Bumukas ang pinto ng shop ni Aurora at nakitang may grupo ng limang binata ang pumasok sa loob. Mag-gagabi na at nag-aayos na siya ng mga kagamitan para umuwi. Hindi niya inaasahang may darating na customers. Medyo kinabahan si Aurora. Base sa mga suot nito ay parang mga g**g o tambay lang sa kanto. Nagtatawanan ito at ilan sa mga lalaki ay tumitingin sa direksyon niya at ngumingisi. Ngumiti siya dito at binati ngunit siya hindi umalis sa pwesto niya. "Bibili ba kayo ng bulaklak?" tanong niya, ang mga kamay niya ay mahigpit na humahawak sa cellphone na nasa kanang kamay. Nagtawanan ang mga ito bago sumagot ang nasa unahan, "Ang ganda naman ng mga bulaklak mo. Pero mas maganda 'yong taong nagtitinda." Dinilaan pa nito ang maitim na labi. Aurora felt shivers and her heart tremble in fea