Nanginginig ang buong katawan ni Ivory habang nag lalakad sa isang kalye sa laguna, hindi alam ng dalaga kung saan siya pupulutin ngayon dahil nag layas siya sa impyernong bahay na kinaroroonan niya.
“Kailangan ko ng trabaho” sambit ni Ivory sa sarili niya at patuloy na nag lakad. Saktong pag tapat niya sa isang mansyon ay napukaw ng atensyon niya ang isang karatula na naka lagay sa lumang gate nito.
Kinuha ng dalaga ang karatula at nag door bell na, naka ilang door bell pa siya bago may lumabas na kasambahay at pinag buksan siya ng gate.
“Mag a-apply ka ba ng trabaho?” tanong nito habang naka titig sa karatula na hawak niya.
“Opo sana eh.” nakangiting sagot ni Ivory.
“Sige, tara tara pasok." sambit nito pina pasok siya sa loob ng mansyon, nilibot ni Ivory ang paningin sa buong mansyon at namangha sa karangyaan na nakikita niya sa buong mansyon.
“Salamat po” sambit ni Ivory nang bigyan siya nito ng pagkain at isang juice na malamig, kahit gutom na gutom ay dahan dahan pa rin itong kumain dahil baka isipan pa siya ng kung ano.
Nang maubos na ni Ivory ang pagkain niya, nanatili siyang naka upo sa dining area at hinintay ang kasambahay na nag asikaso sakanya.
Nakarinig ng mga yabag si Ivory kaya dali dali siyang tumayo at humarap kung saan nanggagaling ang yabag, agad na ngumiti ang dalaga nang makita ang matandang aalagaan niya.
“Good afternoon po” bati ni Ivory at yumuko sa matanda, lumapit ang matanda at tinapik ang balikat ng dalaga.
“Ano ka ba, huwag kang yumuko anak.” sambit nito at umupo.
“Anong pangalan mo? upo ka, mag usap tayo.” nakangiting tanong nito.
“Ivory Rossini po” nakangiting sagot ni Ivory, tumango ang matanda.
“Griselda Dragomirov, pwede mo akong tawaging lola, Ris.” nakangiting sambit ni lola Griselda.
“Lola Ris” nakangiting sambit ni Ivory.
“Taga Laguna ka na hija?” tanong ni lola Griselda sa dalaga.
“Tiga Batangas po ako lola” sagot ni Ivory, kumunot ang noo ng matanda at tinitigan ang dalaga.
“Bakit ka napunta rito sa laguna hija?” nalilitong tanong ng matanda sa dalaga.
“Nag layas po kasi ako sa'min lola, sa tita ko po ako natira, pero parang hindi naman po pag tira ang nangyari, para po akong alipin sa sarili naming bahay. Sinumala po kasi ng mawala ang parents ko, last week lang po. Sa bahay na po sila tumira, ayos lang naman po sa'kin na gawin akong alipin, pero kasi po. Tuwing gabi, kakatok po ang tito ko sa kwarto ko, tapos ano pong sinasabi na kung anong mga kamanyakan. Kaya napag desisyunan ko po na mag layas nalang, gamit po ang perang natitira sa'kin, nag punta po ako rito sa laguna at nakipag sapalaran.” nakangiting sambit ni Ivory, ngumiti ang matanda at niyakap siya.
“Condolences on your late mother and father, anak.” sambit ni lola Griselda habang hinahaplos niya ang buhok ni Ivory. Tuluyan nang bumuhos ang luhang pinipigilan ng dalaga.
“Ang sakit po kasi lola, na hindi ko man lang po naiburol ng maayos ang katawan ng mga magulang ko, pagkatapos po maideklarang wala na sila, pinapa libing na po nila, na wala man lang pong kabaong, ginawa lang pong parang basura katawan ng mga magulang ko.” sambit ni Ivory sa pagitan ng mga hikbi nito.
“It’s okay, you can cry. Kakayanin mo ’to, kami na ang bagong pamilya mo Ivory, aalagaan ka namin dito, hindi ka namin hahayaang maka ranas ng pag tangkang pag momolestiya ng tiyuhin mo.” bulong ni lola Griselda at mas hinigpitan ang yakap sa dalaga.
Pagkatapos umiyak ni Ivory at gumaan ng pakiramdam niya, bumitaw na siya sa pagkaka yakap sa matanda.
“Rema, paki ayos naman ang guestroom na tutuluyan ni Ivory please.” nakangiting sambit ni lola Griselda.
“Tanggap na po ba ako lola?” masayang tanong ni Ivory sa matanda, tumango si lola Griselda sa dalaga.
“Oo anak, kumain kana ba?” nakangiting tanong ni lola Griselda sa dalaga, tumango si Ivory at nag paalam na titignan muna niya ang magiging kwarto niya.
Ilang linggo na ang lumipas pagkatapos matanggap si Ivory sa trabaho, simula noong pumasok siya rito ay nakaramdam na siya ng kapayapaan sa bawat gabing lumilipas.
“Good morning lola Ris!” nakangiting sambit ni Ivory nang puntahan ng dalaga ang matanda sa kwarto nito.
“Good morning apo ko, kamusta ang tulog mo?” nakangiting tanong ni lola Griselda sa dalaga na kasalukuyang hinahawi ang mga mabibigat na kurtina sa kwarto ng lola.
“Ayos naman po lola, kayo po? Kamusta ang tulog mo?” nakangiting tanong ni Ivory sa matanda at inalalayan na ito palabas ng kwarto.
“Ayos lang din apo, siya nga pala. Uuwi ang isang apo ko rito, baka mag babakasyon ng ilang linggo, makilala mo siya, mabait ’yon, feeling ko bagay kayo ng apo kong iyon.” nakangiting sambit ni lola Griselda, tumawa lang ang dalaga sa sinambit ng matanda.
“Si lola talaga oh, pinamimigay mo na ba ako lola?” nakangiting tanong ni Ivory, nakangiting umiling si lola Griselda at tumawa.
“Hindi apo, gusto ko lang makilala mo ang apo kong si Blaine, mabait ’yon, medyo masungit minsan.” sagot ni lola Griselda, ngumisi si Ivory at inasikaso na ang umagahan ng matanda.
Sa isang linggong pamamalagi ni Ivory sa mansyon, ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng kapaguran dahil hindi naman mabibigat ang trabaho na ginagawa niya rito, mag luto, kausapin ang matanda wala nang iba.
“Ano pong itsura niya lola?” nakangiting tanong ni Ivory para malibang ang matanda na nasa harapan niya.
“Gwapo siya apo, makapal ang kilay, kulay abo ang mata, maputi rin siya. Hindi siya mayabang katulad ng ibang mga apo ko pero ayon medyo may pagka masungit pero maaasahan, siya ang naka takdang hahalili sa pwesto ng ama niya sa kumpanya nila, pero pilit pa rin itong gumawa ng sariling kanya, dahil wala raw siyang tiwala sa mga desisyon ng magulang niya.” naiiling na sambit ni lola Griselda.
“Mabuti po at naiisipan niyang dalawin ka rito lola?” nagtatakhang tanong ni Ivory sa matanda.
“Sa puder ko kasi lumaki ang batang iyon, ang sabi niya. Sa'kin lang daw niya naramdaman yung pagmamahal na hindi maibigay sakanya ng mga magulang niya, ewan ko ba sa mga magulang ni Blaine puro negosyo ang inaatupag. Hindi na ako mag tatakha kung wala nang amor ang batang iyon ss mga magulang niya.” seryosong sambit ni lola Griselda, ngumiti naman si Ivory at inasikaso ang pagkain ng matanda.
“Pero at least lola, nandyan ka para sakanya, hindi mo siya pinabayaan. Ikaw po ang pumuno sa pag kukulang ng magulang niya sakanya.” sagot ni Ivory, ngumiti ang matanda at nag simula nang kumain.
Kasalukuyang nasa sala si Ivory at lola Griselda ngayon dahil hinihintay nilang dalawa ang pag dating ni Blaine, at ilang segundo lamang ay nabuksan na ang pintuan at pumasok ang isang napaka gandang lalaki na nakita ni Ivory sa tanang buhay niya.
“Lola, bakit ang gwapo ng apo mo?” nahihiyang tanong ng dalaga habang nakatitig sa binatang nag mano kay lola Griselda.
“Sinabi ko naman kanina, guwapo ang apo ko, welcome home hijo” nakangiting sambit ni lola Griselda, ngumiti ang binata at napako ang tingin niya sa dalagang nakatingin kay lola Griselda habang naka ngiti.
“Who is this girl with you lola?” nagtatakhang tanong ni Blaine sa lola niya.
“Oh, this is Ivory Rossini apo, isn't she pretty?” nakangiting tanong ng matanda.
“Yeah, she's pretty. Hi Ivory” sambit ni Blaine at nilahad ang kamay nito sa dalaga para makipag kamay.
“Hello po sir, Ivory po.” nakangiting sambit ni Ivory at kinamayan ang binata.
“Drop the sir, you can call me Blaine” sambit ni Blaine, tumango si Ivory at tinitigan ang lola na wagas kung maka ngiti.
“Ivory paki samahan naman ang apo ko sa kwarto niya please” nakangiting sambit ni lola Griselda.
“Okay po lola, tara na po” sambit ni Ivory at nauna nang nag lakad papunta sa second floor at binuksan ang kwarto ni Blaine.
“Come in, Ivory.” sambit ni Blaine, tumango si Ivory at pumasok sa kwarto ng binata.
“Can you help me unload my things sa maleta ko? And transfer those sa drawer?” pakiusap ni Blaine sa dalaga, tumango si Ivory at inasikaso ang pinapagawa ni Blaine.