Nang masigurong nasa malalim ng pagtulog si Second ay syaka ako lumabas sa kanyang silid at tiim bagang na bumalik sa sala kung nasaan ang pinadalang regalo, hindi pa rin umaalis ang magkakapatid na ipinagpasalamat ko dahil may pansamantalang bantay ito. Ikinonekta ko ang speaker kay Galero. "Umakyat ka dito." "Yes, Captain." Humarap sa'kin si First matapos nitong pagmasdan ang nakakasukang ulo na nasa center table. "Hindi na siya ligtas dito." Aniya. Tumango ako. "I know." "Masyado ng napapalapit sa panganib ang kapatid ko kaya kung maaari ay gusto kong matapos na ang kasong 'to." "Yon rin ang gusto ko, don't worry sisiguraduhin kong ligtas siya hanggang sa matapos ang lahat." Pinakatitigan niya ng husto ang reaction ko at muling nagsalita gamit ang seryosong tinig. "Sana nga."