Vision 7

1590 Words
SINUOT na ni Aerra ang shades dahil hindi talaga niya makita ang expression sa mukha nito. "Nagsimula ang lahat after kong ma-comatose at the age of seven. Paggising ko, tumatagos na ang lahat at parang x-ray. I see bones, organs, fluid, everything. Nakikita ko ang lahat kapag walang suot na shades, neon green and red ang nakikita ko, just like radiation X-rays. Kapag nakashades ako doon ko lang nakikita ng maayos ang mga kulay. I can see things through walls with or without my shades." Manghang-mangha si Delgado sa kanya. Tumayo pa ito at minuwestra ang isang cabinet. "Let's try. Anong nakikita mo sa cabinet na iyon?" "Cup noodles, de lata. To be exact, corned beef, sardines, pansit canton at may puting mug." "Wow, accurate! Ang galing! You're a walking X-ray vision o mas tamang sabihing, human X-ray. No wonder alam mo ang style ng brief ko at size ng-- never mind." Tumayo ito at inalalayan pa siya. "Get up. Magbihis ka na. Magpahinga ka na. Bukas ay gagawin na natin ang plano." Kinabukasan.. Nakaligo na si Delgado nang labasin niya mula sa kwarto. Nakaayos na rin ang hapagkainan. Inanyayahan siya nitong kumain na. Tumanggi muna siya at nagdiretsong pasok sa banyo para maligo. Dala na niya ang damit kaya nakabihis na rin siya nang lumabas mula sa banyo. "Eat first," sabi nito. Iniayos lang niya ang nagulong tuwalyang nakapulupot sa uluhan saka umupo sa tapat nito. Nakita niyang bigla itong nanigas at agad na nag-iwas ng tingin sa kanya. What's wrong? May mali ba sa suot niya? "Bakit?" Hindi parin maipinta ang mukha nito at parang may gumuguhit na sakit. "May masakit ba sa iyo?" "Masakit ang kalamnan ko. Kailangan ko lang ilabas ito. I'll go in the toilet for a while," paalam nito. Sinundan lang niya ito ng tingin. Nang alisin niya ang itim na shades. Bigla tuloy siyang nagsisi nang maaninag mula sa pinto ng banyo ang ginagawa ni Delgado. Bigla siyang namula. What is he doing? Did he arouse? She saw him removing his pants doing obscene things to his organ indeed she must not seen. Dali-dali niyang ibinalik ang shades sa mata. Sinipat niya mula sa salaming nakatapat sa kusina ang kalahati ng kanyang katawan. Doon lang niya napansing hindi pala niya nasara ang isang butones ng polo niya at kita ang cleavage. s**t! Kaya ba bigla itong nanigas at nagparaos? Kaagad niyang inayos ang sarili, matapos kumain ay mabilisang hinugasan na niya ang mga pinagkainan. Mahirap na, baka makita na naman siya ni Delgado. Makipag-agawan na naman ng plato sa kanya at mauwi na naman sa.. She stop herself from the thought. Nag-init na naman ang pisngi niya. Naipaypay na lang niya ang kamay sa sarili. Paglabas ni Delgado ay napansin nito ang pamumula ng pisngi niya. "Mainit ba? Ba't ang pula ng pisngi mo?" Hindi talaga magandang ideya na pagsamahin sila ni Delgado. Nagkakaroon ng masamang epekto lalo na sa kalusugan niya. Gusto na tuloy niyang bumalik sa presinto at mag-complain para palitan ang kapartner niya. "Wala. Just don't mind me." Hindi lang niya maaming apektado rin yata ang sistema niya sa natunghayan niya kanina. Malinis na ang mesa nang ilatag ni Delgado ang dalawang pinagdugtong na bond paper. "So.. Here's the plan. Alam kong malaki ang maitutulong ng extrasensory mo sa trabahong ito. Baka ma-promote ka pa at maging isang Eagle agent." Iyon naman talaga ang pinakagusto niya, stepping stone lang ang pagiging pulis. "I have here the sketch of the target. Isa iyan sa mga drug lord na nagbebenta at nagsusuplay sa malalaki at kilalang tao." "Kung ganoon ay isa siya sa sindikato?" "Posible. Marami pa siyang galamay na sumesentro ngayon sa pagdi-distribute ng droga sa kalapit na lugar, gaya sa Laguna, Cavite at Batangas." "Saan natin siya uumpisahang hanapin?" "Matinik ang taong iyan. Hanggang ngayon ay hindi pa matimbog-timbog. Pero ayon sa source ni Sarhento, nandito siya ngayon sa Laguna. Madalas siyang tumatambay sa isa sa sikat na club. Here's the deal. We have to caught him in action na talagang nagbebenta siya ng droga sa pampublikong lugar." "You mean magpapanggap tayong buyer?" Naiinsulto na si Aerra tuwing tumitingin sa kanya si Delgado. Paano ba naman kasi ay pagpapanggapin lang naman siya nito na hostes? Dahil ang club pala na ire-raid nila ay siyang bentahan talaga ng droga. Pansamantala nga iyong nakasara pero dahil sa padulas, madalas itong nakakapagpatuloy ng aktibidades sa negosyo. "Isang pang sulyap mo sa dibdib ko, tutusukin ko talaga 'yang mata mo," pananakot ni Aerra kay Delgado habang siya ay nasa backseat nakaupo. Isang beses pa siya nitong sinulyapan sa front mirror ngunit sa mukha na niya nakatingin ang lalaki habang malagim ang pagkakangisi. Nakita niyang umiling ito. "Anong iniiling-iling mo?" "Wala naman.. Hindi lang ako nagsisisi na sumama sa 'yo. You have everything that man can die for and I'm actually dying in celibacy." Nakita pa niyang sumulyap naman ito sa suot niyang micro skirt na halos kita na ang kuyukot kapag tumuwad. Wala na. Tinamaan na talaga ng magaling. Sa inis ni Aerra ay kinalas pa niya ang isa pang butones at kusang lumuwa ang dibdib niya saka siya bumulong, "mabangga ka sanang bwiset ka!" Pati siya ay kamuntik mangudngod at mapunta sa harapan nang pumreno ito. "What the hell, Aerra!" Mabuti na lang at maagap siyang kumapit. "Tigilan mo kasi ang dibdib ko nang hindi tayo, maaksidente." Saka niya kinuha ang jacket at sinuot na nasa likuran ang zipper para matakpan ang halos hubad na katawan. ISANG beses pang bumuntong hininga si Aerra. She was against it. But what can she say and protest for. Gusto niya ito at ito lang din ang daan para malaman niya kung sino ang pumatay sa kanyang ina. Gusto niyang siya mismo ang huhuli sa mga kriminal na kumidnap sa kanila noon. Tiyak niyang buhay pa ang kahit isa sa kanila. Hinintay nila ang alas dos ng madaling araw, bago isagawa ang plano. Kunwari ay isang hostes si Aerra sa club at si Delgado ang kanyang customer. She once check herself, before proceeding to the entrance. Maayos namang nakakabit ang maliit na camera sa pagitan ng bra niya upang maaktohan nila ang mga kriminal. Dahil mukha siyang hostes, mula make-up hanggang postura ay pinapasok siya ng dalawang security guard. Mabuti na lamang at may kadiliman sa loob. Hindi siya mahihirapang gamitin ang vision kahit na walang anumang takip sa mata. Nagkikislapan ang iba't-ibang ilaw, habang umiindayog ang mga mananayaw na halos pang-ibabang kasuotan na lang ang natitira sa katawan. Bahagya pa siyang kinilabutan, pero alang-alang sa misyon, patay malisya niya iyong gagawin. Mukha nga lang na hindi maitatago ni Delgado ang baril. Kaya inipit niya iyon sa garter sa bandang hita. Back-up kung magka-aberya ang gagawin nilang pagmamanman. Nakihalubilo si Aerra sa kapwa hostess. Umupo pa siya sa katabing lalaki. Well, she was not actually good in seducing guys but she was better in acting. "Hi, baby boy.." Lumapit pa siya sa lalaki at saka pinatong ang isang binti. Sana lang talaga ay umubra. Ramdam niyang tumigas ang crotch ng lalaki na mukhang naapektuhan. Mabuti na lang talaga at kinapalan niya ang make-up para hindi siya makilala. Katapat niyon ang naaktuhan niyang palitan ng epektos at ang pera. "Password," sabi ng lalaking naka-bonnet. "Slumdunk!" Mabilis na inilabas ng naka-bonnet ang pera. Nakita pa niyang nagkislapan ang kamay nitong may suot na makinang na ruby at dalawa pang ginto sa ibang daliri. Ikinuyakoy nito ng dalawang beses ang paa, kasunod na inilabas ang isa pang attache case. Itinapat maigi ni Aerra ang camera sa dalawa. Hanggang unti-unti na siyang umupo sa kandungan ng lalaki. Halos mapangiwi pa siya nang tila nanunusok na iyon sa pang-upo niya. Kaagad niyang itinabig ang alak na nasa bilugang mesa. Nabasa ang pantalon ng lalaki at agad na napatayo saka walang paalam na tumungo ng toilet. "Come over here, Baby." Sisikuhin na sana niya ang kung sino, nang bigla siyang kabigin sa bewang. Mabuti na lang at si Delgado na pala iyon. "Try it again what you're doing," sabi nito sa pahaw na tinig saka siya kinandong habang nakatalikod sa binata. Papalitan na ba nila ang Mission bilang Aphrodite and his seducer? "Ba't ka huminto?" mahinang bulong nito sa tainga niya. Napatiim na lang siya ng bibig at gusto na niyang tapakan mula sa stilleto ng kanyang sapatos ang paa nito. Matapos lang talaga ito, patay sa kanya ang Molester na 'to. "Act normal, Baby," sabi nito sa punong tainga niya. Naramdaman niyang parang hinihingahan nito ang balikat niya habang pinaiindayog siya nito sa ibabaw ng crotch nito. "Do we really need to did this?" "Y-yess.. baby.." Ramdam niya ang paglalagutan nito ng hininga na parang lumulutang ito sa alapaap habang inaalalayan siya sa ibabaw nito. Take note, nakadamit pa siya. Paano na lang kaya kung wala na siyang suot? Que horror, baka mabitay talaga niya ang lalaking ito. She was concentrating on the act of the two person in front of them. Minsan pa niyang inikot ang camera para makuhaan ang mga ito ng picture habang nagpapalitan at nagkakamayan. Kahit pa nahahati ang atensyon niya sa ginagawa ni Delgado at sa trabaho niya. Sino bang hindi matatawag ng atensyon kung parang ito ang gumigiling habang kung anu-anong kalokohan ang binubulong sa punong tainga niya? "Delgado, call the troops. We need them, asap," mariing sabi niya rito. "Mapapalaban ba ang tropaaa.. Ugh.. s**t, Aerra." Sa inis niya sa pag-aktong iyon ni Delgado at harapan siyang minomolesya ay pasimple niyang itinapat sa crotch nito ang baril. "Isa pang paggiling mo, aasintahin ko talaga 'yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD