Prologue - How He Saved Me

1076 Words
Two years ago... Lahat ng nasa paligid ni Alex ay nagmamadali sa loob ng maliwanag na emergency room kung saan ay nakasunod ang ilang mga nakaputing mga nurse. Mabilis ang paggalaw ng lahat lalo na at tangam nila ang isang stretcher kung saan may nakaratay na pasyente. Halos tumalon na siya sa kaba habang nakasunod sa mga nurse. "Oxygen level is dropping! Wala nang oras. Nasaan na ba si Doc?" tanong ng isang nurse. Walang maintindihan si Alex sa mga nangyayari. Ang alam lang niya ay nakatanaw siya sa isang magandang babae. Duguan ito at halos hindi na gumagalaw. Hawak ng isang nurse na lalaki ang leeg nito. Pinipigilan nito ang patuloy na pagdaloy ng dugo mula roon. Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag, ngunit hindi pa dapat siya pakampange dahil nasa bingit pa rin ng kamatayan ang babaeng dinala niya sa ospital. Wala siyang ibang inisip kundi ang sisihin ang sarili sa nangyari. Kung sana ay mas naging maagap siya noong mga oras na iyon ay hindi na niya sana naisugod pa sa ospital ang dalagang nawala sa sarili... Nakahiligan na ni Alexander Jesson Lopez ang pumasok sa CR ng mga babae sa loob ng Sepia Restobar tuwing gabi. Bukod sa mas malinis itong tingnan kumpara sa CR ng mga boys ay ito ang mas hindi tinatao. Hindi naman siya pinakikialaman ng management ng bar dahil kaibigan niya ang may-ari. Nilalagyan na lang nila iyon ng "Out of Order na signage" upang hindi siya maistorbo. Hindi nahahalata mula sa labas na naroon siya dahil ang pinto ng cubicle na pinagtatambayan niya ay may mahabang pinto na nakasagad hanggang sa sahig. Masyado ring mataas ang partition nito kaya hindi agad-agad masisilip ng kung sino. Ginawan na nga siya ng sarili niyang pinto palabas ng CR nang hindi nakikita ng mga babae. Hindi rin naman niya hilig ang mamboso. Wala siyang interes sa ganoong bagay. Sadyang ayaw lang niya sa CR ng mga lalaki. Dahil sa tunay na buhay, ang mga lalaki para sa kanya ay ang pinakamadaldal na nilalang sa buong mundo. Sa huling buga niya ng grape-flavored vape sa loob ng cubicle ay napansin niya na may isang babae na pumasok sa loob ng CR. Narinig niyang isinarado ang pinto mula sa loob. Dahil sa huli na ang lahat para umalis doon ay minabuti na lang niya na manahimik at magpanggap na wala roon. Pinakiramdaman ni Alex ang babae. Dinig niya ang paghikbi nito. "Mamatay ka na! Wala kang kuwenta!" sigaw ng babae sa harap ng salamin. Halos panawan ng lakas ang binata sa nakita nang bigla nitong hampasin nang malakas ang salamin. Nabasag ang ibabang parte nito. Dahil sa kuryosidad ay napasilip ang binata mula sa siwang ng pinuan. Nakita niya ang hindi pantay na repleksyon ng babae sa salamin. Maputi ito at balingkinitan ang katawan. May dala itong leather bag na nakasukbit sa likod nito. Ngunit ang suot nito'y hindi ideal na suot ng isang tipikal na babaeng bumibisita sa isang bar. Nakapaldang mahaba na kulay maroon at long sweater na dirty green ito. Ang buhok nito'y kulot at hanggang balikat lamang. Inulit pa nito ang mga katagang binitiwan at pumulot ng isang kapirasong bubog mula sa sahig. Alam na ng binata ang gagawin ng babae nang tumapat ulit ito sa salamin. Itinapat nito ang bubog sa kleeg nito at biniglang diin ang paghiwa mula leeg hanggang sa baba nito. "'Wag!" Halos liparin ni Alex ang paglapit sa babae mula sa cubicle na pinagtataguan niya. Agad niyang pinigilan ang mas lalong pagsugat nito sa sarili. Dinig niya ang pagkalunod ng babae mula sa sariling dugo na tumagas mula sa leeg nito. Tila nabibilaukan na ito sa dami ng lumalabas sa kanyang bibig at leeg. Agad niya itong tinakpan gamit ang kamay niya. "Miss! Damn it. Miss, don't sleep. Gumising ka!" pagtawag niya sa atensyon ng babae. Nangilabot siya sa sarili nang maramdaman ang malakas na pag-agos at pagbulwak ng dugo mula rito. "f**k!" napamura siya nang malakas. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kung hindi niya maililigtas ang babae. Hindi ito maaari. Hindi pwedeng mamatay na lang ito. Naglabas si Alex ng panyo mula sa kanyang likuran. Ginamit niya itong pangpigil sa dugo mula sa leeg ng babae. Tiningnan niya ito. "Don't die on me, Miss. I'll take you to the hospital..." Nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at agad niyang binuhat ang babae palabas ng CR... Sa sobrang lalim ng iniisip niya ay hindi niya namalayan na nasa harapan na pala niya ang matandang doktor na lalaki. Nanggaling ito sa loob ng operating room kung saan dinala ang babae kanina. "Ikaw ba ang kamag-anak ng pasyente?" Umiling si Alex. "Ako po ang nakakita sa kanya sa CR. Hindi ko pa po nako-contact ang kamag-anak niya. Ano na pong lagay niya?" tanong niya rito. "She really intended to kill herself. Mabuti na lang at isang ugat lang ang natamaan niya kaya naagapan agad. We've eliminated one of the dangers. But she's still not that stable. Masyadong malalim ang hiwa na ginawa niya. She needs to have a lot of rests. Hopefully, her vital signs will be normal again." Nakahinga siya nang maluwag. Halos bumagsak na ang mga luha niya sa mga mata. "Thank you, Doc." Pagkatapos niyon ay iniwan na siya ng doktor. Binalikan niya ang naiwang bag ng babae. Hinalungkat niya iyon. Doon ay may nakita siyang isang android phone. Binuksan niya iyon nang walang kahirap-hirap. Nakita niya ang pangalan na nakadisplay sa lockscreen nito. Lindsay Lauren Soliman. Kinalkal niya ang cellphone nito at wala siyang nakitang mga contact number na para sa kamag-anak ng babae. Nakita lang niya ang pangalan na Rex at Alice. Agad niya itong tinawagan at ipinarating ang balita. Nang makarating ang dalawa ay siniguro na lang niya na maayos na ang kalagayan ni Lindsay at saka umalis. Habang nasa kotse si Alex ay hindi niya maiwasan ang paghikbi. Matapang man siya ngunit sa mga oras na iyon ay tila naubos ang lakas niya. Totoo na natakot siya kanina. Iyon ang unang beses sa loob ng sampung taon na umiyak siya sa parehong dahilan. Naaalala niya ang namatay niyang ina mula sa babae. Ang kaibahan nga lang ngayon ay nailigtas niya ang estranghera, ngunit hindi niya kailanman maililigtas pang muli ang kanyang namayapang ina. Nakapagmaneho pa siya pabalik sa kanyang condo. Ngunit hindi pa man siya nakakarating ng kanyang mismong unit ay bigla na siyang bumagsak at pinanawan ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD