka iwas siya agad, kaya ang ginagawa ni Ivory ay nag kukulong siya sa kwarto niya at tinutulog nalang ang takot na nararamdaman niya. . Nagising si Ivory sa isang malakas na katok sa pintuan ng kwarto niya. . “Ivory!” galit na sigaw ng tiyahin niya, umiling na lamang si Ivory at pinilit ang sarili na tumayo para buksan ang pintuan ng kwarto niya. “Bakit ka ba nag lolock ng pintuan?! Ang hirap mo tuloy gisingin, depúta ka! Siya nga pala, aalis kami. May aattendan kami birthday party, mag bukas ka nalang ng isang sardinas para sa hapunan mo mamaya, ang mga plato ha! Huwag mo kakalimutan!” sambit ng tiyahin niya. “Opo tiyang” sambit ni Ivory at hinintay na maka alis ang mga tao sa bahay, tsaka palang siya bumaba para mag linis ng mga katambak na pinag kainan nila. Mag aalas singko na nang matapos si Ivory mag linis kaya dali dali siyang kumain at nag kulong sa kwarto niya. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga kamag anak niya dahil naririnig na niya ang ingay ng mga pinsan niya. Narinig ni Ivory ang pag katok sa pintuan ng kwarto niya pero hindi siya sumagot, nag panggap siya na tulog na kahit hindi naman. “Julius! Hayaan mo na si Ivory, matanda na ’yan, siguradong kumain na ’yan!” sigaw ni Resa sa asawa niya, tumango si Julius at binigay ang cake sa dalagita niyang anak. Nakatulog na si Ivory dahil sa pag papanggap nitong tulog siya, pero nagising siya sa mahihinang katok sa pintuan niya, naririnig din niya ang boses ng tiyuhin niya na tinatawag siya. Dahan dahang kumilos si Ivory at kinuha ang kustilyo na nasa ilalim ng unan niya at pumunta sa pintuan para harangan ang lock nito, kahit tatlo na ang lock ng pintuan niya ay hindi pa rin siya mapakali. Natigil ang pag katok nang marinig ni Ivory ang boses ng tiyahin niyang si Resa. “Julius, anong ginagawa mo r’yan?" Bakas ang pagka antok sa boses nito. “Ah, tinitignan ko lang kung ayos lang si Ivory, may narinig kasi akong kalabog sa kwarto niya, akala ko napaano na ang batang ito.” narinig ni Ivory ang pekeng pag aalala sa boses ng tiyuhin. “Hayaan mo na si Ivory diyan, Julius. Matulog na tayo ulit.” sambit ni Resa, at narinig ni Ivory ang hakbang nila papalayo. Katabi lang ng kwarto ni Ivory ang kwarto ng mag asawa, kaya rinig na rinig ni Ivory ang pag ungol nv tiyahin niya. “Pútangina, hindi man lang hinaan ang boses.” galit na bulong ni Ivory at tiniis ang ungol ng tiyahin niya at ang tunog ng mga nag sasalpukan nilang mga ari. Naiiling nalang si Ivory at hinintay ang oras, para tumakas siya. Nasa kama niya ang isang bag na puno ng damit at nandito rin ang perang naipon niya. Kung inaalipin siya ng mga ito, kinukupitan naman ni Ivory ang mga ito na hindi nila nalalaman. Pag patak ng alas kwatro ng madaling araw, dahan dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto niya, patuloy pa rin ang ginagawa ng tiyuhin at tiyahin niya sa kwarto ng mga ito, naririnig pa niya kung paanong humingi ng isang round ang tiyahin niya. “Ang làswa pútà.” bulong ni Ivory at kinuha ang pagkakataon na may nangyayari sa mag asawa atsaka siya lumabas ng bahay. “Sa sarap na nararanasan, hindi maramdaman na sila’y natakasan” nakangising sambit ni Ivory at dahan dahang kinuha ang bike niya at nilakad muna ang medyo malayo sakanila bago siya nag pedal. Nag pedal ang dalaga hanggang sa maka rating siya sa terminal ng bus, napag desisyunan niyang ibigay ang bike sa isang matanda na namamalimos sa kalsada, mukhang kaya pa nito mag bike kaya hindi nag dalawang isip ang dalaga ibigay ang bike niya. “Salamat sa kabutihan mo hija, pwede ka bang basahan ng asawa ko? Bilang kabayaran sa grasya na binigay mo sa'min.” nakangiting sambit ng matanda, tumango ang dalaga at sumama sa matanda, dinala siya nito sa may terminal mismo at nilapitan nila ang isang matandang babae na naka upo sa sahig at may naka latag na mga baraha sa harapan niya. “Mahal, tignan mo binigyan ako ng bisikleta ng dalagita. Pwede mo ba siyang basahan mahal? Bilang kapalit sa grasya na binigay niya sa’tin?” nakangiting sambit ng matanda. “Talaga? Naku, maraming salamat hija, halika upo ka sandali.” nakangiting sambit ni lola, tumango si Ivory at sinunod ang matanda. Inumpisahan ng matanda ang pag balasa ng mga baraha at nag labas ng isa isang baraha. “Lugar, aalis ka ngayon hindi ba? Mag punta ka sa laguna. May nag hihintay sa'yong swerte sa lugar na iyon.” nakangiting sambit ng matanda, nakangiting tumango si Ivory. . “Hmm, lalaki. Dalawang lalaki. Ang dalawang lalaking ito ay mag kaka gusto sa'yo, ang isa ay mayabang habang ang isa ay masungit. Pero isang lalaki ang mananaig at hahaplos sa puso mong kasalukuyang nahihimbing dahil sa sakit at hirap na iyong pinag daanan.” sambit ng matanda at kumuha pa ng isang card. “Bata, batang babae. Magkakaroon kayo ng anak ng lalaking makaka haplos at gigising sa puso mo, isa siyang maganda at matapang na babae.” nakangising sambit ng matanda, naramdaman ni Ivory ang pag silay ng ngiti sa kanyang labi. “Huling baraha na ito hija, dalaga. Ito ang anak mo kapag nag dalaga siya, isa siya sa magiging makapangyarihang tao sa buong mundo gamit ang yaman at koneksyon, gamit ang talino at ang taglay nitong ganda, luluhod sakanya lahat ng kalalakihan kagaya ng kung paanong luluhod sa'yo ang lalaking sinasambit ng baraha, at ang anak mo rin ang kakamit sa hustisya na pilit sinisigaw ng iyong utak. Hustisya para sa ginawa nila saiyong mga magulang, at sa ginagawa ng iyong tiyuhin sa'yo, ang anak mo ang iyong yaman, ingatan mo siya at mahalin ng higit pa sa pag mamahal mo saiyong sarili dahil siya ang kakapitan mo kapag hindi mo na kaya ang hapdi at sakit.” mahabang paliwanag ng matanda, nakangiting tumango si Ivory at nag pasalamat na. Bumili ng ticket ang dalaga papuntang laguna at nakipag sapalaran, at pinang hawakan ang sinabi ng matanda sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD