SIMULA nang makaalis sa Inn si Aerra kasama si Delgado ay hindi na niya ito pinapansin. Wala naman siyang dapat sabihin at ayaw niyang kinukulit siya nito, about her life, the mess and her shades. It's privately lock up.
Sakay ng motor, huminto sila sa isang mataas na bahay.
"Ba't ba tayo huminto?" pagtatakang tanong nito.
"Hindi mo ba nakikita? Nanakawan iyong babae. Dinukot ang wallet niya," sabi niya kahit hindi naman nito nakita ng buong detalye dahil natatabunan sila ng kabahayan. Malayong makita nito o maaninag man lang ng nakikita ng pambihira niyang vision.
Umalis siya sa pagkakaangkas at hinubad ang malaking backpack bag na inihulog na lang sa kung saan at diretsong naglakad.
"That's not part of our job, Aerra."
Nilingon niya ito. "So, you mean wala kang balak tulungan 'yong babae? Fine. You stay here and I'll do the rest."
Naturingan pa naman itong pulis. Ano ngayon kung hindi sakop ng trabaho nila ang lugar? As long as she help the in need, masaya siyang gagawin iyon.
Tinakbo ni Aerra ang nakitang daang tinatahak ng snatcher.
Sa likod ng isa pang bahay ay nakita niyang nagtago ang snatcher. Kitang-kita pa niya sa kanyang vision ang ginagawa nitong paglabas ng pera at inuunti-unting binubulsa.
Naglakad siya papalapit na iniiwasang hindi makagagawa ng anumang ingay.
"Tigil!" sigaw niya sa lalaki.
Huminto naman ito at hinagis ang nalimas na wallet ng ale.
"Wow! Talagang naka-shades pa."
Mabilis na dumulas siya pailalim saka ito sinipa sa binti. Napaigik naman ito sa sakit.
"Ilabas mo lahat ng perang ninakaw mo, " utos niya sa lalaki.
Sisipain pa sana niya ito nang bigla itong lumuhod at inilabas din ang pera.
Napatitig siya nang may naiwan pang pera sa brief nito.
"Ilabas mo 'yang nasa brief mong pera!" utos niyang muli.
"Wala na, nalabas ko na," kaila nito.
Hinding-hindi ito makakapagsinungaling sa talas ng extrasensory niya.
"Huwag mo nga akong gawing tanga. Kita ko pang may lamang five hundred ang nakasuksok sa puwitan ng brief mo. At talagang may maliit pang bulsa." Napangisi pa siya.
Kita niyang nagulat ito. Saka naman dumating si Delgado.
"Mga pulis kami. Tumayo ka na riyan at sumuko sa batas," sabi ni Delgado kasabay ang paglapit sa lalaki.
"Look out, he has knife!" sigaw niya nang handa ng itaas ng lalaki ang kamay na may hawak na balisong matapos bunutin ang nakita niyang nakasuksok din sa gilid ng brief nito.
Mabilis namang nahawakan ni Delgado ang mga kamay nito habang inilalagay sa likuran nito para hindi na makapalag, nalaglag ang balisong.
"Ang galing mo 'don ah. Paano mo nalaman iyon?" pagtataka nito.
Hindi naman kasi litaw ang kahit anong detalye ng maliit na balisong. Pero dahil ganoon katindi ang talas ng vision niya ay kitang-kita niya iyon kahit pa sa distansiya ng sampung pulgada.
"Guess," sabi lang niya.
Dumating na rin ang mga pulis na tinawagan ni Delgado at nadampot ang mandurukot na diretso sa selda.
Sakay na silang muli ng motor at huminto sa isang grocery. Kailangan daw muna nilang mamili ng stocks dahil wala itong stock ng pagkain bago makarating sa bahay nito sa San Pedro, Laguna.
Hindi niya alam na may bahay pala ito roon.
Ito na ang dumampot ng mga grocery samantalang siya naman ay abalang bumibili ng mga damit na pwede niyang magamit kasama ang disposable underwears.
Patungo na sana siya sa counter nang makita ang isang dalagita na kumukuha ng mga chichirya.
"Hoy, ano 'yan? Ba't mo 'yan kinukuha?"
Mabilis nitong binitiwan ang ninanakaw.
"W-wala ha." Saka patay malisyang naglakad palabas ng grocery.
Nakita niyang nakalusot ang dalawang maliit na juice na nakalagay sa tiyan at nakasukbit sa garter ng maluwag nitong pants, tatlong fudgee bar sa loob ng bra at isang chocolate sa gilid nito.
"Anong tinitingnan mo?" pagtatakang tanong ni Delgado nang abutan siya.
"Iyong dalagita kasi nagnakaw ng mga pagkain," sabi niya habang nakatingin pa rin sa papalayong pigura ng dalagita. Marahil ay hindi ganoon ka-tight ang security at mga cctv camera sa grocery para may makaligtas na kriminal. Pagkain man ang inumit nito, considered criminal pa rin ito. Pero dahil menor de edad tiyak hindi ito tatagal sa kulungan o maaaring dumiretso sa DSWD.
"Pa'no mo nalaman?"
Bigla siyang natauhan sa tanong nito. "Wala. Magbabayad ka na ba?"
Nadismaya siya pagdating sa counter. Hindi gumana ang dala niyang credit card. Mukhang naka-freeze na iyon. Sana pala maaga siyang nag-withdraw. Alam na yata ng kanyang ama ang kalokohan niya. Kaya bantay-sarado na nito pati ang savings niya.
"Ikaw yata ang may balak magnakaw eh," panunukso nito habang malaki ang pagkakangisi. How she would want to expunge that grin on his face. "Sige na. Isama mo na, ako na ang magbabayad." Inilabas pa nito ang credit card at ibinigay sa kahera.
Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagngiti ng kahera ng pagkatamis-tamis na parang sarap na sarap siyang pagsamahin ang dalawa saka pagbuhulin.
"Ano, aalis na ba tayo?" pagtataray niya.
"Ba't bigla kang nagtaray? Meron ka ba?"
"My period has nothing to do with this," giit niya.
"Ba't ang init agad ng ulo mo? Dapat nga magpasalamat ka pa at ako na ang nagbayad sa binili mo."
Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo. Tanghali na, nakikipaglandian pa ito at nakikipagkindatan sa kahera. Paano na lang kung may anak, asawa o nobyo na pala iyong kahera at nagagawa pa nitong landiin? Ah, basta. Biglang uminit ang ulo niya.
ONE storey house na may rooftop. Mula sa taas ng rooftop ay overlooking ang mga tanawin. Kahit paano ay lumambot ang puso niya. Kuminis na uli ang nakakunot niyang noo lalo na pag nakikita niya si Delgado. Na parang isa itong malaking dumi sa daraanan niya.
"Bakit hindi mo sinabi sa kanila na may bahay ka pala rito?" mayamaya ay tanong niya sa lalaking nakahiga na ngayon sa wooden swinging chair. Wala naman kasi itong binanggit na may rest house pala ito sa Laguna at hindi rin sinabi sa kanya ng maaga. Sa kabilang banda ay magandang ideya. She wouldn't have to pay for a rent because she's now penniless.
May nakapaligid na bubong sa rooftop, pananggalang sa matinding sikat ng araw. Hindi rin mainit dahil malamig ang hangin mula sa mga puno at mga halamang nakatanim sa bawat gilid ng taas. Kapag umulan din ay hindi mababasa kaya pwedeng-pwede na matulog sa rooftop.
"Ayaw ko lang," he mumbled while arm resting on his forehead and eyes half close.
Umupo siya sa katapat ng mesa sa may mahabang upuan ng swinging chair. Akala ni Aerra ay sa garden lang pwedeng ilagay ang swinging picnic table kagaya nito. Mas maganda pala itong tingnan sa rooftop.
"Bakit, interesado ka ba sa'kin?"
Binato niya ito ng throw pillow. "Matulog ka na lang at mag-ilusyon."
Naikot na niya kanina ang bahay. May nakapaligid na garden. Sapat lang kung magdadagdag ng tanim na halaman. Malaki rin ang bahay, bagay na bagay kung nanaisin din nitong magtayo ng pamilya. May dalawang kwarto na parang pinasadya nito. Yellow, sky blue and white ang kulay ng interior. Maliwanag at malambot sa mata. May pagka-artistic din pala ang taong ito matapos nitong sabihin na ito mismo ang nag-design ng buong bahay.
Mukhang naka-focus ito sa rooftop. Dahil mas marami pang halaman doon kumpara sa baba. Ito rin kaya ang gumawa ng landscape?
"Why are you playing mysterious, Aerra? Alam mong may alam ako. Bakit ayaw mo pang aminin?"
Inirapan niya ito. "Ano naman ang alam mo? Bakit interesado ka rin ba sa'kin?"
Bumangon ito, sa gulat niya ay napasandal siya sa swinging chair.
Inilapit nito ang mukha sa kanya. Kung kaya lang niyang basahin ang isipan nito. Hindi na siguro siya manghuhula ngayon.
"Paano kung sabihin kong oo, interesado ako sa 'yo? Papalag ka ba?" Lalo pa nito inilapit ang mukha na halos gahibla na lang ang agwat ng mga mukha nila.
"B-Ba't ka ba lumalapit? Umayos ka nga." Ngunit siya yata ang hindi maayos. Naging erotiko ang t***k ng puso niyang kumakabog sa tindi ng tensyong ginagawa nito sa kanya.
"I know there's something unusual on you, Aerra."
"Stop looking at me, Delgado!"
"I will if you say the truth. Are you an enchantress, having an extrasensory or something?"
Hayun pa rin ang titig nitong para siyang kikilabutan. Dahan-dahan nitong inialis ang suot niyang shades.
Nataranta naman siya. "What are you doing? Put it back!"
Iniwas nito ang shades at hinawakan ang nagpupumiglas niyang kamay.
"I know there's something strange in your eyes. Mayroon kang nakikita na hindi nakikita ng ordinaryong mata," panimula nito na parang hinuhuli siya.
"Ano namang nakikita ko? You're imagining things, Delgado."
"If I am, bakit ayaw mong alisin ang shades mo?" nanunubok na tanong nito.
Nakita niya sa mata nito ang matiim nitong titig na parang nag-iimagine ito ng kalaswaan sa kanya. Did he imagine her naked?
"A-anong ginagawa mo? Ba't ganyan ka makatingin?"
"Bakit? Paano ba kita tingnan?"
Damn! She's into edge. Alam na ba nito ang lihim niya?
"Sabihin mo, ano ba ang nakikita mo sa mga mata ko?"
Lalo niyang pinalalim ang tingin. Parang naaaninag nga niya ang sariling kabuuhan na walang saplot and s**t! She was dancing seductively in his damn eyes.
"f**k you, Delgado! Tigilan mo ako. Stop imagining that!"
Napapikit na siya nang hindi ito tumigil.
Bigla siyang nanlambot at parang tatakasan siya ng ulirat. Bakit nakikita niya sa mata ni Delgado ang imagination nito? Did her super power evolves and give additional extrasensory?
"s**t! Your nose is bleeding! Aerra! Aerra, gumising ka!"